Kabanata 9 - Noon at Ngayon

632 14 2
                                    

Kagubatan ng Cordillera

Isang makapal na usok ang ibinuga ng inaakalang bakal na hayop na naglululan sa mga bathala. 

"Buhay pa ang aserong hayop!" sigaw ng isang kawal. 

Ilang segundo ang lumipas at mula sa likod ng mga usok ay lumabas ang isang dilag at isang lalaking may kakaibang kasuotan. Nang makita ng mga mandirigma ang dalawa ay agad itong lumuhod at napayuko sa lupa. 

"Bigyang pugay ang pagdating ng ating mga bathala!"  sambit ng pinuno ng pulutong. 

Dahan-dahang lumabas mula sa makapal na usok ang lalaki at babae.

"Maari po bang makahingi ng tulong?" tanong ng babae. 

tila hindi naintindihan ng mga ito ang kanyang sinambit. 

"Officer Santos, mga Ifugao ang mga ito. Maaring hindi sila marunong mag tagalog..." tugon ng lalaki matapos makita ang kasuotan ng mga kalalakihan. 

Gamit ang dialektong Tuwali, muling tinanong ni Edward ang mga mandirigma. 

"Tulungan niyo kami, may mga sugatan sa aming mga kasamahan."

Agad namang tumayo ang pinuno ng mga mandirigmang Ifugao at inutusan ang kanyang mga tauhan na sumunod sa mga inaakala nilang mga bathala. 

Dali-dali namang sinamahan pa-paloob ng Shuttle ang mga tila ilang at namamanghang mga Ifugao. Maayos na binuhat ng mga mandirigma ang mga kasamahan nila Edward palabas ng sasakyan.

Inutusan naman ng pinuno ang kanyang mga mandirigma na pumutol ng mga punong kahoy, dahon, mga ugat at lingkis para gawing higaan ng mga sugatan upang madala pabalik sa kanilang pamayanan ang mga ito at doon ay gamutin. 

Samantala, napaupo nalang sa isang tabi si Officer Santos at tila inaalala ang mga naganap sa kanila. Habang si Edward ay nakikipag-usap sa mga Ifugao habang binibigyang lunas ang kanyang mga sugat. 

Gamit parin ang Tuwali, kinausap ni Edward ang pinuno ng mga mandirigma. "Anong lugar po ito?" tanong ni Edward.

"Mahal na bathala, Nasa lupain kayo ng mga Ipugo sa kabundukan ng Banawe." agad na tugon nito kay Dr. Enriquez ng buong respeto.

"Dr. Enriquez, kailangan mong magpunta dito. Nagkamalay na si Sir Allan"  tawag ni Officer Santos sa binata. Dali-dali namang pinuntahan ni Edward ang kinahihigaan ng kaibigan niyang si Allan.

"Huwag ka munang tumayo..." utos ni Edward sa kaibigan.

"Hindi, okay na ako...kaya ko naman."  sagot naman nito.

"Kamusta ang iba nating kasamahan? Okay lang ba silang lahat?" dugtong ni Allan. Tumungo naman si Edward.

"Mga mahal naming mga bathala, kailangan na po nating bumalik sa aming pook upang doon ay maayos namin ang inyong mga natamong mga galos at pinsala sa katawan." deklara ng pinuno ng mga mandirigma.

"Edward, mukhang kailangan na nating umalis." muling tugon ni Allan sa kaibigan. "Naiintindihan mo rin pala ang kanilang salita." mangahang reaksyon ni Officer Santos.

"Siyempre naman, si dati kong naging propesor si Sir Allan sa Philippine Dialects noong nasa kolehiyo pa ako." sagot naman ni Edward sa tanong ng dilag.

Bago tuluyang nilisan ng lahat ang lugar ay sinigurado nila Officer Santos at Edward ang kalagayan ng lahat nilang kasamahan. Humingi din ng tulong ang dalawa sa mga mandirigma upang kuhanin ang ilang gamit na masasalba pa mula sa bumagsak nilang shuttle.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay maayos na naglakbay pabalik ang lahat.

Bulwagan ng mga Datu - Silid ng Yaman

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon