Nimbus 8

77 1 0
                                    


Chapter 8
HITCH

Me:
Good morning! I just want to apologize for not coming yesterday. I had to do something. I'm sorry for not informing beforehand.

I sent that message to Sojin. He didn't texted me last night. Ang last text niya ay 'yong kahapon pa. I just hope he's not angry or what. I want to apologize to him personally.

"Sir, hindi na po ba talaga ako makakapagspecial test?" habol ko sa professor.

I was persistently following him. Dismissal na namin at kanina pa ako habol ng habol sa kanya. Ilang araw ko na 'tong hinihingi sa kanya pero hindi pa rin talaga nagbabago ang isip niya. Ayaw niya pa rin akong pagbigyan. He still couldn't give consideration kahit sinabi ko na ang rason ko kung bakit ko na missed 'yon.

Hinarap niya ako at pinagalitan. Pinisil ko ang mga daliri ko. Gusto kong lumuhod at magmakaawa. Pakiramdam ko maiiyak ako.

"Sir, please, let me take my exam. Kahit last chance lang, Sir. 'Di na po 'to mauulit. I can't lost this. I can't fail this, Sir. Please..."

Naiiyak talaga ako. Kahit ilang beses ko pang inulit ang pagmamakaawang iyon, hindi talaga siya natitibag. He just walked out on me like he's so done with me already. I lost my chance again to take the test.

Kumalat ang panlulumo sa sistema ko. Iniisip ko pa lang na babagsak ako, parang gusto ko ng humagulhol. Nakakapagod. Parang walang katapusan.

Tears pooled in my eyes.

Mabigat ang loob akong naglakad papalabas ng school. I wanted to cry. It's tiring. Ayaw ko na talagang madelay. Ayaw kong bumagsak. Ayokong umulit. Gusto ko ng makapagtapos.

I can't fail. I'm the eldest. Our future lies on me.

"Hey,"

I stopped walking when I heard that familiar voice. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakita si Sojin, nakapamulsa habang nakasandal sa isang itim na kotse.

Nakatitig siya sa akin, tila tinitimbang ang nararamdaman ko sa sandaling iyon. I blinked and roamed my eyes around. Sa harap siya ng school pumarada.

Paano kaya niya nalaman na ito ang school ko?

"May gagawin ka rito?" I asked him softly.

He titled his head, watching me closely before he nodded.

"Yeah..." aniya. "I texted. You didn't reply."

Napabaling ako sa bag ko. "Ah, nagtext ka ba? Hindi ko pa nabasa,"

He rested his tongue on his lower lip. His eyes surveyed my body carefully before he stared back at my face again.

"What's wrong, babe?" he asked very softly, I can't almost hear.

Umiling ako. Hindi siya nagsalita at tumitig na lang.

I sighed heavily.

"Mauuna na muna ako." sabi ko at nilingon ulit siya. "At sorry nga pala. Hindi kita nasabihan nang maaga kahapon na hindi ako makakarating. Pero nakarating naman ang kapatid ko."

"Hinatid ko agad ang kapatid mo pagkatapos naming kumain."

Tumango ako. "Nasabi nga niya."

"Di kita naabutan sa bahay niyo no'ng inuwi ko siya. Saan ka nagpunta?"

"Sa shop."

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. "Gusto kitang makita. Kaya inagahan ko ang paghatid sa kapatid mo."

Kumunot ang noo ko. He sighed and walked towards me.

"Uuwi ka na?"

I nodded. "Oo."

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon