Nakakatuwang may nakakaappreciate ng story ko :) Maraming Salamat po! ^_________^
Enjoy Reading :)
SBGG Chapter 27
Miyu's POV:
Nakangalumbaba ako sa lamesa ng may biglang humampas nito.
"Ay Raven- Ano ka ba naman Yumi!" Sabay cross-arm ko, badtrip talaga tong kapatid kong to eh, minsan panira ng moment.
"Tama ba pagkakarinig ko ate? Iniisip mo si kuya Raven?" Di niya akalaing tanong. Ano? Nasa hot seat ako?
"Oo iniisip ko siya!" Sabi ko, napanganga naman siya sa sinabi ko, I'm telling her the truth, iniisip ko si Raven. Bakit?
Dahil yun sa lalaking nakawig kanina. Seriously! Nakawig talaga siya, ang weird nga eh. Sino kaya yun?
"Uy ate! Sagutin mo tanong ko!" Sabi niya, ay may tanong pala ang loka.
"Ano yun?" Agad ko namang sabi sa kanya.
"Bakit mo siya iniisip?" Tanong niya. Hayyyyy =___________=
Nangalumbaba ulit ako at muling nagkwento, panay tango naman ang pinaggagawa ng babaeng to.
"Okay na? Matagal na akong moveon kay Raven" yan lang ang sinabi ko sa kanya.
"Ate, kapatid mo ako, andito lang ako kung may problema ka" sabay haplos niya ng likod ko. Hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko alam! Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.
"*sniff-sniff* Yumi" tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Tugon naman niyang nakatingin sa akin.
"Niloloko ko nalang yung sarili ko. Nasasaktan na talaga ako! Nakakabaliw!" Sabay yakap ko sa kanya. Niyakap niya rin ako.
"Ikaw ang nagsabi sa akin nito, ipaglaban mo ang taong mahal mo" sabi niya tsaka ako nilayo para tumingin sa mga mata ko. "Kilala kita Ate, asan na ang badgirl ngayon? Asan na yung ate kong matapang?" Sabay ngiti niya sa akin.
"I change myself now Yumi" sagot ko sa kanya, umiling-iling lang siya.
"No! You change yourself but it's still in your heart and it will lasts forever!" Sabi niya, parang hindi ako ang nakilala nilang Miyu.
Bumalik nanaman ako sa pagiging mahina at palaiyak na babae.
At dahil nanaman ito sa isang lalaking pinaglaanan ko ng pagmamahal.
Alam kong indenial ako nung una, pero sa totoo lang sa bawat pang-aasar sa akin ni Raven natutuwa ako, kinikilig ako.
Nafall ako sa kanya, remember nung kasama ko lagi si Kei? I just used him to made Raven Jealous.
I made things weird in able to be noticed by him, i have a crush on him, kamukha niya kasi si RC.
Yung batang RC.
"Pumunta ka sa bahay nila ngayon" biglang pag-agaw ng atensyon sa akin ni Yumi.
"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"To know the truth!" At bigla niya akong hinila palabas ng bahay.
"Ano ba Yumi?" Sigaw ko sa kanya. Nasa labas na ako ng bahay, nilock niya pa yung gate at hindi ako pinapapasok.
"Wag kang babalik dito ate hangga't hindi mo nasasagot ang katanungan sa puso at utak mo! Bumalik ka dito kapag si Miyu ang dating badgirl ka na ulit!" Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang siyang pumasok sa bahay. Bastus!
Nay Cally's POV:
Hi, ako yung yaya ni Raven, namimiss ko na yung alaga ko. Sobrang miss na, antagal niya na kasing hindi nagpaparamdam sa akin. Ni hindi man lang tumawag upang mangamusta, pasaway na bata
*Doorbell*
*Doorbell*
Agad akong pumunta sa pintuan at pagbukas ko.
"Hi po!" Yung babae sa ospital, sino nga ba siya? Si Mica? Miha? Mio?
"Hi ija!" Sabi ko at pinapasok ko na siya. Ah naalala ko na, si Miyu. "Paano ka napunta rito? May kailangan ka ba?" Tanong ko naman sa kanya, ako lang kasing mag-isa rito sa bahay.
"Bumisita lang po" sabay ngiti niya sa akin, kay gandang bata.
"Ah, mabuti naman, nakakabagot na rin ksi kapag mag-isa ka rito sa bahay" napakunot naman ang noo niya. "Nasa California pa kasi sila Raven at Nadine e" bigla akong nalungkot, namimiss ko na nga talaga ang alaga ko.
"Alam ko po Nay Cally :)" napangiti naman ako sa kanya, bakit kaya hindi nalang siya ang naging girlfriend ni Raven?
"Saglit lang ija ha? Paghahain lang kita ng makakain" sabay alis ko, may tiwala naman ako sa napakagandang batang iyon, napakabait pa.
Miyu's POV:
Pagkaalis ni Nay Cally, naglakad-lakad muna ako, tinignan ko yung mga pictures na nakadisplay sa may gilid.
"Mama siguro ito ni Raven, at ito naman ang papa niya"
Sabay turo ko sa mga ito, napatingin naman ako sa isa pang picture na nakataob..
Bakit naman kaya to nakataob?
Iniangat ko yun and i never expect to saw the picture behind..
"R-Rc?" Nabitawan ko yung picture kaya nabasag yung frame nun, nagmamadaling bumalik at lumapit sa akin si Nay Cally.
"Anong nangyari anak?" Alalang tanong niya sa akin.
Di ko napigilan ang luha ko.
At tinanong ang kanina ko pa nais itanong.
"Nay, sino yung nasa picture?" Tanong ko sa kanya, dinampot naman niya yung picture frame na nahulog tsaka biglang ngumiti.
"Ah itong batang to? Si Raven to anak" at sa narinig ko, tuluyan na akong napaiyak.
Si Raven? At RC?
Iisa? O______O TT__________TT
"Since bata pa siya, ako na yung nagaalaga sa kanya anak, ang cute niya ano?"
Si- si Nay Cally yung yaya niya na biglang tumawag sa kanya..
Flashback..
"Iho andiyan ka lang pala"
End of flashback..
Bigla akong napatingin kay Nay Cally, kamukha niya nga.
Dahil siya yun :'( at si Raven?
Si-siya! Siya yung First love ko! Yung batang nagpatahan sa akin!
***TBC
Revelation ba? Hahaha, nasiyahan ako eh :)
Vote&Comment muna bago update ulit salamat!
~ADVerb ♥
BINABASA MO ANG
Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]
Teen Fiction[SBGG • BOOK 1] Ang buhay ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, parehong pasaway, parehong may pinagdaraanan, parehong sakit ng ulo..Maraming pagkakapareho ang dalawang taong ito.. Ngunit ang tanong? Kaya kaya nilang mahalin ang isa't-isa? Sa kab...