Hulyo 1, 2020 - ASEAN Space Agency (A.S.A.) Launch Pad sa Palawan.
Kakatapos lang ng palakpakan sa matagumpay na pag-lipad ng dalawang space shuttle. Ang lahat ay naka-tutok sa malaking screen sa loob ng Command Center, pinapanuod ang isang pag-uulat ng isang Foreign News Agency sa Misyon ng dalawang Shuttles.
"This historical event may be dubbed as a result of great partnership between the ASEAN countries. Space travel can now be achieved by multiple countriesat once by means of cooperation..." Samantala sa isang screen naman ay isang reporter ng Pilipinas.
"Alam mo Lourd, ang misyon ng dalawang space shuttle na sumanghipapawid kanina lang ay dalawa. Ang Space Shuttle Hope ayon sa A.S.A. ay iikot sa palibot ng ating planeta, samantala ang Space Shuttle Dream naman ay iikot sa Buwan bago bumalik sa ating mundo." ---
" So Shaun, ibig mong sabihin, mauunang bumalik sa ating planeta ang Space Shuttle Hope kaysa sa Dream?"
"Sa katunayan Lourd eh yan nga din ang katanungan ng karamihan dito. Ngunit, gaya nga ng sabi ng Chief of Operations ng A.S.A., Kung sabay sila pinalipad, eh sabay din daw sila babalik dito. Siguro, ang ibig sabihin nila dito eh maikli lang ang pagitan ng pagbalik ng dalawang grupo pabalik dito sa ating Daigdig."
"Sino-sino nga ulit yung mga sakay ng dalawang space shuttles na yan Shaun?" ---
"Bawat grupo ay binubuo ng 6 na miyembro na nagmula sa iba't -ibang bansa na bumubuo sa ASEAN. Sa Space Shuttle Hope, lulan nito ang 2 Vietnamese, 1 taga Myanmar, at 1 taga Indonesia. Ang kanilang pilot ay taga Thailand at co-pilot naman ay taga Cambodia."
"Eh yung sa Dream?" --- "Sa grupo naman ng Dream Shuttle, 1 Malaysian, 1 Singaporean, 2 Pinoy, ang piloto nila ay isang babaeng half Filipino hald Bruneian, samantala ang co-pilot naman ay taga Laos." ---
"Babalikan ka namin ulti diyan. Maraming salamat Shaun Yao, naguulat mula sa Launch Site ng A.S.A. sa Balabac, Palawan."
Muli ibinaling ng lahat ang kanilang atensyon sa isang screen na nagpapakita ng kasulukuyang ruta ng dalawang shuttles sa kalawakan.
"Sir, Space Shuttle Dream is about to reach its' 1st rally point." Ulat ng isa sa mga tauhan sa Command Center.
"Good, contact them for the 1st feedback." utos ng Floor Director sa tauhan.
Ilang sandali matapos ang paglipad...
"Congratulations guys, we are now in Outer Space." Deklara ng Co-pilot ng Dream Shuttle.
"You may unfasten your seatbelts now. " Dugtong nito sa lahat. Ilang saglit pa ay nagtungo na ang mga kalalakihan sa kani-kanilang mga pwesto sa loob ng Space Shuttle Dream upang simulan ang kanilang misyon na pag-ikot sa Buwan.
"Professor Allan, how will you tell your story of space travel to your students when we go back?" Tanong ng Singaporean Businessman habang kumukuha ng mga larawan.
"Well, I think Mr. Koon, I'll just borrow your pictures and tell them that it's very inconvenient here. With this feeling of Zero-G plus the feeling of loneliness. I would'nt recommend space travel to my students." "
Well that sucks!" maikling komento naman ng Malaysian Mixed Martial Artist na si "Albert the Reckoner"
Napatawa nalang ang lahat sa nangyaring paguusap. "Guys, look! Space Shuttle Dream is starting to orbit Earth.!" putol naman ni Edward habang tinutro ang nasasaksihan sa binatana ng space shuttle.
"Gentlemen, HQ is now on the line." Muling salita ng Co-pilot ng grupo sabay bukas ng malaking screen sa loob ng shuttle.
Hulyo 6, 2020 - Tulay ng Jones, Maynila
"Sir, ano na pong gagawin natin?" Tanong ni AJ sa guro na balisa parin sa mensaheng natanggap niya.
Maya't maya ay tumunog ang cellphone ni Lawren, isang tawag sa di kilalang numero. "Hello?" ---
"Oi Law! Hindi mo ba ako na miss?!" ---
"Sino 'to?" ---
"Nakalimutan mo na? si Sir Enriquez mo. Loko ka talagang bata ka! Nalimutan mo na agad ako?"
"Sir Rodel? ikaw ba yan? grabe! tinakot mo ako ah!" ---
"Ikaw ang loko, kanina pa kita pinapasundo sa mga tauhan ko, ang suplado mo daw at ilap? O sya, lumabas ka na ng sasakyan mo. Ikaw ha, may chix kang katabi ha." ---
" Tungaks! Estudyante ko 'to!" ---
"Naku po! estudyante, disipulo talaga kita. O sya lumabas na kayo diyan."
Nagtatakang lumabas ng Getz ang dalawang mag-aaral. Sa panig ng mga SUVs na nakaharang sa tulay ay may isang lalaki ang kumakaway habang naglalakad patungo sa kanila. Kinawayan din ito ng kanilang guro at nakipag-kamay.
"Long time, no see ha!" Muling bati ng lalaki kay Lawren.
"Tara, sakay na ulit tayo. Ako ang magda-drive." dugtong ng lalaki habang nakatangin kay Kathy. Tinuguhan siya ni Lawren at inihagis ang susi ng sasakyan sa lalaki. Bago sumukay sa kotse ang lalaki ay nagmwestra ito at ang kaniyang mga tauhan ay nagsimula nang iwanan sila.
Muling umupo sa tabi ng driver seat si Lawren, samantalang nanatili nalang sa likod ang dalawa niyang mag-aaral.
"Ang galing mo mag-drive miss ha!" masiyang bati ng lalaki kay Kathy habang ini-istart ang kotse.
"Saan niyo po kami dadalhin?" tanong naman ni AJ sa lalaki.
"Sa Kalawakan iho." sabay tawa at paandar ng kotse patungo sa Roxas Blvd.
BINABASA MO ANG
Sulyap
Historical Fiction"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...