Hi sa lahat ng sumubaybay sa SBPG. Ito yung kauna-unahan kong matatapos na story. Although hindi million ang reads nya, masaya pa rin ako dahil may nakaappreciate ng gawa ko. Hahaha Ang drama! ^_^Ito na ang last chapter before the epilogue. Enjoy~
3rd Person's POV:
"Anong nangyari? Okay na ba sya? Gumising na ba sya? Saan ba sya tinamaan?" Alalang tanong ng papa ni Miyu habang nasa labas ito ng operating room.
Tama, sa labas ng O.R. Tinamaan sa may leeg si Miyu, tarantang taranta ang mga nurse at doctor. Dahil kapag hindi naagapan. Maaari siyang mamatay.
"Tinatanggal pa po ang bala sa leeg nya tito. Kaya 'to ni Miyu, magtiwala lang tayo" Sagot ni Zack sa kanya. Nahimasmasan naman ito ngunit halatang kinakabahan. Sinong magsasaya kung nasa bingit ng kamatayan ang iyong anak?
Tahimik ang buong paligid ng lumabas ang doctor. Nagsitayuan ang lahat.
"Sinong kamag-anak?" Tanong nito. Lumapit sa kanya ang ama't ina ni Miyu.
"Kami po ang mga magulang niya" isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng doctor. Bago magsalita.
"I'm sorry"
Halos gumuho ang mundo ng mga kaibigan at magulang ni Miyu. Natigilan silang lahat sa sinabi ng doctor. Kumawala sa kanilang mga mata ang mga luhang naguunahan. Bakas sa kanilang mga mukha ang kalungkutang nadarama at ang pag-asa na nagkamali lang ang doctor.
Pero hindi. Hindi biro ang paghingi ng paumanhin nito sa mga magulang ni Miyu.
"DOC!!!! ASAN ANG ANAK KO!!!" nawala ang mga hagulgol nila ng dumating ang isang humahangos na ginang at hinahanap ang kanyang anak.
"Asan ang anak ko!!! Patricio!!!" Nagkatinginan ang lahat.
"Sorry misis" katulad ng sinabi nito sa mga magulang ni Miyu, humingi rin sya nga paumanhin.
Panay iyak ang maririnig mo sa corridor papuntang O.R. nang bumukas muli ang pinto nito.
"Asan po ang mga kamag-anak ni Miyu?" Nagsitayuang muli ang mga kaibigan at magulang nito. "Ililipat na po sya sa-------"
"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu" sumiklab nanaman ang iyakan sa mga ito. Nilapitan ng doctor si Zack.
"Anong nangyayari? Bakit lahat kayo ay umiiyak?" Tinignan ng masama ni Zack ang doctor.
"Doctor ka ba? Sinong magsasaya kung wala ang taong mahal mo?" Lalong nakunot ang noo ng doctor.
"Syota mo ba yung patricio?" Tanong nito.
"Ano?! At ginawa mo pa akong bading!!" Natigilan ang lahat sa pagsigaw ni Zack. Halos lahat ng mata ay nakatuon sa kanila.
"Eh kung hindi, sino ang iniiyakan mo? Oh well as I was saying, ililipat na nang bagong kwarto si Miyu, the operation is successful" Sabay ngiti nito at lumakad na paalis. Iniwan ang mga kapamilya ni Miyu na tulala at in state of shock pa sa sinabi ng doctor.
***
"Akala ko ate, mawawala ka na!" Sabi ni Yumi sa ate nya habang inaayos nito ang mga bulaklak sa lamesita katabi ni Miyu.
"Pano ba naman kasi, akala namin ikaw yung hindi nakaligtas" seryosong kwento nito habang nakatingin sa mga bulaklak.
"Yun pala, yung Patricio yun. Hahaha akalain mong napagkamalan pa si Kuya Zack na bakla?" Bahagya itong natawa sa pagkukwento. Kasabay ng mga luha nitong bumagsak habang inililipat ang tingin sa nakahiga nyang ate.
"Kaylan ka kaya gigising ate? Miss na miss ka na namin" sabi nito sabay haplos sa maamong mukha ni Miyu.
"Yumi" napalingon sya sa tumawag sa kanya. Hindi nya namalayan na may tao pala.
"Kuya Raven" lumapit ito sa kanya, nginitian sya nito tsaka sya lumabas.
Raven's POV:
Tinitignan ko ang mga mukha ni Miyu habang mahimbing syang natutulog. Napakaganda niya talaga. Naaalala ko pa nung nahimatay sya at dinala ko sya sa ospital. Parang kailan lang, para kaming aso't pusa. Yun pala kami ang tinadhana.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nakatingin sa kanya, nasabi ko na ba sa kanya kung gaano ko sya kamahal? Kung gaano ko sya pinahahalagahan? Na kahit nakalimutan ko sya noon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.
Ang makita syang nakahiga ngayon at walang malay, ang sakit sakit. Hindi ko man lang siya napagtanggol sa pinsan ko. Ni hindi ko man kang nasalo yung bala para hindi sya nasaktan. Ni hindi ko nagawang samahan siya sa laban. Ni hindi ko nagawang iligtas si Yumi. Hindi ko yun nagawa kasi imbis na kasama nya ako, ayun ako natutulog. Walang malay at kaalam-alam sa nangyayari.
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang, ilang buwan nalang ako. Na maaaring isang araw magising nalang sya na wala na ko.
Nagising ako sa pagmumuni-muni nang gumalaw ang mga kamay ni Miyu kasabay ng pagdilat ng mga mata nito.
"R-raven?" Isang ngiti ang sinalubong ko sa kanya. Ngumiti rin naman sya sa akin pabalik.
"Mahal na mahal kita Miyu" sabi ko bago ko hagkan ang kanyang mga labi. Tumugon din naman sya, idinantay ko ang noo ko sa noo nya habang nakangiti. Paano nga ba nagtagpo ang mga landas namin?
"Gising na si Miyu!!" At halos magiba ang pinto sa pagpupumilit nilang pumasok ng sabay-sabay.
Miyu's POV:
Nagising ako mula isang paglalakbay, paglalakbay na kasama ko si Raven. Ewan ko pero parang totoong-totoo na kasama ko sya. Pagmulat ng mata ko sya agad ang nakita ko, may bonus pa dahil hinalikan nya ako.
Di ko akalaing matataranta silang lahat nung sinigaw ni Raven na gising na ako. Ilang araw na ba akong tulog?
"Okay ka na ba anak?" -mama
"Kumusta ang pakiramdam mo?" -papa
"Gusto mo tubig?" -Zack
"Masakit pa ba yung sugat mo ate?" -Yumi
"Nagalala kami sayo" -Art
"We miss you Miyu!!!" -7WL
Napangiti naman ako sa halos sabay-sabay nilang pagsasalita, napatingin ako kay Raven. Nakangiti rin sya sa akin habang pinapaligiran ako ng mga natatarantang mahal ko sa buhay XD
"Okay lang ako"
Sabay-sabay din silang yumakap. Ay sus, hindi ako makahinga e. Hahahaha
"We love you Miyu!!"
Natats naman ako. I love you din :*
***
3 months passed...
"Dalian nyo!! Yung tables, ano pa ba? Yung candles!!"
Kung nagtataka kayo kung anong nagyayari. Well, it's a special party. Para saan? Malay ko ba! Hahaha parang kailan kang kasi nasa bingit ako ng nakamatayan, at ito ako ngayon. Nakikisalo sa kanila sa pagaayos.
Nakangiti akong nakatingin sa aligagang mga kaibigan ko ng may yumakap sa bewang ko. I smiled.
"Ang cute nilang tignan no?" Sabi nito at nagnod ako. Hinawakan ko rin ang mga braso nya. It's been 3 months. Napagusapan narin namin ang tungkol sa kalagayan nya. Panay iyakan nga kami nun e. Pero in the end tinanggap namin at haharapin namin ito ng magkasama.
"Akalain mong mapapabait kita?" Sabi nya habang humahagikhik. Pinalo ko nga sa braso.
"Mabait ako no! Mabait kaya ako" sabay pout ko. Pintik nya ko sa ilong. Arouch.
"Mabait ka pagtulog. Hahaha wag kang gaganyan, ang pangit!" Hinampas hampas ko pa sya sa braso. Loko to ah? Pangit daw ako?
"Hahaha tama na, oo na maganda ka na!" Sabi nya sabay yakap sa akin. "Ikaw ang pinakamaganda sa lahat, dahil ikaw ang badgirl ko" namula ang buong mukha ko, pasalamat nalang ako at hindi sya nakaharap sa akin. Hihihihi :">
"Ikaw din ang gwapong gangster ko" at mas lalo ko pa syang niyakap. Mahigpit na mahigpit.
"Yieeeeeee ang sweet nila!!!" Nababitaw kami sa sigaw nila. Hahahaha Ansaya lang kapag walang problema, sana parati nalang ganto.
BINABASA MO ANG
Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]
Novela Juvenil[SBGG • BOOK 1] Ang buhay ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, parehong pasaway, parehong may pinagdaraanan, parehong sakit ng ulo..Maraming pagkakapareho ang dalawang taong ito.. Ngunit ang tanong? Kaya kaya nilang mahalin ang isa't-isa? Sa kab...