Nimbus 40

91 0 0
                                    


Chapter 40
FINAL

Farrick Sojin

"Hoy, hoy, ano 'yan?" Nilapitan ko ang mga binatilyong pinagtulungang hawakan ang babaeng wala na sa sarili.

It's always this scene whenever I'm in bar. Kung hindi nagsusuntukan, may nambabastos. Kulang na lang maniwala na akong lapitin talaga ako ng mga gulo sa tuwing nagpapakasaya ako.

I went to them. The boys were irritated when I pulled the drunk girl away from them. Umamba pang aareglo ang isa pero hinila ng isang kasama.

"Huwag 'yan. Mukhang mayaman. Patay tayo," narinig kong sabi nung isa.

Kumunot ang noo ko. Natigilan ang lalaking umambang susuntok sa akin at sinamaan na lang ako ng tingin. Nagtaas ako ng kilay sa kanila. Ano? Suntukan?

"Aalis kayo rito o tatawag ako ng pulis?"

"Pakialamero!" singhal nung isa.

"Oo, pakialamero talaga ako." sabi ko at nagtawag ng pulis. "Sir, may mga pasaway dito sa bar. Nangha-harass ng babae."

Binaba ko ang phone at naghahamon silang tiningnan. Hindi sila umalis, akala siguro nagbibiro ako. Titigas ng mga bagang. Ang iinit talaga ng ulo ng mga kabataan ngayon.

"Ayaw niyong maniwala?"

Biglang umalingawngaw ang patrol sa labas. Mabilis na nagsipagtakbuhan ang mga binatilyo at nang makapasok ang mga pulis, parang bula na silang nagsipaglaho.

"Anong nangyari, Mr. Laroda?"

"Yung mga binatilyong nagsitabukhan. Mukhang pinipilit ang isang 'to."

"Hmm..." Saglit na dumilat ang lasing na babaeng hawak ko at nang sinubukan ako nitong hawakan sa mukha ay muntik na siyang tumimbawang.

Ayan, inom pa.

Mabilis kong niyakap ang likod niya dahil patihaya siyang tumumba. Iyon ang naabutan ng isang maputi at magandang babae na sinuntok at minura agad ako. It's the elder sister of the drunk girl, and I found out that her name is Doreen.

She was pretty like an angel. Marami akong kaibigan at kakilalang babae na magaganda but this woman has the most angelic feature. Para bang magkakasala ako kaunting lapat ng balat namin.

Her complexion is exquisitely something. The features of her face are small, cute and delicate. Her eyes are doe-like and pierce. Nose is sharp and nicely scupltured, small from the front but high from the side. She has a small mouth but plump lips and pinkish. A cute jaw, small chin and plump cheeks.

Unexpectedly, her face stayed on my mind. Gusto kong isipin na dahil lang 'yon sa mabilis akong makatanda ng mukha pero hindi... She left something that makes my mind keep on thinking of her.

Sunod naming pagkikita ay laging sa police station na. Turns out that this sister of hers— the drunk girl who's name is Daria— is a troublesome. Doreen always has that calm and placid expression but that day, when I saw her in the police station, her face looks so down and lonely. I gave her my dog because it bothered me so much. Seeing her sad made me want to do something for her.

Slowly, I found myself getting very attentive to all of her expression. Slowly, I was crushing on her.

Tangina, hulog talaga 'ko. Lagi na lang siyang hinahanap ng isip ko. Parang iiyak ang araw kapag hindi ko siya nasisilayan. Oo pucha talaga, Sojin. Sa lahat ng puwedeng magustuhan, sa babae pang mahirap landiin. Sobrang focus sa buhay at sa kapatid. Kayanin mo 'yan, tanga.

"Do you want to take my sister out?" she asked one time when I waited for her in school.

Tinagilid ko ang ulo ko, tinitigan siya. "Bakit ang kapatid mo?"

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon