Nimbus 16

48 1 0
                                    

TRIGGER WARNING: attempted rape.

Chapter 16
PIPE

I told him I'll visit Daria tomorrow and even if I wasn't asking yet, he immediately said he'll come with me. Kaya kinaumagahan ay pinuntahan namin si Daria sa bahay ni Laise, iyong kaibigan na nagpatira sa kanya. We were able to talk to Daria although she's indifferent to me the whole time. She has a suspicious glare too... and I know she's judging me. I'm with Sojin after all.

"Pumapasok ba siya sa school?"

"Oo," sagot ni Laise. "Huwag mo na muna siyang palaging usisain. Nawawalan siya ng ganang pumasok, tumatawag ka pa lang, e. Paano pa ngayong bumisita ka na? Hindi na 'yon makatulog dahil sa iritasyon sa'yo."

Natigilan ako. I felt my heart clenched. "Bakit? Bumisita ako dahil nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko ba siya puwedeng kumustahin?"

"Sa akin ka na lang magtanong. Nababadtrip siya lagi kapag tumatawag ka sa kanya. Saka huwag kang pupunta nang hindi sinasabi muna sa akin. Mas lalo siyang nagagalit at kami ang pinagbubuntungan."

Bakit? Is she hating me so much now?

Hindi ako nakapagsalita sa mangha at sa pait na naramdaman.

"Boyfriend mo ba 'yan?" turo niya kay Sojin na kinakausap ni Daria ngayon.

Suminghap ako at umiling. "Hindi."

"Bakit kayo magkasama?"

"N-Nagpasama ako. Baka kasi ayaw akong kausapin ni Daria kapag ako lang mag-isa."

"Suspicious..." aniya at makahulugang tumitig sa akin. "Kaya pala nababadtrip sa'yo si Daria. Kasa-kasama mo ba naman palagi."

Why can I sensed something on that? May gusto ba siyang marinig sa akin? Ngumisi siya at may panghuhusgang sinuyod ako ng tingin.

"Huwag mo ng alalahanin ang kapatid mo. Masaya siya at mas gusto niya rito sa bahay. Huwag mo na siyang guluhin."

"Hindi ko siya ginugulo—"

"Pwes, nagugulo mo siya. Hindi mo ba nararamdaman 'yon? Ikaw ang kapatid sa atin dalawa."

"Anong gusto mong marinig sa akin?"

Ngumisi siya ulit, nanghahamon. "Wala. Sinasabi ko lang na hayaan mo na siya rito. Kaya nasasakal ang kapatid mo kasi lagi kang nakabantay. Lagi kang nakasunod. Kahit ako ay hindi gugustuhing maging kapatid ka. Lagi lang akong maiirita sa'yo."

Natulala ako. Hindi pa ako nakapagsalita ay tumalikod na siya at lumapit kay Daria. Parang ayaw pa ni Daria na matapos iyon pero si Sojin na mismo ang umalis. Pagkakita pa lang niyang naglalakad na Laise, tumakbo na agad siya pabalik, parang hinihintay lang talagang matapos ako.

"Are you done?" ngiti niya. "Let's go?"

Sinulyapan ko si Daria at nahuli ang masama niyang tingin sa akin. Without saying anything, tumalikod siya at pumasok na sa bahay ng kaibigan. Laise followed her immediately and they're gone.

Binalingan ko si Sojin. "Anong pinag-usapan niyo ng kapatid ko?"

He licked his lower lip, watching my reaction. "About her school. She said she's doing well and asked if she can call me whenever she needs help."

Ask him if she can call? Pero ayaw magpatawag sa akin?

"Sinabi niya rin kung puwede ko ba siyang tawagan paminsan-minsan. I said yes so you won't be worried for her."

This is so ridiculous. Parang gusto kong matawa. Ayaw niyang tumawag ako pero gustong magpatawag kay Sojin?

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lungkot ang nararamdaman ko kundi pagkamangha sa kapatid. I can't believe it. She's so freaking unbelievable.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon