Nimbus 32

62 1 0
                                    


Chapter 32
PRAISE

"Medyo malaki pala talaga ang bahay mo dito, ano? May matitirhan ka naman pala rito sa Manila. Bakit ayaw mong magtrabaho rito?"

Kasalukuyan kaming nag-aayos at naglilinis ni Romina sa bahay ko. Ngayon ko lang ulit nabalikan ang bahay pagkatapos naming magpakalayo-layo ni Daria. Hindi ko ibinenta at hindi rin ako nagpa-maintenance kaya ngayon ay ang dumi-dumi at kailangan pa naming linisin.

"Ayaw ko lang..."

I have a lot of memories in this house. Wala na sana akong balak balikan pa ito. Mabuti na lang pala at hindi ko ibenenta. May matitirhan kami ngayon ni Romina at nakaiwas pa kami sa gastusin ng apartment.

"Huh? May kapatid ka bang lalaki?" tanong ni Romina mula sa itaas. "Bakit may mga gamit panlalaki rito?"

Natigilan ako sa pagpupunas. Sa huli, bumuntong-hininga ako at nagpatuloy.

"Hayaan mo na 'yan diyan. Ako na ang maglilinis." sabi ko at umakyat sa kwarto. "Sa baba ka na."

"Okay..."

My heart skipped a beat as I stared at Sojin things in my cabinet. Hindi nagalaw iyon doon. Kung paano niya iniwan noon, ganoon pa rin ang itsura ngayon. Hindi pala talaga niya binalikan.

I brought our dogs with us years ago. The brown and big one's already dead. The other one bears children and the puppies are in the house. Blite just died recently.

My heart hurts. I suddenly missed my babies.

Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis. Sa totoo lang, ayaw ko sanang tanggapin ang offer sa Laroda Tech. Ayoko talaga. Gusto kong tumanggi. Pero nagkataon na naaprubahan na ni Sir Steve ang resignation namin at malaki rin ang inoffer ng Laroda Tech sa terms and conditions nila. Ilang linggo ko pang kikitain ang pera kung sa ibang kompanya ko iyon pagtatrabahuan.

Kailangan ko ng mailipat si Daria sa Manila sa lalong madaling panahon at para mangyari 'yon, dapat makapag-ipon na'ko agad. The offer in Laroda Tech is the easy solution. Kaya kahit sugat sa pride at prinsipyo ko, kinagat ko na.

Ayos lang 'to. I'm sure I won't see Sojin all the time in the company. He's a CEO and he's very busy. This will be fine.

When Monday came, excited si Romina samantalang hindi naman ako mapakali. Kabado ako. Nasa room pa lang kaming mga new hired applicants at binibrief sa gagawin, pakiramdam ko hindi na ako makakasurvive.

We are here as a developer of our own app. We will be working on the improvements of our app until it will be credible enough to market in online stores. At siguro, hindi lang 'yon. May mga minor na trabaho rin sigurong ipapagawa. Once our app will be available now to install in any devices, we will then work for its maintenance, improvements and such.

"This will be your team, Ms. Miranda." sabi ng facilitator at ipinakilala ang dalawang lalaki at isang babae sa akin. "This is Edward, Rossell, and Lyka. They will help and assist you with your app. Still, you're to facilitate and make your own app. They'll just help, support and coordinate with you to maintain it. You can ask anything from them."

I shook hands with my team. Seryoso ang mga lalaki at matatalino ang dating pero hindi naman mukhang masusungit. The girl was the smiling and cheery one.

"Hi!" she immediately went to me after the briefing.

Nasa cubicle na kami ngayon at nagsisimula ng magtrabaho pagkatapos ma-tour kanina ng facilitator sa buong building. Nilingon ko siya at ngumiti.

"Hello..."

"Coffee?" inoffer niya sa akin ang hawak na coffee.

Ngumiti ako at umiling. "Thank you. But I'm fine."

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon