United Nations Historical Development Committee (UNHDC) – Philippine Branch
"Ayon sa mga datos na ito, nasa Stage 1 ng Sleep cycle lang ang host na ito Pero bakit siya nagre-REM?"
Reaksyon ni Dr. Alvarez sa babaeng host matapos Makita ang mga impormasyon na naka-flash sa mga screen sa tabi nito.
"Ang mas nakapagtataka ay kung paano napapatagal ng ganito ang Theta Waves sequence ng utak niya. Kadalasan, tumatagal lamang ito ng humigit kumulang sampung minuto." Komento naman ni Dr. Reforsado habang masusing inoobserbahan ang Host na nakahiga.
"Dr. Glenn, anong masasabi mo dito? Field of expertise mo itong Neurology and Artificial Intelligence." Wika ni Dr. Alvarez sa kasamahan.
Sandaling pinagmasdan ni Glenn ang mga monitoring screen at may binuksan na file at application sa computer.
"Hmmmmm, so ibig sabihin, mabilis na naghahalinhinan ang Stage 1 at Stage 4 ng Sleep Cycle dahilan kung bakit ang datos na lumalabas ay nasa antas ng Theta Waves ang host pero nagmamanifest siya ng katangian ng isang REM sleep." Malakas na bulong nito sa sarili.
"Teka, teka. Maari niyo bang ipaliwanag sa amin ng maayos iyang mga pinagsasabi niyo?" Singit ni Sir Rodel.
"So ibig sabihin maski ikaw Rodelio ay hindi mo alam ang operasyong sinimulan mo?!" Sagot naman ni Col. Tobias.
"Dre, ano kaba, magaling lang ako sumunod ng instructions. Pero siyemepre hindi ko alam ang mga konsepto sa likod ng mga iyan. Ano ako, diyos? Alam ang lahat?!"
Agad na depensa ni Rodel sa sermon ng kaibigan.
Napailing nalang si Alec sa palusot ng kaibigan.
"Ganito ho kasi 'yan..." Simulang wika ni Glenn habang naghahanap ng masusulatan.
Agad namang nakuha ang atensyon ng lahat sa gagawing pagpapaliwanag ng binata sa mga bagay.
Nagsimulang magsulat sa isang Glass Panel si Dr. Reforsado
Stage 1 – Theta Sleep
Stage 2 – Sleep Spindles
Stage 3 – Delta Sleep
Stage 4 – REM Sleep
"Kapag natutulog tayo, dumadaan sa apat na bahagi ng paghimbing ang ating utak at isipan..." bungad ni Glenn sa lahat matapos magsulat.
"Akala ko kapag tulog ang tao, eh iyon na 'yun? May mga levels pa pala 'yan?" singit ni Rodel.
"Itikom mo muna yang madaldal mong bibig Rodelio, making ka muna!"
Muling sermon ni Col. Alec sa kaibigang makulit.
"Sa loob ng unang lima hanggang sampung minuto ng pagtulog ng tao ay papasok siya sa tinatawag nating Stage 1 ng Sleep Cycle kung saan ang Theta waves ang nagsisimulang gumana sa loob ng utak natin..."
Simulang pagpapaliwanag nito habang nagsusulat pa ng karagagang impormasyon sa Glass board.
"...sa level na ito, kapag ginising mo ang isang tao ay sasabihin niyang hindi pa siya nakakatulog, pero ang totoo ay nagsimula na siyang humimbing, mababaw nga lang, ika nga nila. Ito din iyong pakiramdam na bumibigat na ang mga mata mo."
"Ngayon, matapos umusad ang ilang sandali, papasok na ngayon ang utak natin sa Stage 2 ng paghimbing. Sa level na ito magsisimula nang bumagal ang pagtibok ng puso mula sa normal nitong bilis at ang temperatura ng ating katawan ay unit-unting bumababa dahil sa Sigma Waves. Kung baga, dito nagsisimula yung pakiramdam na napapa-sarap kana sa pagtulog..."
BINABASA MO ANG
Sulyap
Ficción histórica"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...