Nimbus 22

51 1 0
                                    


Chapter 22
SINGSING

"Doreen, may celebration tayo sa club, ha? Sa katapusan ng buwan pa naman! It-text kita para maalala mo. It's a night out! Celebration sa successful na pagtatapos ng internship natin!" yaya sa akin ni Colleen na kasama kong nagpapractice rin sa company.

Ngumiti ako sa kanya. "Titingnan ko."

"Huwag mo ng tingnan! Tayo-tayo lang din naman girls. Girls night out lang. No boys allowed! Birthday din ni Maricris sa araw na 'yon kaya libre niya lahat ng gabi natin! Sama ka, ha? Ite-text kita!"

I don't go to club. Pumupunta lang ako roon kapag sinusundo ko si Daria at ayaw ko sa pakiramdam ng nasa loob kaya hindi talaga ako nagca-club.

"Susubukan ko, Colleen. Salamat."

"Sa katapusan pa naman 'yon. Makakapag-isip ka pa! Pero sana makasama ka."

I smiled.

Nagpatuloy ako sa ginawang presentation. Buong araw kaming wala sa opisina dahil may orientation ang kompanya sa labas. Nasa hall kami ngayon para umattend at mag-operate. Sobrang abala dahil maraming pinagawa sa aming pronto presentations. Hindi ko tuloy namalayan ang oras.

I opened my phone and saw Sojin's messages. Nasabi ko na sa kanyang nasa labas ako dahil sa outside activities ng company.

Handsome babe:
Saan ka, Ma'am?

Ako:
Nandito pa. Bakit?

Handsome babe:
Samahan mo ako :(

Nag-announce ng susunod na speaker ang MC sa stage. Hindi nga lang ako attentive dahil abala sa pagreply.

Ako:
Saan?

Handsome babe:
Sa pagtanda.

My lips tugged upward, smirking. He really has a lot of witty ideas to express his thoughts. Nagtipa ako pabalik.

Ako:
Di ka pa sure kung aabot ka diyan.

Hindi na siya nakapagreply pagkatapos. Naghintay ako ng ilang sandali pero wala pa ring dumating. Tumingin na lang ako sa stage at nakinig. The crowd suddenly clapped and cheered loudly. Huli na nang mapagtanto ko kung bakit naghihiyawan sila.

Sojin, on his corporate suit and attire, graced the stage with stoic and straight face. Malayo sa itsura ng Sojin na kilala ko. Iyong palangiti at may tupak sa ulo. Ngayon, sobrang pormal at sobrang gwapo niya. His hair was neatly fix upward, leaving no hair on his forehead. The sides are also fix, making him looked like an intimidating and hot boss in a company!

My lips were apart while watching him on stage. He's was standing stiffly, now speaking about information technologies, safeguarding computer database, software development and all of the orientation's sum up.

And God, he was not just good in the actual computers, he's also outstanding in talking and lecturing about it! I know that he's a graduate of Bachelor in Science in Information System, a Magna Cum Laude, and now an outstanding employee of a company but I didn't know he's this good! He's more like a CEO who owned a big company than an employee!

Grabe! Hindi ko man lang alam na siya ang speaker ngayon. Parang kanina lang nagti-text pa 'to, ah? Kaya pala hindi na nakareply pagkatapos nung huling reply ko!

"Doreen? Halika muna rito."

Tinuro ni Madame sa akin ang laptop niyang nagfreeze at pinaayos iyon. Tumango ako. Sa paligid ay naririnig ko na ang mga kasama kong pinag-uusapan si Sojin. Even the audience in the hall were murmuring, chuckling and cheering loudly for him.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon