Epilogue

5.9K 155 82
                                    


Someone's POV:

"Mahal na mahal mo siya ano?" Tinignan ko sya at tsaka ako ngumiti.

"Kung may superlative ang sobrang mahal, ganun ang pagmamahal ko sa kanya" kasabay ng pagtulo ng luha ko sa aking mga mata.

"Marahil ganun ka rin nya kamahal anak" napangiti ako kasabay ng pagakbay sa akin ni papa.

**************************************

Miyu's POV:

"Raven ano baaa? Akin na kasi yaaaan!!!" Nakakainis naman kasi, kinuha nya sa akin yung scrapbook ko, e puro pictures nya yun.

"Ano ba kasing laman nyan sweety?!! Bakit ayaw mong ipakitaaaa?!!!" Sabi nya sabay hablot ulit. Arrrrgh nakakainis talaga!!

Umupo ako sa may bench habang nakakunot ang noo.

Tumabi naman sya sa akin.

"Mahal mo ba ako?" Tanong nya. Napalingon naman ako sa kanya.

"Oo naman, mahal kita" sabi ko sabay dantay sa balikat nya. Hinaplos nya yung buhok ko.

Naguunder go chemoteraphy na si Raven. Nalalagas na nga ang mga buhok nya e, pero kahit ganun sya pa rin ang pinakagwapo sa akin. Tumingala ako para makita ko sya.

Ang dating macho nyang katawan at mataba nyang pisngi ay pumayat. Ibang-iba na ang itsura nya ngayon kumpara noong wala pa syang sakit.

"Ang gwapo ko no?" Bigla nyang sabi, nagnod ako. Tapos kiniss nya ako sa noo. "Kapag nawala ako, maghanap ka agad ng bago ha?" Biglang sumikip yung dibdib ko sa sinabi nya. Bihira kasi namin 'tong mapag-usapan.

"Bakit naman ako hahanap agad? Di kita pagpapalit no!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Tsaka gagaling ka, magpapagaling ka para sakin, para satin" hinaplos nya ulit yung mga buhok ko.

"Babantayan pa rin naman kita kahit anong mangyari, lagi ka lang tumingin sa taas sabay ngiti" sabi nya habang nakatingin sa kalangitan. Di ko maiwasang maluha. Para na siyang nagpapaalam sa akin.

"Ikaw ang pinakamagandang regalo sa akin ni God. Ikaw yung nagsilbing lakas ko nung mga oras na nanghihina na ako" nagpause sya sandali. "Pero kung sakaling bumitaw na ako sweety. Wag kang iiyak ha? Ayaw kitang nakikitang umiiyak!" Yumuko ako, hindi ko mapigilan ang luha ko.

Iniangat nya yung mukha ko, tinitigan nya ito.

"Kasasabi ko lang na wag kang iiyak e. Ang pangit mo na tuloy oh! Wag kang iiyak. Iloveyou Miyu" sabay halik nya sa akin. Napapikit ako. Mahal na mahal ko talaga si Raven.

*KINABUKASAN*

Andito ako ngayon sa mall, syempre monthsary namin ni Raven, kaya bibili ako ng regalo ko for him.

"Iha, naghahanap ka ba ng panregalo?" Napatingin ako sa ale na inaalok sa akin ang isang anklet.

"Ito oh, mura lang para sa boyfriend mo. Lucky charm yan, pag suot nya yan. Makakaiwas sya sa kapahamakan" napangiti ako, hindi naman ako naniniwala sa ganito. Mas naniniwala ako sa Diyos kaysa sa mga charm na iyan. Pero why not? Tutal wala akong maisip na ibigay kay Raven.

Pagkatapos kong bumili agad akong pumunta sa parking lot. Pupuntahan ko si Raven, miss ko na siya.

Incoming Call...

Yumi

"Hello? Yumi bakit?"

(ATE! ATE!! Si- si kuya raven!!!)

"Anong nangyari??!" Agad kong pinaharurot yung kotse ko papuntang ospital. Anong nangyari kay Raven?!!

***

Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Raven ng makita ko syang naglalakad at sinalubong ako.

"Sweetyyy!!!" Sabay yakap nya sa akin. Niyakap ko rin sya

"Bakit ka nandito sa labas? Dapat nasa loob ka lang!" Umiling sya at hinalikan ako. Nawala yung kabang nararamdaman ko kanina.

Pinagdikit nya yung noo namin habang nakatitig sya sa mga mata ko.

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Sweety, simula't sapul mahal kita. Mahal na mahal kita" at hinalikan nya kong muli. Napapikit ako. Pero pagdilat ko, wala na sya.

"RAVEN!!! RAVEN!!!" Agad akong tumakbo papunta sa kwarto nya. Agad akong sinalubong ni Mama. Umiiyak silang lahat.

Tinignan ako ni  Zack, tsaka sya umiling sa akin.

Hindi!!!! Hindi!!!

"Sweety!!!! Sweety!! Gising na, andito na akoooo!!! Sweety, wag kang magbibiro ng ganyan ha? Hindi nakakatuwa" halos humagulgol na ako habang hinahaplos ko ang  mukha nya. Nilabas ko agad yung anklet na binili ko.

"Diba monthsary natin ngayon? Ito oh, binili kita ng regalo!! Raven!! *sob* dali sukat natin. *sob* Tangina naman raven!! Wag kang magbiro ng ganyan" at tuluy-tuloy ng bumuhos ang mga luha ko.

"Mama!! Tawagin mo yung doctor!! Nagkukunwari lang si Raven oh!!! Nagtutulug-tulugan lang yan e!!!" Sabi ko kay mama, halos nagmamakaawa na nga ako e. Hinawakan ako sa braso ni papa.

Nakatingin silang lahat sa akin. Pati ang mama at papa ni Raven. Makikita mo sa mga mata nila ang awa.

Nilapitan ko ulit si Raven. Tsaka ako umiyak ng umiyak. Hinawakan ko yung mga kamay nya. Napapikit ako, bakit? Bakit mo agad ako iniwan Raven? Mahal na mahal kita :'(

Agad ko siyang sinulyapan at hinalikan sa pisngi. *sob* iniwan nya nako.

**************************************
NP: Cry by Mandy more.

Nakatingin ako ngayon sa langit habang tumutulo ang luha. Hanggang ngayon, halos maubos ang luha ko habang inaalala yung oras na iniwan ako ni Raven.

Ang sabi pa naman namin, kakaharapin namin to ng sabay, pero yung mga huling oras nya e wala ako sa tabi nya. Sniff.

"Iha, tara na gabi na" tumingin ako kay papa tsaka ngumiti. Pinunasan ang luha tsaka tumingin sa lapida ng Sweety ko.

Tumingin ako sa langit tsaka ako ngumiti. Pumikit ako saglit tsaka ako huminga ng malalim.

Paalam Raven, hanggang sa muli.

RAVEN "RC" TAN
July 18, 1996 - July 19, 2012

"Mahal na mahal kita, Gwapong Gangster"

~Badgirl ♥

Si Badgirl at ang Gwapong Gangster © 2015

-----------------------------------------------------

SALAMAT po sa lahat ng nagbasa ng istoryang ito. Kundi dahil sa inyo hindi magkakaroon ng reads at votes ang story ko na to. Katulad nga ng sabi ko last chapter, kahit na hindi million ang reads nito ay masaya pa rin ako at thankful sa inyo.

Loveyouuuu guys~ ♥

Please Support my other story.
IN A RELATIONSHIP WITH MY PROFESSOR

&

Mahal Kita since Day One

Until we meet again~

Xoxo.
ADVerb_

🎉 Tapos mo nang basahin ang Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG] 🎉
Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon