Daanan patungo sa Pantalan
Tanaw mula sa karwahe nila Magellan ang umuusok na guho ng Bulwagan ng mga Datu. Pinakaripas nila ang takbo ng sasakyan upang makabalik sa kanilang mga Galleon.
"Senyor, nakakuha po tayo ng ilang yaman mula sa bulwagan." ulat ng isa nitong kawal.
"Mabuti, magagamit natin ang mga iyon pamalit sa mga pagkain at kagamitan pabalik ng Espanya." tugon nito habang masusing ini-inspeksyon ang hawak niyang tila isang sulatin.
"Ano po iyang hawak niyo?" tanong ng isa niyang opisyal. "Ito ang magiging susi natin para masakop ang lupain ng mga indiyo..." sagot ni Magellan sa kanyang opisyal.
Biglang huminto ang karwahe nila at iniulat ng kutsero nito na nasa pantalan na sila. Dali-dali nilulan ang mga naka-abang na mga bangka pabalik sa kanilang mga galleon na naka-daong sa hindi kalayuan.
"Ihanda agad ang mga layag pagkasakay natin. Magtutungo tayo sa Hilagang Kanluran agad." utos ni Magellan sa mga tauhan nito.
Pagkasakay nila Magellan at kanyang mga opisyal sa kani-kanilang mga galleon ay agad silang nagtungo sa kani-kanilang mga kabina upang magpalit ng damit.
Pagpasok ni Magellan sa kanyang silid ay may naaninag siyang nakaupo sa kanyang lamesa. sa likod nito ay ang liwanag ng buwan tumatagos mula sa binatana.
Agad ni sinindihan ni Magellan ang malaking lampara ng kanyang kabina upang makita ng malinaw ang lalaking nakaupo.
"Senyor Magellan, mabuti at nakabalik ka ng maayos dito sa iyong Galleong Victoria." sambit ng lalaki habang tinititigan at iniikot ang globo sa lamesa.
"Raha Humabon? Ano ang ginagawa mo dito?!" gulat na tanong nito sa lalaki.
"Nandito ako para tapusin ang naging usapan niyo ng aking Datu..." tugon nito sabay bunot ng punyal sa kanyang tagiliran.
"Hindi ito maari! Paano ka naka--"
Bago pa man matapos ni Magellan ang kanyang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at tatlong mandirigmang tauhan ni Raha Humabon ang tumambad sa kanya.
"Habang abala ka sa iyong planong pagpuslit sa Bulwagan ako'y matiyaga lamang nagmamasid sa mga galaw niyo." tugon ni Humabon sabay tayo.
Binunot din ng mga tauhan ng Raha ang kanilang mga sandata at dahan-dahang lumapit kay Magellan. Narinig naman ni Magellan ang kaguluhan sa labas.
Mga tauhan niyang na nagsisigawan dahil sa pagkakapaslang sa kanila, mga tunog ng paghampasan ng mga armas at mga kalabog.
"Ginto, gusto niyo ba ng ginto? Marami akong yamang dala!"
Suhol ni Magellan sa Raha at sa mga kawal nito.
"Senyor Fernando Magallanes, dumating kayo sa aming lugar na ligaw, mga pagod at gutom. Pinakain namin kayo ng masasarap na handa, tinanggap ng maayos at binigyan pa ng mga kagamitan para makumpuni niyo ang inyong mga sasakyang pangdagat. Pero ano ang isinukli niyo?" Sambit ni Raha Humabon sa dayuhan.
"Ako ay nagmula sa Makapangyarihang kaharian ng Espanya, at bukod pa diyan, isa din akong kilalang manunuklas kaya nararapat lamang ang inyong ginawa, sapagkat kami ay mas nakata-taas sa inyo!" sagot naman nito habang pasimpleng nililingon ang mga kawal sa kanyang likuran.
"Alam na namin kung saan kayo nagmula, alam din namin kung ano ang inyong mga pakay at balak dito sa aming lupain bago pa man kayo dumaong dito. Binigyan lamang namin kayo ng pagkakataon na baka magbago ang inyong mga isip dahil makikita niyo kami ay sibilisado at maunlad..."
BINABASA MO ANG
Sulyap
Fiksi Sejarah"History is written by the Victors..." - Winston Churchill Ang kasaysayan ang katauhan ng isang lipunan. Ito rin ang huhubog at magtatakda sa kinabukasan ng isang bansa. Ngunit, paano kung ang nasusulat na siyang malawakang tinuturo at pinan...