Nimbus 18

52 1 0
                                    


Chapter 18
BOYFRIEND

"May update ka kay Daria?" tanong ko kay Sojin nang maalala si Daria.

Nasa sala kami ngayon, parehong naglalaptop. Kakatapos lang ng dalawang online meeting niya samantalang hindi ko pa halos masimulan ang mga documents na pinagawa sa akin dahil biglang naalala ang kapatid.

We got busy these past days. Siya ay may ginagawang parang virtual images, program at kung ano-ano pa sa laptop. He said he was helping Atasha's case- his friend- who's the perpetrator is now found. Ilang araw nang hindi maayos ang tulog niya dahil doon. Samantalang ako ay tambak din sa mga paper works at freelances at hindi na rin halos nakakapagpahinga.

"She told me that she'll immediately text when she's already back from the camping. Hindi pa siya nagti-text ngayon." sagot niya.

"Hindi pa siya nakakabalik?" Kumunot ang noo ko. "Isang linggo na, a?"

"Tawagan natin?"

Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko habang hinihintay na sagutin ni Daria ang tawag. I was looking at him enthusiastically, hopeful for a good result. Inulit niya ng ikatlong beses pero hindi talaga makontak ang kapatid ko.

"I guess she's still not back. Walang signal sa bundok."

I stopped a bit. "Where were they camping again?"

He told me the name of the mountain. Ramdam ko ang pamumutla ko nang maalalang parehong bundok iyon kung saan... nagmula ang bangungot ko.

Bakit siya nandoon? Paano niya nakayang bumalik doon? Bakit kailangang doon pa siya nagcamping ulit?

Natulala ako at tuluyan ng natigilan sa ginagawa. Buong gabi akong hindi nakapag-isip nang maayos dahil doon.

Hindi ko man lang alam na doon siya nagpunta. She knows this will horrify me. I almost lost her in that mountain. Halos isumpa ko ang bundok na 'yon sa daming nakakatakot na ala-alang iniwan nito sa akin tapos bumalik siya roon?

She still has the courage to go back? She still has the guts to camp again when she almost lost her life in that same place?

And what the hell?! Isang linggo na, hindi pa rin siya nakabalik? Paano kapag... mangyari ulit ang nangyari noon? Paano kapag naulit? Wala ako sa tabi niya noon at wala rin ngayon!

Thinking about it made me overthink. Lalo kong naramdaman ang pamumutla ko.

Napansin ni Sojin ang pananahimik at pagkakatigil ko. He set aside my laptop and sat beside me in the sofa. He hugged me sideways and put his chin on my left shoulder, mataman akong tinititigan.

"Ayos lang ba ang baby ko?" he whispered softly. "Nag-aalala ka ba kay Daria?"

Hindi ako sumagot. Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Don't worry about her. She'll be fine. Kapag bukas hindi pa rin natin siya makontak, I'll try to track her phone so we can know where was she exactly,"

Dahan-dahan akong bumaling sa kanya. He smiled, feeling sad for me. He held my nape and drew it gently so my face could rest on his neck. Marahan akong napapikit nang maamoy siya. He smelled so good and manly. He exactly smelled like... home.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon