Nimbus 26

50 1 0
                                    


Chapter 26
USAP

"Bakit kailangan tayong magkaganito? Paano mo 'to nakakayang gawin sa akin?" Tumulo muli ang mga luha ko. "Y-You can always talk to me! Hindi ang paninira sa akin ang solusyon sa lahat ng ito! Wala akong naalala kagabi—"

"Wala ka pa lang naalala, bakit ka nang-aakusa? Ang kapal ng mukha mo! Don't accuse me when you barely even remember anything! Kasi wala rin akong alam sa pinaggagawa ng Joross na iyon! At mas lalong wala akong pakialam kung anong ginawa niya sa'yo!"

My lips trembled. Her eyes turned into slits, angry now.

"You really are so sickening. I can't —I really can't bare being in the same environment with you. I hate you so fucking much!"

Tumalikod siya at iniwan akong nanghihina, nalilito at hindi mapulot ang sarili roon.

Gusto kong magwala. Gusto kong mabaliw. Hearing Daria now just push me to overthink a lot. My head was aching so much and my body's feeling so tired, heavy and painful. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak at may hang-over ako, o dahil... may nangyari sa amin ni Joross. Thinking that it's because of the last option makes me want to die. I just want to die. I want to be gone of this world.

Umiiyak kong sinapo ang mukha ko. I feel like everyone conspired to do this to me. Everyone helped. Everyone joined forces. The university want this to happen, and he made these people I know to do the action together.

Anong nagawa ko para gawin sa akin ang lahat ng ito? Is this the exchange of me being so happy with Sojin? Am I not really allowed to be happy?

Dumaan ang mga araw na lumala lang lalo ang pakiramdam ko. I overthink a lot and I was feeling crazy more often. It was suddenly hard for me to be very close to Sojin. Lagi akong napapapitlag, kung hindi napapaatras, kapag nagtatagal ang hawak niya sa akin. I tried hard to make it look like there's nothing wrong with me, but I know how attentive he is even to my little action. Wala siyang sinasabi pero kalaunan, hindi rin siya nakatiis.

"Huwag ka ng maglasing nang sobra, babe." aniya at ramdam ko ang biglang pagkalungkot. "Nakakatakot ka kapag may hang-over. Hindi ka nagpapahawak sa akin."

I stiffened. Huminto ako sa pagtitipa sa laptop nang maramdamang bahagyang nanginig ang kamay ko. He reached out to me and slowly embraced my waist. Mariin akong napapikit sa pagdikit ng katawan namin.

"Mahal na mahal kita, Doreen." he whispered and kissed my ear softly. "Hindi ako mapapagod na mahalin ka."

I flinched when his lips traveled to my cheek, down to my jaw until it went to my lips. Mabilis na naiwas ko ang mukha ko. He stopped, head was remain titled. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"I-I need to do this..." sabi ko at bumaling sa laptop para makaiwas sa kahihiyan ng biglaan kong pag-atras.

Nanatili ang titig niya. My lips trembled that I need to bit it to stop shaking. Nagpatuloy ako sa pagtitipa, nanginginig ang mga daliri.

He sighed heavily and gently held my waist again. Pinigilan ko ang mapapitlag ulit.

"I'll help," aniya at tiningnan ang ginawa ko. "Wow, your app is improving so much, babe. Daming bugs noong nakaraan dahil hindi mo naaasikaso."

Slowly, he placed his chin on my shoulder. I bit my lower lip harder.

"Don't worry, magaling ka kaya sigurado akong magkakaroon ka rin ng sarili mong app!" Tumawa siya. "I'll make sure you can build it. I promise!"

I smiled shakily. "It's fine. You've been doing too much for me. At... hindi ko rin naman minamadali ito."

"Oo naman! Hindi dapat 'yan minamadali. It takes a months or years to develop an app. Take your time, love. Boyfriend mo pa naman ako sa susunod na mga taon kaya tutulungan kita r'yan!" he cheered enthusiastically.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon