Nimbus 14

50 1 0
                                    


Chapter 14
VISIT

Me:
Is everything alright?

Hindi ako makapali. I keep thinking of him. Simula noong nagpaalam siya, hindi pa siya nakapagtext at nakatawag. I was waiting for his text and call. Our last talk was not that good so I was worried for him. He seems so tired and exhausted the last time.

Ayos lang kaya siya? Nakakapagpahinga pa ba siya?

"Daria..." tawag ko sa kapatid nang makitang dire-diretso ang lakad nito sa pintuan.

Inignora niya ako. Tumayo ako at sinundan siya. She did not go to school the whole day after last night. Sa hang-over man o dahil sa sinabi ni Sojin sa kanya, parehong pag-aalala ang nararamdaman ko.

"Saan ka pupunta? Kauuwi mo lang, ah? Aalis ka ulit? Hindi ka pa kumakain. Kumain ka muna." pagsunod ko.

"Wag ka ngang makialam." mariin niyang baling sa akin. "Nakakairita ka."

"Hindi ako nakikialam. Gusto ko lang malaman kung—"

"Edi 'wag kang magtanong." Tinalikuran niya ulit ako.

Tumakbo ako at pinigilan siya. I can't endure this anymore. Lagi na lang bang ganito? Bumabalik na naman ba kami sa dati? Ayoko ng ganito. Ayokong nagagalit siya sa akin.

"Galit ka ba sa akin?" marahan at halos nagmamakaawa ko siyang tinitigan. "Mag-usap tayo."

"Wala akong gustong sabihin sa'yo."

"May nagawa ba ako? Anong ikinagagalit mo sa akin? Sabihin mo nang magawan ko ng paraan." pagsusumamo ko. "Anong gusto mong gawin ko, Daria, please?"

Maayos na kami, e. May pagbabago na sa amin dalawa. Ayoko ng bumalik pa ulit sa dati.

Humarap siya sa akin at humalukikip. She's looking at me coldly while I was looking at her pleading and begging.

"Ako pa ba ang magsasabi ng dapat mong gawin, Doreen?"

"H-Hindi ko alam. Sabihin mo nang diretso para magawa ko."

"Bakit ko sasabihin sa'yo?" halos galit na siya. "Wala rin namang kuwenta. Lapit ka pa rin ng lapit. Papansin ka pa rin ng papansin. Ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin. Ako na rin bahala sa mga gusto ko. Magkanya-kanya na tayo rito!"

Binawi niya ang kamay niya sa akin at dire-diretso ng lumabas. Natulala ako at hindi na nakasunod pa. May kung anong dumagan sa dibdib ko. She knows very well how to frustrate me. She knows that everything she does and everything she'll do will make me insane in worry. She knows how to drive me crazy very well.

Paano 'to? Kung kaya niyang mabuhay nang wala ako, paano naman akong hindi kaya 'pag nalalayo siya?

Ano bang gusto niyang gawin ko? I talked harshly to Sojin so he'd stop running to me. Kasi alam kong iyon ang nakakapagbalik sa kaniya sa ganitong trato sa akin. I am trying my best to avoid him. But Sojin has his own mind and decision. Hindi ko naman siya kontrolado. Kahit iwasan ko pa siya at hindi magpapakita, hindi niya pa rin magugustuhan si Daria.

He only looks at her as his younger sister. He was so genuine when he told me that. She's good to Daria because she's my family... and he likes me. Hindi ko naman siya puwedeng utusan na si Daria na lang ang gustuhin niya para magkaayos na kami ng kapatid. I can do everything for her but I know I have no control over that thing.

Nanghihina akong napaupo sa sofa. Nahihirapan ako. Hindi ko na alam kung ano pang iisipin.

I was in the middle of overthinking everything when my phone beeped. Wala pa ako sa sarili nang buksan iyon para makita ang text.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon