Nimbus 15

50 1 0
                                    


Chapter 15
LIPAT

"Saan ka pupunta?" Kinakabahan kong nilapitan ang kapatid ko. "Bakit may dala kang mga gamit?"

Tumagos ang titig niya sa lalaking nasa likod ko at nagtagal ang titig doon. Napalunok ako at nagbaba ng tingin sa mga bagahe niya. On her right hand was Blite being leashed. I moved her bags away from her.

"Bakit parang lahat ng gamit mo 'to? Daria, saan ka pupunta?"

Mula kay Sojin ay lumipat ang tingin niya sa akin. Unti-unting sumeryoso ang mga mata niya.

"Saan ka galing?" there's a hint of judgement on her voice. "Bakit kayo magkasama?"

Kumalabog ang dibdib ko at hindi ako nakasagot. I feel Sojin behind me, moving closer. Kaunting galaw lang niya ay agad napapabaling agad si Daria. She was never been unattentive to him.

"We visited someone. Malayo kaya ngayon ko lang naihatid ang Ate mo. Sorry," Sojin answered for me.

Matagal na tumitig sa kanya si Daria bago nag-iwas ng tingin. Bumalik ang tingin niya sa akin, ngayon ay may mapanghusga ng ngisi.

"Visiting or dating?" nakangising usal niya, tila sinasabing hindi ko siya maloloko. We're not dating but I don't know how to make her understand that.

"S-Saan ka pupunta?"

"Aalis." aniyang kinuha ang mga bagahe at hinila ang masunuring si Blite.

"Bakit? Anong problema rito? Hindi naman tayo laging nagkikita kahit dito sa bahay, Daria. Bakit ka aalis?"

"I'll try to live independently now." aniyang bahagyang sinulyapan si Sojin at tumikhim. "I'm still going to school. Huwag kang mag-alala."

"Hindi mo naman kailangan mamuhay mag-isa. You're still twenty. I can still raise us both. Daria, please."

"Doreen..." the way her teeth gritted told me she's already mad. "Huwag mo akong pigilan. May sariling isip na ako. Kung gusto kong umalis, huwag ka ng makialam. Huwag mo akong kontrolin."

May kung anong pumisil sa puso ko. Napalunok ako at sinubukang hawakan siya, takot sa ideyang malalayo siya sa akin. Mabilis niyang iniwas ang kamay niya.

"Daria, huwag namang ganito. Dito ka na lang. Saan ka tutuloy? Bakit hindi mo 'to sinasabi sa akin? Bakit ka nagdedesisyong mag-isa? Kailangan ba talaga 'to? Kailangan mo ba talagang umalis?"

"Huwag ka ngang magpaawa," wala ng kasing sama pa ang tingin niya sa akin. "Sa kaibigan na muna ako titira. Lilipat din kapag nakahanap na ng titirhan. Matanda na ako. Huwag mo akong tratuhing parang bata."

Sabay niyang hinila ang dalawang malalaking bagahe niya at nilampasan na kami. Pakiramdam ko ay namumutla ako. My tears are already on the edge as fear crept within me.

Hindi siya puwedeng malayo. Ang hirap na nga niyang bantayan kapag nasa iisang bahay lang kami, paano pa kapag nasa malayo siya? At saang kaibigan siya titira? Bakit hindi na lang dito?

"Sojin..." nanginginig ang labi ko at napabaling sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin.

Hindi ko mapigilan ang pagsumbong sa kaniya. Kinakabahan at aligaga na ako habang nakatanaw sa papalayong kapatid. He held my face and made me look at him. Nagkatinginan kami.

"Get inside," he muttered and caressed my face softly. "I'll talk to her."

Hindi ko nga lang sinunod. Nakatanaw ako sa kanya habang sinusundan niya si Daria at hinuli sa braso, bagay na ikinagulat ng kapatid ko. Sojin looked at her for a while and started talking. Nakita ko ang malalim na paninitig ni Daria sa kanya, nakatulala. She was so focus on him that I feel like she's not listening anymore. The way how she looked at him... made a cold hollow point on my stomach. My heart clenched painfully. Nagbaba ako ng tingin at natulala.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon