Kabanata 8 - Sinag

572 12 1
                                    

UNHDC - Transition Floor

"Everyone, kindly take your seats..." bungad ni Enzo sa lahat. Umupo sa pinaka-likod  ng silid si Sir Rodel, Samantala, tabi-tabing naupo sa may gitna sila Lawren at kanyang dalawang mag-aaral. Nagtungo naman sa unahan si Enzo.

Gamit muli ang kanyang remote, pinatay niya ang ilaw at binuksan ang projector. Nagliwanag ang Screen sa likod nito.

"You are about to watch a video documentation of Time Travel..." muling sambit ni Enzo. 

"Tsk. Boring..." bulong ni Rodel sa likod. Nagsimulang umusad ang palabas na inihanda para sa tatlong bisita.

Space Shuttle Dream - Kabundukan ng Cordillera

Mga tumumbang punong kahoy, isang mahabang marka ng hukay at pagsayad sa lupa, umuusok na kapaligiran, sira-sirang mga kagamitan. Ito ang nadatnan ng grupo na pinadala ng Apo sa lugar ng pagbagsak ng bulalakaw.

"Ikutin niyo ang paligid at siyasatin ng maigi." Maikling utos ng tila pinuno ng pulutong sa kanyang mga kasamahan.

Agad naman sinunod ng mga ito ang utos. Hindi alintana ang naka-bahag lamang nilang kasuotan, ay tinungo ng mga kawal ang magulong pinagbagsakan.

"Pinuno! may natagpuan po kaming kakaibang bagay!" sigaw ng isang tauhan matapos ang ilang saglit. Agad na pinuntahan ng pinuno ang pinanggalingan ng ulat.

Isang tila pabilohabang-patulis na tila isang hayop na gawa sa bakal ang nadatnan ng lalaki. "Anong klaseng hayop ito?" tanong ng pinuno sa lahat habang patuloy sa paginspeksyon sa nakita.

"Ito pala ang tunay na anyo ng bulalakaw, marahil ito ang hayop na naglulunan sa ating mga diyos!" deklara ng pinuno. Nagulat ang lahat sa sinambit ng lalaki ng biglang may umugong sa may harapan nila.

"Buhay pa ang bulalakaw!" sigaw ng isang kawal habang hawak ang kanyang sibat patungo sa sinasabing hayop. "Huwag niyong atakihin!" agad na sigaw ng pinuno. Dahandahang yumanig ang lupa at mula sa sinasabing hayop ay bumukas ang animo'y katawan nito. 

Hardin ng Bulwagan ng mga Datu

Suot ang mga damit na dala ni Dorobo at pagtakip ng mga ulap sa liwanag ng buwan, masusing binagtas ng grupo ni Magellan ang hardin patungo sa sinasabing lihim na daan paloob ng bulwagan. Maayos nilang naiwasan ang mga himpilan ng mga tagapag-bantay sa tulong ng kasama nila. Ilang sandali pa ay narating nila ang gilid na bahagi ng bulwagan. 

Pumwesto si Dorobo sa isang bahagi ng pader. May ginalaw-galaw na parte nito at ilang saglit pa ay may bumukas na lusutan sa ilalim nito. Sinenyasan niya ang mga dayuhan na sundan siya paibaba.

Binagtas ng grupo ang isang lihim na daanan sa ilalim ng lupa sa pag-asang malaman ang tinatagong impormasyon at kayaman ni Datu Lapu-lapu. Nang marating nila ang dulo ng lagusan ay may muling ginalaw si Dorobo sa gilid ng haligi at isang lagusan paakyat naman ang bumukas.

"Ito ang daanan kung saan ang lusot natin ay ang silid na pinagdalhan sa inyo kanina noong kayo'y may pinagsaluhan." Bulong nito. Inihanda ng grupo ni Magellan ang kanilang dalang mga armas. 

UNHDC - Transition Floor: AVR

Matapos ang maikling pagpapalabas ng mga kaso patungkol sa time travel. Muling nagtungo si Enzo sa harapan.

"Those are cases of time travel, some of which you might be familiar with since yung iba dito ay pinalabas on mainstream media, and some can be seen sa youtube."  Sa kabila ng pagpapaliwanag nito ni Enzo ay wariy hindi parin bumabaon sa isipan ng tatlo ang konsepto ng paglalakbay sa panahon.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon