3rd Person's POV:
Kasalukuyang naglalakad si Yumi upang bumili ng makakain dahil inutusan sya ng ate nyang badgirl. Ni hindi man lang siya sinamahan.
"Nakakainis naman si Ate!. Anong oras na kaya!!!" Sabay bukas nya sa pintuan ng 7/11.
Bumili sya ng makakain at umalis na. Inaalala nya nung monthsary ni Carlos. Ang tagal na rin nila. Pero hindi pa rin sya nagsasawa dahil mahal na mahal nya ito.
"Hi!" Napatigil sya sa pagiisip ng may bumungad sa kanyang isang lalaki.
"Kuya Ruiz?" Tanong nito. Kilala nya iyon dahil nga sa ito any ex ng ate nya.
"Sama ka sa akin Yumi, kailangan ko lang ng makakausap" napakunot naman ang noo nito sa inalok ni Ruiz. Agad nalang syang naglakad paalis at hindi na ito pinansin.
"Yumi!" Agad na syang tumakbo dahil hinahabol na sya nito. Sakto naman nadapa siya kaya nahuli sya nito.
"Kuya Ruiz!! Wag!!"
At bigla na syang nawalan ng malay.
Miyu's POV:
Ang tagal naman ng kutong yun! Parang burger lang ang bibilhin e ang tagal pa!!!
AlaUna na oh? Kanina pa yun umalis e.
Incoming Call...
Yumi
Oh tumawag pa? Psh, sabi na nga ba e nalalimutan nya yung pinabibili ko.
"Hello?"
(Hello Miyu!) Agad akong kinilabutan sa narinig kong boses. Letse hindi si Yumi to! (Alam kong wala kang alam sa gagawin ko ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko sayo. Isang iglap lang patay na ang kapatid mo.HAHAHAHAHA)
Nanggagalaiti akong pinatay ang call at tinawagan si Tina. Isa sa kaSorority ko.
"Hello Tina?"
(Yes?)
"I need your help, oh I mean the clan!"
(Where?)
"Go here at my house. NOW!"
Raven's POV:
"Sigurado ka bang totoo yung sinabi nun Rex?" Nakaupo ako ngayon at hindi mapakali dahil bigla nalang sumusulpot ang kalaban kong sinasabing may tumawag daw na lalaki sa kanya at sinasabing papatayin daw si Yumi.
"Oo nga pare, kalaban kita pero totoo ang sinasabi ko. Kapatid ni Miyu si Yumi. At parang kapatid ko na yung dalawang yun!" Agad naman niyang inihinto ang sasakyan sa isang abandonadong bahay.
"Tara na" bumaba na kami at pinasok ang lumang bahay. Pero walang tao.
May biglang pumalakpak.
"Goodevening magigiting na kalalakihan. Hahahaha kumusta naman ang pagpunta sa kuta ko?" Unti-unting lumapit sa amin ang lalaking pumapalakpak.
"Ruiz!" Sabay pa naming sabi ni Rex.
"Famous pala ako at kilala ako ng isang kasama mo insan!" At tumawa sya ng nakakaloko.
"Pinsan? Pinsan mo yan?" Di makapaniwalang tanong ni Rex.
"Oo, pero wala akong pinsan na ganyan ang ugali" sabi ko. Nakita ko pang nagtagis ang bagang ni Ruiz sa sinabi ko.
"Oo nga, at wala rin akong pinsang santo! Hahahaha, ano naman ang ginagawa nyo rito? Binibisita nyo ba ako?" Napaismid ako sa sinabi nya. Parang wala siyang ginagawang masama.
"Nasan si Yumi?" Agad na tanong ni Rex. Naglakad lakad naman na parang boss si Ruiz.
"Somewhere up there" sabay tingin niya sa kisame.
Putsa!
"Gag* kaaaa!!!" Akmang susuntukin na ni Rex si Ruiz pero nakaiwas ito. Dahilan para si Rex ang masuntok. Kaagad naman akong sumunod pero mukhang mali yata.
"Akala mo ba wala akong alam sa kalagayan mo my dear cousin?" Tanong nya. Napahawak ako sa ulo ko ngayong kumikirot dahilan sa pagpukpok ng bote ng kasamahan nya.
"Ang walang kwenta ko namang pinsan kung wala akong alam sayo, syempre alam kong may tumor ka sa utak" napangiwi ako.
"M-may tumor ka pare?" Tanong ni Rex na umuubo-ubo pa.
"Oo. Iligtas mo si Yumi. Para kay Miyu" sabi ko at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Miyu's POV:
"Art! Sinabi nang asan si Raven?!" Isa pang sigaw ko dahil ayaw nilang sabihin sa akin kung nasan si Raven. Anak ng putsa naman.
"Isa pa, papabugbog na kita" walang emosyong sabi ko. At bigla niyang itinaas ang kamay nya
"Hunted Argent House near Riverside sa may lumang bahay nasa unang kanto" agad kaming umalis at pumunta sa sinabi ni Art. Wala rin don sila Zack. Si Art lang ang nandun.
Asan ka na ba Raven?
*AT HUNTED ARGENT HOUSE*
Kalalabas palang namin ng may maramdaman akong hindi maganda. May narinig agad akong hampas ng kahoy kaya tumakbo na kami papasok.
Oh sht.
"Raveeeeennn!!!" Tumakbo ako papalapit sa kanya, wala syang malay at ang putla-putla nya. "Sweetheart gising!! Gising!!!" Halos maiyak na ako pero hindi siya gumigising.
"Boss, sorry nakatakas sila, dala si Yumi"
"TngIna!! Hayop talaga yang si Ruiz!! Hayooooopppp!!!!!!"
****
Nasa ospital kaming lahat, hinihintay ang paggising ni Raven.
"Miyu, umupo ka muna. Relax" si Zack. Paano ako magrerelax e nasa piligro yung taong mahal ko.
Ilang minuto lang lumabas na yung doctor.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"
"Girlfriend nya po ako" lapit ko sa doctor at tumango naman siya.
"Ayos na ang pasyente, ililipat na sya sa room." Sabi nyang nakapagpagaan ng loob namin. Mabuti naman. "May I talk to you miss. I need to tell something"
"Okay doc"
Nagpunta kami sa opisina nya at may inabot sya sa aking folder. Kinuha ko iyon at binuksan. Record to ni Raven ah?
"Mr. Tan has a brain tumor. Stage 4"
B-brain tumor?
"Totoo ba yan doc?" Halos di makapaniwalang tanong ko. Nang tumango si doc. Doon na bumuhos ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]
Teen Fiction[SBGG • BOOK 1] Ang buhay ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, parehong pasaway, parehong may pinagdaraanan, parehong sakit ng ulo..Maraming pagkakapareho ang dalawang taong ito.. Ngunit ang tanong? Kaya kaya nilang mahalin ang isa't-isa? Sa kab...