Nimbus 31

67 1 0
                                    


Chapter 31
CONFERENCE

"Romina... Bakit ako hubad lahat? Binihisan mo ba ako?"

"Hindi," sabi niya, hilot-hilot pa ang ulo dahil sa hang-over. "Gaga, lasing na rin ako kagabi pero naalala ko pa kung paano ka tumayo mula sa pagkakatulog at naghubad sa harap ko! Bwesit 'to, 'buti tayo lang dalawa at natakpan agad kita ng kumot! Ang kalat mong maglasing! Naghuhubad ka nang walang pakialam kung sinong nakatingin sa'yo!"

Napalunok ako, kumakalabog ang dibdib sa kaba. Nasa sala na kami ngayon at humihigop ng kape.

"Ano? Wala kang maalala?"

Umiling ako at napalunok ulit.

"Ikaw nagyaya sa akin sa bar kaya akala ko ang tigas-tigas mo na sa alak. Tanga ka, isang bote lang yata 'yon, tumba ka na!"

"Bakit... ako naghubad?"

"Aba, malay ko sa'yo!" Pinandilatan niya ako. "Nagising ka na lang sa kalagitnaan ng gabi at naghubad kasi naiinitan ka, iyan ang sinasabi mo! Tumili pa ako sa gulat dahil wala ka talagang tinira sa damit mo, bruha ka! Mabuti na lang at nahihilo na rin ako kundi ibinagok na kita sa pinto! Puta 'to, nag-bold pa sa harap ko!"

Nag-iwas ako ng tingin at natulala. Ito rin kaya ang nangyari noon? Kaya ako hubad lahat pagkagising ko dahil hinubad ko ang lahat ng damit ko?

Joross said he didn't know who took my clothes off. I didn't know too because I don't remember taking everything off from me. Ngayon lang ulit ako naglasing pagkatapos ng tatlong taon kaya hindi ko alam na... ganito pala ako kapag nalalasing. Na gigising lang nang wala sa sarili para hubarin lahat ng damit kasi naiinit ako sa tama ng alak.

Napahilot ako sa ulo ko. Lalo lang yatang sumakit iyon dahil sa mga naisip.

Days flew and weekend came so fast. Noong nakaraang Monday pa nagpasa si Romina ng resignation letter namin pero hanggang ngayon, hindi pa pinermahan ni Sir Steve. Sa huli, nag-apply na lang kami ng ilang araw na leave para sa conference sa Manila.

I want to resign because I don't like my working environment, not because I'm interested to the conference. Ayaw ko talagang pumunta. Maliban sa ayaw kong iwan sina Daria rito, ayaw ko na ring bumalik sa Manila.

But Romina was so persistent and enthusiastic about the offer. Kesyo hindi pa naman daw talaga kami tanggap dahil pagkatapos pa ng conference ang final decision. Kailangan lang daw naming magtry at kapag hindi makuha, babalik ulit kami dito at maghahanap ng ibang trabaho.

"Paano 'pag hindi ako makuha?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako tutuloy, kung ako lang ang makuha sa atin. Ayaw kong mag-isa, ano!"

"Hindi rin ako tutuloy, kapag ako lang din ang nakuha." sinserong sabi ko.

"Ano ka ba, ikaw ang nangangailangan ng pera sa atin kaya ikaw dapat ang magpatuloy. Magpatuloy ka. Huwag mo akong alalahanin dahil makakahanap pa naman ako ng ibang trabaho!"

Umiling ako, seryoso. "Hindi ako tutuloy."

Pagdating ng Sunday, wala pa man ay para na akong maiihi sa kaba. Nasa labas na kami ng malaking conference room ngayon, nakapila sa dami ng taong gusto ring mag-apply. Isa-isang pinapasok ang mga applicants at lalo lang akong naiihi ngayong malapit na kaming dalawa ni Romina sa pinto.

"Ang dami pala..." puna ko.

"Hindi yata lahat magpre-present ng application. Ang iba ay may interview."

Umusad ang linya nang makalabas ang dalawang applicants. Nang makadaan sila sa banda namin ay narinig kong nag-uusap at nagtitilian sila.

"Ang gwapo talaga ng CEO! Para akong maiihi habang sumasagot sa tanong kanina! Ang gwapo-gwapo tumitig! Sobrang hot!"

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon