Nimbus 1

135 1 0
                                    


Chapter 1
VOICE

"Saan ka galing?" I asked my sister coldly.

Gumiwang siya nang makapasok sa pinto, nangangapa ang mga kamay sa pader. Hinawakan ko ang braso niya para manatili siyang balanse pero itinulak niya agad ako.

"Fuck off."

"Alas dos na ng madaling araw,"

"Edi good morning." sarkastiko niyang usal, amoy na amoy ko ang alak sa bibig.

Nilingon ko ang likuran niya at nakitang walang nakasunod na lalaki. I blew a deep breath of relief. At least she didn't bring boys with her. Baka pag-awayan na naman namin.

"Sinong naghatid sa'yo pauwi rito?"

Itinulak niya ako. Gumiwang agad siya nang humakbang, muntik ng mawalan ulit ng balanse. I tried to hold her again but she pushed me away. Ayaw na ayaw talagang magpaalalay kahit wala na sa huwisyo sa sobrang kalasingan.

"I've been texting and calling you. Hindi ka sumasagot. Nag-aalala ako dahil kaninang umaga ka pa wala at-"

"Shut up, will you?" Papikit-pikit at pagiwang-giwang na siya nang pagalit niya akong nilingon. "Kailan ko ba sinasagot ang mga text at tawag mo? Pwede ba, Doreen? Stop acting like a good sister because you're not! Nakakarindi ka!"

"Saan ka ba kasi galing? Tinawagan ko 'yong bar na pinuntahan mo last time pero wala ka-"

"Of course, lumipat kami! Tingin mo babalikan pa namin 'yon gayong may radar ka? Bobo ka ba?"

"Nag-aalala ako-"

"Ah, so ipagpapasalamat ko pa?" She laughed sarcastically. "Pwede ba? Hangga't ikaw ang kasama ko sa puder na 'to, hinding-hindi ako titino! Wala kang kwentang kapatid!"

Itinulak niya ulit ako kaya mabilis akong napaatras. Pagiwang-giwang ma'y sa kagustuhan niyang huwag na akong kausapin pa, mabilis siyang nakapasok sa kwarto niya.

I knocked to her door but I only received a loud slam of the door and 'leave me the fuck alone' scream. Sinasapak niya ang pinto kapag nakukulitan na siya sa akin sa labas ng kwarto niya.

Bumaba ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Inihanda ko rin ang ininit kong soup sa kanya kanina. I went to her room again bringing the coffee with me and knocked. I heard no respond nor groans from her.

"Daria, uminom ka muna ng kape nang mainitan 'yang tiyan mo. Hinanda ko na rin ang soup mo sa baba kaya buksan mo ang pinto."

I still heard no response. I tried twitching the door knob but it was locked.

"Daria?"

Wala pa ring sumagot. I wanted to clean her first pero paano 'to? I don't have key of her room. My duplicated key was thrown. Ayaw niyang pumapasok ako roon kaya itinapon niya.

I sighed heavily.

Bumaba ulit ako sa kusina at naupo na lang sa hapag, sapo-sapo ang sariling noo. Kanina pa pumipintig sa sakit ang ulo ko. I didn't eat yet because I was worried of Daria so I didn't took my medicine.

I tried to sip on my coffee para magising but it wasn't effective. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasubsob sa mesa at nakatulog na.

It was already eight when I woke up. Napabalikwas agad ako sa upuan, only to hold my head again because I feel so dizzy. Naalala ko ang lasing kong kapatid kaninang madaling araw kaya dali-dali kong kinatok ang kwarto niya.

"Daria? Nandiyan ka pa ba?"

Nakita kong bukas na ang pinto ng kwarto niya. Pumasok ako sa loob at nakitang wala na siya roon. Maaga na siyang nakaalis at hindi ko man lang talaga naabutan.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon