Kabanata 30 - Tapatan

157 3 0
                                    

Nuvali, Calamba City, Laguna.


Bantay sarado ng mga naka-puting barong na mga tauhan ni General Tadeo ang tahanan nito. Bawat isa sa mga ito'y masugid na minamatyagan ang paligid.


Ang ilan sa mga bantay ay nakapwesto sa balkunahe ng bahay ng heneral at sinisipat ang mga kalapit bahay gamit ang largabista.

Sa bawat pagoobserba ay rumaradyo ito sa Security Office ng tahanan na siyang kumukumpirma sa lahat ng mga ulat.


Ilang saglit pa ay dumating ang isang convoy ng mga sasakyan.


"Nakalusot na sa entry check ang bisita, delta group, proceed now sa lobby area."


Utos ng isang boses sa radyo.


Agad kumilos ang mga nakatakdang mga tauhan sa nabanggit na pwesto.

Huminto ang Cherokee na Wrangler sa lobby area. Bumukas ang mga pinto nito at lumabas ang ilang bodyguard.


"This way Sir..." Gabay ng sumalubong na tauhan ng tahanan.


Hinatid sa living room ng malaking tahanan ang dumating na Pulitiko. Umupo ito at lumapit ang isang kasambahay upang alukin ito ng maiinom.


"May Pepsi kayo diyan? Less ice lang ha..." tanong nito sa kasambahay.


"Meron po sir..." sagot naman nito sabay tungo sa kusina.


Tumunog ang smartphone ng pulitiko at binasa ang mensahe na kanyang natanggap.


"House Speaker, after your drink, kindly proceed towards the veranda on your left."


Tinanaw ng kongresista ang sinabing panig sa mensahe.


"Sir, ito napo..." wika naman ng kasambahay na dala ang kanyang inumin.

Kinuha ito ng lalaking pulitiko, lumagok ng ilan at nagtungo sa veranda ng bahay.


Mabilis na naubos ng lalaki ang inumin at ipinatong ito sa may lamesita malapit sa veranda.


Muling tumunog ang kanyang smart phone.

Biglang bumulagta ang pulitko at agad na dumaloy ang dugo mula sa dibdib nito.

"Thank You for your cooperation." Wika ng mensahe.


Napasigaw ang kasambahay sa nasaksihan at agad na rumisponde ang mga bantay ng silid.


"Dead on the spot po sir. May tumirang sniper, tumagos sa puso ang bala." Ulat ng isa sa mga bantay.


"Patay tayo niyan kay General, I-secure mo yung perimeter at hintayin mo ako diyan." Utos ng head of security ng tahanan.



South Luzon Expressway - Alabang

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon