Nimbus 19

52 2 1
                                    


Chapter 19
SING

"I don't get a boyfriend I do not love." panggagaya niya "Ha! Mahal na mahal talaga ako! Wow! Baliw na sa akin si Doreen! Wow!"

Tumawa siya nang malakas, nababaliw na. I don't know how many times did I heard him tonight repeating what I said. Simula noong makaalis kami sa grocery, hindi na niya maitikom ang bibig niya.

It's either he'll repeat my words again and again, or laugh after praising himself.

Kanina pa ako nahihiya sa pinaggagawa niya pero habang tumatagal, pagkarindi na lang ang nararamdaman ko.

"I don't get a boyfriend I do not love. Wow! Wow—"

"Ang ingay mo," pagputol ko dahil inuulit na niya naman!

Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. Binuksan ko ang cabinet at inilagay ang mga bagong stocks na pinamili namin. Ang daming pinamili ng unggoy. Para kaming kakatayin sa sobrang dami.

"Anong maingay?!"

Sumunod siya akin, alam kong magrereklamo na naman.

"Hoy, babe! Ayaw mo ba akong maging masaya ako? Parang talong-talo ka naman na sinagot mo ako, amp! Nagsisisi ka na ba? Ayaw mo na? Binabawi mo?" pangungulit niya. "Walang bawi-bawi! Halikan kita diyan!"

I don't know if he's really happy or it's just his weirdness attacking again because he couldn't sleep the whole night smiling and teasing me about it. Buong gabi lang yata siyang nakatitig sa akin, nakangiti. Pakiramdam ko tuloy dumagdag pa siya sa bangungot ko.

Mabuti na lang ay nakatulog naman ako kalaunan. He was already on the kitchen preparing our breakfast the next morning, mukhang hindi yata talaga natulog. This guy is so hopeless.

"Good morning, babe!" he greeted, very hyper. "Goods ba tayo ngayong umaga?"

"Para kang tanga," puna ko sa ngiting-ngiti niyang mukha.

"Ano?!"

Hindi ko na siya pinansin at nilapitan na ang mga niluto niya. Napangiti ako nang makitang nagluto siya noong paborito kong soup.

I stopped when I heard someone knocking our door. It must be the deliver guy or our house bill. I went to the door and open it, only to be shock when I saw that it wasn't anyone but Daria with her dog Blite.

"Sino 'yan?" Sumilip si Sojin sa pinto na ikinatigil ni Daria.

Napalunok ako nang makitang nawala lahat ng ekspresyon sa mukha ng kapatid. Sojin got silenced too when he saw it was Daria.

"What is he doing here?" tanong ni Daria sa akin.

Napatingin ako kay Sojin, minata siyang bumalik sa kusina dahil mag-uusap kami ng kapatid. But he only looked at me with serious face, wasn't saying anything but I know that face... he won't go. Napasinghap ako.

"Nakatira kayo sa iisang bahay?" Daria looked so offended. "At... dito?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Umalis lang ako, may ibang nakatira na?" she was so sarcastic.

I bit my lower lip and feel bad for Sojin. I'm sorry.

"Kayo na ba?" she asked again.

Unti-unti ng sumama ang mukha niya nang hindi pa rin ako nagsalita.

"Nagtatanong ako kung kayo na ba?!" she looks angry now.

Nilingon ko si Sojin at nakitang seryoso siyang nakatingin kay Daria. He didn't say anything so I know he's letting me decide to tell or not to tell our status to my sister.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon