Nimbus 4

85 1 1
                                    


Chapter 4
DOREMI

"Sinabi ko ng huwag kang mangingialam sa mga gagawin ko! Ako ang nahihiya sa'yo! Mas lalo mo lang pinapatunayan na wala kang kwentang kapatid dahil ipinagtanggol mo ako gayong alam mo mismo sa sarili mong gawain ko 'yon! Na totoong nilandi ko 'yong boyfriend niya! Bakit mo pa ako denepensahan sa babaeng 'yon? Nagpapasikat ka ba?"

Umawang ang bibig ko sa dire-diretsong sumbat niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nabalisa.

"Nakakahiya ka! Sobrang nakakahiya ka! I feel like a fucking loser when you defended me! You're embarrassing! Sana hindi ka na lang nagpunta rito. Para kang tanga! Masyado kang pasikat! Masyado kang pabida! Mas lalo akong nahihiya sa mga ginagawa mo!"

Daria...

Napatitig ako sa kapatid kong naluluha na sa sobrang pagkahiya. My chest hurts when I realized, she wants to cry because she was so embarrassed. She's so embarrassed for me.

Unti-unti kong naramdaman ang pagkalat ng pait sa dibdib ko. My eyes heated.

"I didn't know..." My voice started cracking, wanting to cry.. "I'm sorry. Hindi ko alam na... nakakahiya 'yon at..."

"Hindi mo alam? Iyong pa lang pumupunta ka rito sa school, nahihiya na ako, Doreen! Anong hindi mo alam?! Ako ba ginagago mo?"

Her mouth...

It really hurts me.

Bakit kailangang ganoon siya sumagot sa akin?

I looked at her hurtfully and swallowed hard. "Bakit ayaw mo ako rito sa school ko? Hindi naman ako lagi rito, Daria. Pumupunta lang naman ako rito kapag gusto kong bisitahin ka at kapag... gusto kitang makita."

"E, ako ba, tinanong mo kung gusto ko 'yon? Pinagtsi-tsismasan ako palagi dahil sa'yo! Hindi mo alam kung gaano ka nakakahiya kapag nakikita kitang pumupunta rito sa school at nagpapasikat bilang mabuting kapatid sa akin!"

She gritted her teeth. I think my question just irritate her more. I closed my eyes tightly.

Hindi ko na alam anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan lulugar sa kanya. Hindi ko na alam kung saan lulugar bilang nakakatandang kapatid.

"Please don't be angry. Gusto lang naman kitang ipagtanggol sa babaeng 'yon, Daria. She insulted you a lot and accused you-"

"It wasn't an accused! I already admit everything! I admit all my damn crimes! At ngayong ipinagtanggol mo ako, anong iisipin nila? Na may kapatid akong tanga? Na kaya ako nagkakaganito dahil may kapatid naman akong magtatanggol at nagtotolerate sa akin? Na nagsusumbong ako palagi sa'yo? Na hindi lang pala ako ang bobo, ikaw rin?! Na pareho tayong shunga? Nag-iisip ka ba?"

"I don't care what they think about me-"

"Huwag kang magmarunong! Huwag kang magpanggap na parang alam mo ang lahat sa akin kasi hindi! Hindi, Doreen! Sawang-sawa na ako sa mga pangingialam mo. Stay away! Just stay the fucking away!"

Ito ang hinding-hindi ko maintindihan.

While I'm finding my place to her, she's here making sure I can't space in. While I'm trying my best to place myself into the right place, she's here finding her way to lost. Me.

Ang hirap maging magulang sa kanya. Ang hirap maging nakakatandang kapatid. Ang hirap balansehin ng lahat. Kasi lahat ng ginagawa niya, narereflect sa akin. Lahat ng ginagawa niya, parang sa akin nag-ugat. Kasi ako ang kasama niya. Ako ang naghahandle sa kanya kasi kapatid ko siya.

Ang hirap-hirap kasi ako ang nasisisi. Ang hirap-hirap dahil kahit anong gawin ko, kapag nagkamali siya, nagkamali rin ako. Kahit ginagawa kung ano ang tama, kulang pa rin. Hindi pa rin sapat. Kahit hinahayaan ko na siya sa mga gusto niya, nagrerebelde pa rin. Kahit pinagsasabihan ko na, ako pa rin ang walang kwentang kapatid.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon