Nimbus 30

59 2 0
                                    


Chapter 30
APPLICATION

For the past years, I saw how Daria was very regretful of everything. When I told her to keep the child because I will father it, she cried hard and apologized to me. Doon din siya nagsimulang magbago. Maayos na siyang makitungo at sumusunod na sa lahat ng sasabihin ko, hindi na nakikipagtalo sa akin.

I remembered how we suffered a lot together because her pregnancy was very sensitive. She always cried every night overthinking that Joross will come and get her. Kahit pa sinabi ko ng nasa kulungan na ang gagong iyon. She was so sensitive to her surroundings kaya para mapayapa siya, minabuti naming lumipat at magpakalayo-layo na.

We went to a far province and that's the only time she got comfortable. Eventually, we meet Tatay Floro, which happened to be the old man who's selling an ice cream in the street before. He was living only with his young grandson and he was so lonely at their house so he told us to live with them.

Hindi namin matanggihan dahil maliban sa hirap din kami ni Daria noon, kailangan ko rin ng kaagapay sa pagbubuntis niya. I know nothing about pregnancy. Thankfully, Tatay Floro helped us a lot. He took good care of us very well that we were able to live and survive.

Back then, when Daria bared Eunna, halos ayaw pa niyang tingnan ang bata. Ayaw hawakan. Umiiyak siya gabi-gabi at muntik ng ma-depress. But as soon as she learned to love Eunna, she learned how to take good care of her, too. Slowly, she changed and matured. Slowly, I saw her as a mother figure and a woman who's capable of taking good care of her daughter.

It was so hard and rough. She barely couldn't survive her pregnancy and I almost didn't graduate. Things were so ruthless for us, until now. Tatlong taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon, nilulugmok pa rin kami ng buhay.

"Ililipat kita sa Manila. They have the best hospital there—"

"Huwag na, Ate." iling ni Daria, hindi pa man ako tapos sa pagsasalita. "Ayoko ng bumalik doon. Gusto ko rito lang."

"Babalik ka naman dito kapag—"

"Dito lang ako... gusto kong dito lang ako." sabi niya at nilingon si Eunna na nakikipag-usap na ngayon kay Tatay Floro. "Dagdag gastusin lang, Ate. Bukod doon, masaya na ako rito. Ayaw ko ng bumalik sa Manila."

Alam kong mahirap siyang kumbinsihin sa parteng 'yan. It's not the first time I talked to her about that. It's always my frustration. Pakiramdam ko, ayaw niyang gumaling. Pakiramdam ko, masyado niyang inisip ang gagastusin namin.

Iniisip ko rin naman lalo na't nasa isang public office lang ako nagtatrabaho ngayon at pinag-iinitan pa ng mga katrabaho. Tatay Floro has no job, paglalako ng kung ano-anong pagkain na lang din ang bumubuhay sa kanya ngayon. Pinapaaral pa niya si Theodore, ang apo niya, sa highschool. Pero hindi ko rin naman mapapabayaan si Daria. Pagbubutihan ko pa at maghahanap ako ng iba pang trabaho.

Nanatili pa sila Eunna at Tito Floro sa hospital samantalang nagpaalam na ako dahil papasok na sa trabaho. Kapapasok ko pa lang sa building ay sinalubong na agad ako ni Romina, ang malapit kong kaibigan sa opisina.

"Ipinasa ko na ang application mo! Ako na rin ang gumawa dahil mukhang wala kang plano, bruha ka! Sabi ka ng sabing gusto mo ng umalis dito pero ayaw mong mag-apply sa malaking kompanya!"

"'Yong sa Manila ba 'yan?"

"Oo! Tangek ka! Ang laki ng tyansang makapasok tayo dahil tayo mismo ang gagawa ng apps natin! Ano? Ang ganda-ganda noong ginawa mo, hindi mo ba pakikinabangan? Malaki ang kikitain mo roon!"

"Ginawa ko lang 'yon out of hobby years ago. Wala akong balak ibenta o ano..."

"At ngayon, wala pa rin? Mangangapa ka sa gastusin ni Daria! Baka akala mo okay na ang isang operation?"

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon