Marso 16, 1521 - ika 5 ng umaga
Nagmamadaling nagtungo ang isang lalaki sa isang silid upang katukin ang kanilang pinuno. Matapos lamang ang ilang saglit ay bumungad na sa kanyang harapan ang isang ginoo na inaasahan na yata ang pagtawag sa kanya.
"Senyor, may namataan po kaming isang isla sa hindi kalayuan" Agad na ulat nito pagkabukas ng pinto.
Walang sinayang na sandali ang lalaki at agad na lumabas sa kanyang kabina.
Gamit ang kanyang largabista ay sinipat niya ang sinasabing isla ng kanyang tauhan.
"Ihanda ang mga bangka at dadaong tayo." Utos nito sa kanyang mga alalay.
Ngunit bago pa man maisakatuparan ng mga ito ang utos ng lalaki ay may biglang nag-ulat na tauhan na nasa tuktok ng layag.
"May paparating na pangkat ng mga bapor patungo sa direksyon natin!"
Gamit muli ang kanyang panipat, sinipat ng lalaki ang nasabing paparating na grupo. Sandaling nabigla ang ginoo sa kanyang nakitang grupo na tila barkong pandigma.
"Ihanda ang mga kawal at ang mga kanyon, may mga bisita tayo."
Hulyo 1, 2020 - ika 10:45 ng gabi
Sakay ng isang coaster bus, kalmadong naguusap ang anim na sakay nito patungo sa isang tila, paliparan sa gitna ng kagubatan.
"Okay guys, upon reaching our drop point, we will immidiately enter the shuttle and gear up for launch." Ang maikling paliwanag ng isang babaeng nakasuot ng damit militar.
"I have a question officer, can we take pictures when on board the shuttle?" Pabirong tanong ng isang binatang lalaki sa opisyal.
"You know the protocol Dr. Enriquez." maikling tugon naman nito sa makulit na lalaki.
"Pare, talagang type mo yang si Ma'am Santos at panay ang pagpapa-pansin mo sa kanya ah?" Ang biglang bulong naman ng isang lalaki kay Dr. Enriquez.
"Alam mo Sir Allan, huwag mo akong itutulad sa iyo na tumandang binata..." Bawi naman nito.
"Hahahaha! Wala tayong magagawa, busy palagi sa trabaho eh!" Sabay buntong hininga nito.
"Bakit ayaw mong pormahan si Ms. Lee? Diba sabi mo type ka nun?" Bago pa man makasagot si Allan ay huminto na ang sasakyan nila.
"Time check is 10:47 pm, we've arrived earlier. We shall begin the departing procedures now." Muling ulat naman ni Officer Santos sa grupo.
Nagsimulang naghanda ang lahat ng lulan nito at isa-isang bumaba sa sasakyan tungo sa kanilang paroroonan.
Umaga ng Hulyo 6, 2020
Nagising sa pawis at init si Lawren at hindi sa alarm clock na inihanda niya kagabi. Masama ang timpla, at pawisang bumangon sa kanyang kutson, agad niyang napansin na hindi gumagana ang electricfan.
"Shit, nag brownout na naman!" Inis na bulong nito sa sarili. Tinungo niya ang palikuran nang makapaghanda na sa kanyang trabaho.
Matapos makapag-ayos ay kampanteng bumaba ng kanyang apartment si Lawren at naglakad na patungo sa kanyang ikinakabuhay.
Dahil sa walking distance lamang ito sa kanyang tinutuluyan, at dahil mas maaga siya ng 30 minuto kumpara sa tipikal niyang pagising ay naisipan niyang dumaan sa 7Eleven dahil sa dalawang dahilan,
Una: Babawiin niya ang init na dinanas niya sa apartment at Pangalawa: Para makapag-almusal.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...