Chapter 29
YEARSTumalikod ako at nagsimulang humakbang papalayo.
"Hija... pakiusap."
I continued walking.
"Hija..."
I cried more.
"Tulungan mo kami. Bumalik ka. B-Balikan mo kami."
Bumuhos lalo ang mga luha ko.
"H-H-Hihintayin ka namin."
Nanginginig kong binilisan ang lakad ko, pinigilan ang sariling lumingon pa ulit. Buong oras akong umiyak habang hinahanap si Daria. Matagal pa bago ko siya makita na nasa ugat ng malaking puno, walang lakas na nakakapit doon, sugatan at kaunting galaw na lang ay dadausdos na pababa.
"Daria!"
I ran fastly towards her that I almost stumbled too. Halos wala na siyang malay nang alalayan ko. Bumuhos ang mga luha ko habang iniisip na masyado akong natagalan. At kung nagtagal pa lalo ako, baka hindi ko na siya mailigtas pa.
Ubos na ubos na ako sa kaiiyak at kabubuhat sa kanya nang salubungin ako ng rescuer pagkalabas ko sa bundok. Mabilis nilang binuhat si Daria papasok sa sasakyan at nagkandarapa rin akong sumunod, ayaw siyang iwan. Everyone was so busy. Hindi pa umaandar ang sasakyan at lahat may kausap, halos pinabayaan na ang kapatid ko.
"Sir... Sir, 'yong kapatid ko..."
Hindi ako sinagot ng lalaki at sumigaw para sa lahat. "Wala na bang ibang ire-rescue? We will prioritize the critical victim so tell us what-"
"Wala na! Wala na pong ire-rescue! Please, please! Save my sister! She needs help please!"
Hinawakan ko ang kwelyo ng lalaki at hinatak siya papasok ng sasakyan.
"Ang kapatid ko... wala ng malay ang kapatid ko! Pakiusap, tulungan niyo po ang kapatid ko! Please! Please!"
"May isa pang papasok na kritikal bago lalarga ang sasakyan—"
"Sir, please! Please! Anong klaseng rescue operation 'to kung maghihintay pa kayo sa mga kritikal?! Kailangan nang maagapan ng kapatid ko! Kailangan niya ng madala sa hospital! Ipakukulong ko kayong lahat kapag hindi niyo maililigtas ang kapatid ko!"
The man has no choice but to drive the emergency car away. At habang bumabyahe kami sa hospital, wala akong ibang ginawa kundi ang mataimtim na nagdasal, itinataya ang buhay para mailigtas si Daria.
Dumilat ako at natanaw ang unti-unting pagbuhos ng ulan. It's still wasn't raining when I held on to my head because it's aching hardly. My tears pooled as I felt a pang of pain in my heart upon remembering that memory again.
Always during nimbus. Always during this weather. Parang pinipira-piraso ulit ang puso ko.
"Mama?" I heard my baby girl's voice.
I wiped my tears away. Huminga ako nang malalim at nang humarap ay malaki na ang ngiti kay Eunna.
"Hello, baby!" I opened my arms for her and she immediately ran to hug me. "Ang bango-bango naman! May lakad ba kayo ni Lolo?"
"Yes, Mama! Am pretty, yes?" sabi niyang umikot pa para ipakita sa akin ang kanyang pink dress.
Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya tinadtad ng halik sa mukha. Mabilis siyang nagreklamo dahil muntik ko ng magulo ang nakabraid ng buhok niya. I laughed and pinched her cheek. Damn, she's so cute!
BINABASA MO ANG
Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)
Fiksi UmumLike the dark nimbus in the sky, Doreen Miranda seems like living the same. She's been hearing terrifying pitches and voices in her mind everytime she looked up to the dark nimbus. It always put her into fear. Until one day, she heard voices again b...