Chapter 2

11K 269 1
                                    

Still Raven's POV:

Nang makarating ako sa hide out ng Execution binalibag ko agad yung pinto. Nakita ko agad yung bestfriend ko, bugog sarado talaga siya. Andun din yung mga kasamahan kong iba na bugbog sarado at panay pasa din, tsk.

-------------------------------

Habang nakatingin ako sa bestfriend ko may napansin akong note sa tabi niya..


Note: Para sa Leader ng Allstar Frat

~ YOU'RE NEXT ! so be careful!

From: Exfrat

Akala ba nila natatakot ako sa mga bantang yan, tignan natin kung sino ang susunod. Sa ginawa nilang 'to? Aba, lintek lang ang walang ganti, mga punyeta sila.

"ZACK! ZACK!"

Ginising-gising ko yung bestfriend ko, aba't kanina pa kasi walang malay, napasarap ang tulog.

"Uhmmm.." Dinilat niya yung mata niya na biglang nanlaki nang makita ako.

"R-Ra-Raven?"

Inakay ko siya palabas ng hideout ng EXfrat at pumunta na kami sa bahay ko, bawal 'to makita ng mama niya, nako, baka ako ag mabugbog nang wala sa oras.

*SA BAHAY *

" Oh iho! anong nangyari diyan kay Zack?" nag-aalalang tanong ni Nay Cally, siya ang personal maid sa bahay pero halos siya na ang tinuturing kong nanay. Siya lang kasi ang nagalaga sakin, since I was a kid.

"Napuruhan po nay e.

"Iupo mo muna sa may sofa ng magamot ang mga pasa niya! Kumuha ka na rin ng bimpo at yelo."

Iniupo ako si Zack sa sofa at kumuha ng yelo at bimpo, binigay ko na yun kay Nay Cally at siya na daw ang bahala, naupo nalang ako sa harapan nila at pinanood ko kung pano gamutin ni nanay cally si Zack.

Si Zack, bestfriend ko siya since grade 1, at since grade 1 natatag na ang Allstar Frat.

Original Frat Leader ako at Co-Leader naman si Zack. Parati kasi kaming binubully noon, parehas kasi kaming nerd at nabansagang weirdo sa buong school.

Punong-puno at inis na inis na ako kaya nag-recruit kami ng mga members kaya lumago ang frat at kami na ang kinatakutan noon. Sweet revenge ika ng marami.

Hanggang sa ngayon naman ay dala pa rin namin ang pagiging pioneer ng frat. Gaya ng alam ng iba tungkol sa frat, wala kaming matinong grade, puro away at gulo, kahit mga sorority ay kinakalaban namin, yeah, kahit babae basta kaaway ng frat namin, binubugbog.


Nalaman ng mama ko yun, yes may totoo naman akong nanay kaya pinadala niya ako sa Paris, akala naman niya mabubuwag ang Allstar Frat? Mukhang hindi siya nagtagumpay, dahil si Zack ang nagpatuloy at lalong nagpalago nito, kaya mahal ko yan, bilang kaibigan, baka mamaya akalain niyo bading ako. Sus, sa gwapo kong to? Lul.

Sa Paris nakilala at naging kaibigan ko si Rex Servante.

Na siya palang leader ng EXfrat ng umuwi ako dito sa pinas, sumunod din siya, pero pagkauwi namin dito ay nagbago na siya, hindi ko alam kung anong nagpatanga sa kanya at pinili niyang kalabanin ako kaysa sumapi sa frat namin.

"Oh iho! Iakyat mo muna si Zack sa taas ng makapagpahinga."

Pagkaakyat ko kay Zack ay bumaba na rin ako. Nakita ko si Nay na nagaayos ng pinagkainan.

"Palagi kayong magiingat anak. Baka hindi lang yan ang abutin mo kung sakali. Bakit ba hindi mo nalang itigil yang Cari-carinel ba yun? Basta yang frat na iyan." napangiti naman ako, Cariniel yun, first name ng frat namin hanggang sa napalitan ng AllStar. Niyakap ko si nanay, tsaka ko dinantay yung ulo ko sa balikat niya.

"Magiingat po ako nay, hindi ko kayang iwanan yung naging dahilan ng pagbabago ko. Hindi siguro kahit kailan." humarap naman sakin si nanay at pinaghahampas ako. "Aray nay! Aray!"

"Matitigil ka rin kapag nainlove ka na. Sana't dumating na iyon para hindi na kayong nagkakapasa."

Natawa ako sa hiling ni Nanay. Lovelife? Nevermind. Wala naman akong ganun. Hahaha.





#Edited
By: Andreliz De Vera

Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon