Prologue

174 1 0
                                    


Nimbus Clouds are the dark clouds in the sky that already brings heavy rain or snow falling in the ground. They produce precipitation.

---

Prologue


It was another fine afternoon and we were in the office when Romina suddenly shouted. Napabaling ako sa kanya at nakitang nakatingin siya sa phone niya, nanlalaki ang mga mata. Tumalon-talon siya at pumunta sa akin saka niyugyog ako.

"Oh my gosh, oh my gosh!" she shrieked. "Naconfirm ang application ko! Icheck mo 'yong sa'yo, dali! Icheck mo!"

Lito pa sa ibig niyang sabihin, kinuha ang phone ko at binuksan ang personal email. Sumilip din si Romina at hindi pa man malinaw sa akin ang bagong dating na email, tumalon na siya at niyakap ako.

"Oh my god! Pareho tayong naconfirm, Doreen! Makakaalis na rin tayo rito, oh my gosh, ang saya-saya ko!"

Binasa ko nang mas klaro ang email.

Greetings,

Laroda Tech Development Company

To: doreenmiranda@gmail.com

We are pleased to inform you that as we reviewed the information of the application you want to deal in the company, we found its incredible potential. With this, we would like to invite you to join our conference this upcoming Friday, 19th of August, to give you the chance to further present your application.

We believe that your knowledge, skills and creativity would be an ideal fit for the company. We are needing you!

Best,
Laroda Tech Development Company

Laroda?

Laroda Company?

Hindi maipinta ang mukha ko nang balingan ko si Romina. Kumalabog ang dibdib ko at parang bulkang sumabog iyon.

"Nasaan ang application letter na ginawa mo sa akin?" tanong ko dahil siya ang gumawa lahat ng applications ko! Sabi ko ng ayaw ko ng magtrabaho pa sa Manila pero pinipilit niya! Shit!

"Ha? Bakit?"

"Pakita ako."

"Bakit nga? Teka, isesend ko."

Pagkatapos niyang isend ay mabilis kong binuksan ang file. Kakaibang kaba ang sumabog sa puso ko nang makita kung kanino naka-adress ang application letter!

Mr. Farrick Sojin Laroda
CEO of Laroda Tech Development Company
Manila, Philippines

What the fuck?!

Sojin? Farrick Sojin?

Namutla yata ang buong mukha ko. Natulala ako at nabato na sa kinauupuan. Romina was so happy while I was so shocked and nervous!

CEO? He is a CEO now?

O matagal na ba siyang CEO? Ang alam ko noon, nagtatrabaho siya sa isang kompanya at akala ko, mataas lang ang posisyon niya kaya siya maraming ginagawa! He's a CEO! Noon pa! Kahit noong kami pa!

Hindi ko alam iyon dahil maliban sa hindi niya sinasabi, hindi naman kami nag-uusap sa mga posisyon namin sa trabaho noon! Pero shit, bakit nga ba hindi ko alam 'to?

And it made sense. Sa yaman niya, walang makakapagsabing hindi siya nagmamay-ari ng isang malaking business! He should be the owner to obtain those riches, not just a normal employee!

And now, what's the meaning of this? If I was indeed accepted in the email, ibig sabihin, makakapagtrabaho ako sa kompanya niya? What the hell?

Wala ng kasing pait ang mukha ko sa kaba nang muli kong lingunin si Romina. Hindi niya sinabi sa aking sa kompanya pala ni Sojin kami mag-aapply! Maiiyak na yata ako!

"You didn't tell me about this! I didn't know the CEO, Romina!" I snapped at her.

"Ano? Anong hindi kilala, e, kilalang kompanya 'yang kompanya ni Sir Laroda! Hindi ko rin naman nakita sa personal 'yan pero ang gwapo sa pictures, mars! Swear! Luluwang garter ng panty mo!"

Ma-fufrustrate yata ako!!!

"Mag-impake ka na dahil aalis na tayo! My gosh, excited na ako! Manila, here I come again!"

"Ayokong pumunta."

"Ano?!"

Pumikit ako nang mariin. "Ikaw na lang."

"Ay, hindi puwede 'yan, mars ko. Pupunta tayo roon at magpe-present ng application natin nang sabay. Walang maiiwan. Pipilitin kita. Walang tatanggi!" sabi niya at hinampas ako. "At chaka ka pa, ah? Ikaw ang mas nangangailangan sa atin ng pera, baka nakalimutan mo!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Wala pa man ay para na akong batang naiiyak sa kaba.

Tatlong taon... Tatlong taon na simula noong iniwan ko siya... at noong huli ko siyang nakita.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang makita siya ulit pagkatapos ng nangyari sa amin!

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon