Ikalawang Yugto: Kabanata 34 - Ugnayan Dos

87 2 0
                                    

New York City - January 1900

Magbubukang liwayway nang dumaong sa pantalan ng lungsod ang bapor na kinalululanan ng pamilyang nagmula pa sa Europa. Kasabay ng bagong siglo ay ang isang bagong buhay na naghihintay sa bagong mundong ito. Karga-karga ang bunso nilang anak, inutusan ng ginang ang kanyang anak na lalaki upang kaunin ang kanilang ama at panganay na kapatid sa kabina na inaayos ang kanilang mga gamit.

Isa ang pamilyang ito sa mga unang bumaba sa daungan. Kanilang nasaksihan ang pagiging abala ng mga tao dito. Ilang hakbang mula sa bapor ay sinalubong sila ng isang lalaki at kasamahan nito na tila galing sa isang pahayagan. Humihingi ito ng kaunting sandali para makuhanan sila ng larawan.

"Welcome to America!"

Malugod na bati nito sa pamilya.

"Thank you!"

Agad na tugon naman ng ama.

"Which European Country you came from?"

Tanong ng lalaki sa pamilya habang hinahanda ang kanyang susulatan at hinahayaang maghanda ang kanyang kasamahan na kukuha ng litrato.

"Germany!"

Singit ng isa sa mga anak.

"Smart Kid you have there. So what kind of work do you plan on getting here?"

Sambit ng lalaki sa ama ng pamilya.

"Actually, I'm a professor in Hamburg, my wife is good in se-..."

Bago pa man matapos ang pagkukwento ng ama ay pinutol na ng lalaki ito dahil handa na ang pagkuha ng litrato.

"Great Story! Can we take a picture of your family now?"

Tanong nito sa ama. Napatungo nalang ito at sumunod sa pabor ng lalaki.

"Okay, 1, 2, ready... smile!"

Isang malakas na kislap ang bumungad sa pamilya kasunod nito ay ang usok.

"It was nice meeting you and your family Mister..."

"Heinz, Gregory Heinz."

Pakilala ng ama sa lalaki.

"Oh by the way, I'm Thomas from the Harper's Weekly. If you're interested in having some part time, come and visit us in this spot."

Pakilala naman ng lalaki kay ginoong Heinz sabay abot ng kapirasong papel kung saan nakasulat ang lugar ng opisina nila Thomas.

"Take care of your family Gregory, bye."

Paalam ni Thomas sa pamilya.

Matapos ang lahat ay naglakad na ang mga bagong salta sa malawak na parang ng siyudad. Sandaling nagpalaboy ang pamilya sa lansangan ng lungsod habang hinahanap ang tinutuluyang bahay ng kaibigan ni Gregory na nauna nang nanirahan sa Amerika.

Pagdating ng mag-anak sa kaibigan ng kanilang padre de pamilya, masaya silang tinanggap nito.

"Guten Morgen! Wie geht es Ihnen?"

Pangangamusta ng kaibigan kila Gregory.

"Ito, maayos naman na nakarating dito. Kamusta naman kayo rito? Totoo ba na madaling maghanap buhay dito at Malaki ang kikitain?

Agad na bungad nito sa kaibigan sa wikang Aleman.

"Hahaha, hinay-hinay ka lang at kararating niyo lang dito. Oo, maganda ang oportunidad dito sa Amerika. Ito ngang bahay na ito, nababayaran naming ang renta sa tamang oras, hindi tulad doon sa atin..."

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon