Kabanata 25 - Kolektibong Diwa

249 10 5
                                    

UNHDC – Workstation 3

"Ito ang Cerebral Reciprocating System,  binubuo siya ng tatlong bahagi, ang —-"

"Teka, teka Cerebrum what?" agad na putol ni Col. Tobias sa nagpapaliwanag na si Rodel.

"So ano yung tatlong bahagi ng CRS Sir Rodel?" singit naman ni Dr. Alvarez.

"Una ang tinatawag naming Cognizant Extraction, kung saan kokonekta ang CRS sa mga 'Leechers' nito gamit ang nakita niyo kaninang aparato kung saan nakaratay ang limang manlalakbay. Matapos maka-connect ng system ay i-upload nito ang brain pulses ng bawat isa at i-convert sa electronic signals na tulad ng nasa computer..." unang paliwanag ni Rodel.

"Iyan din halos yung technology na gamit ni Stephen Hawking para makapagsalita siya electronically?"

Dugsong naman ni Dr. Glenn Reforsado.

"Tama ka diyan, pero marami ang pagkakaiba nito mula doon..." Agad na sagot ni Rodel

"...Matapos ang Cognizant Extraction ay 'i-compress' ang mga motor functions, memories at consciousness ng mga leechers sa iisang electronic signal para i-load sa host. At ang Host ang kokonekta sa Collective Psyches upang pumili ng magiging vessel ng mga ito. Tinatawag naman itong 'Headhunting'." Dugtong nito.

"Bakit kailangan pa ng host para dito. Hindi ba puwedeng ang system na mismo ang pipili ng paglilipatan ng consciousness ng mga leechers? At saka ano yung tinutukoy mo na Collective Psyches?" sunod-sunod na tanong ni Dr. Isabelle Alvarez.

"Good question, ang totoo niyan... hindi ko alam. Sinusunod lang namin ang nasa Blueprint na binigay ng asset." Paliwanag ni Rodel.

"Ha?! 'wag mo ding sabihin na inimbento mo lang 'din yung mga terms na sinabi mo kanina, ha Rodelio?" wika naman ni Col.Tobias na hindi masyadong makasunod sa pinaguusapan.

"Hahaha.. ikaw naman, wala kang tiwala sa akin...." Pabirong tugon naman ni Rodel.

"Ano ang huling proseso Sir Rodel?" tanong ni Dr. Reforsado.

"Huhulaan ko, tatawagin niya yang 'The Possession'!" muling singit ni Col.Tobias.

"Medyo malapit kana amigo, pero tinatawag naming itong Cerebral Reciprocation. Ito na ang punto ng pag-sapi ng bagong katauhan sa napiling vessel. Dito hinango ang pangalan ng buong system na ito." Tugon ni Rodel.

"Wait, paano pinipili ng Host ang magiging vessel?" Muling pagtatanong ni Dr. Alvarez.

"Ang totoo niyan iha, hindi ko 'rin alam. Pero base sa obserbasyon ko, mga taong napipili ng Host para maging vessel ay yung may mga intensified neurological abilities..." Paglalahad ng puno ng ahensya sa mga ito.

"Sa madaling salita, mga taong may ESP? Tama ba?" wika naman ni Dr. Reforsado na nakadungaw sa workstation.

"Parang ganun na nga, pero  mas akma ang INA dahil kabilang dito ang mga taong henyo at yaong mga kayang mag-astral projection."

"Lalong gumugulo ang usapan, ano ba talaga itong CRS na ito Rodel?" paglilinaw ng colonel.

Napangisi ang kaibigan nito at nagsabi.

"Pasimplehin natin, ang Cerebral Reciprocating System ay isang halimbawa ng Time Machine."


Isang pook sa kapatagan

Matapos ang maraming araw na paglalakbay at pagiwas nila Edward at Koon mula sa mga nagsisiyasat na kawal ni Sagada ay narating din nila ang isang pamayanan kapatagan na ilang milya nalang ang layo mula sa Maynilad. Tiyempo ang kanilang pagdating sa pamayanan dahil kakalubog lamang ng araw. Naghanap sila ng lugar upang mapaglilipasan ng gabi.  

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon