Nimbus 10

61 1 0
                                    


Chapter 10
PERYA

"Bumalik ka roon sa kapatid ko..." sabi ko sa kanya nang makarating kami sa kusina.

Ngumisi siya pero inilingan ako. I'm worried and nervous. Sana hindi nag-iisip ng kung ano si Daria ngayon.

"Dito lang ako," he uttered, smiling and staring at me.

"Sojin, kaya ko na rito. Doon ka na lang, please. Walang kasama ang kapatid ko."

"Namiss kita..." biglang aniya at napasuklay sa buhok. "Namiss mo ba ako?"

My heart pounded. Hindi ko na alam paano pa simulan ang paghahanda gayong nakatayo siya malapit sa akin, nakasandal sa may lababo at nakatitig.

"Hindi?" Humalakhak siya. "Grabe, i-miss mo naman! Lagi ako sa'yo, e!"

Kinagat ko ang labi ko. Ngumisi siya at humakbang pa lalo papalapit sa akin.

"Babawi na lang ako," nakangiti pero seryoso ang tono niya. "Libre ka ba bukas?"

"May class na ako."

"3pm pa rin ba ang uwi mo?"

"Oo pero may gagawin ako sa computer shop."

"Then, dinner?" aniya. Humalakhak siya nang hindi ako nakasagot. "Sobrang kulit ko ba? Naiirita ba kita? Sorry, ganito lang talaga kita kamiss."

I pursed my lips and looked away. Gustong gumalaw ng labi ko sa pagngiti. Humalakhak siya ulit at mahinang minura ang sarili. Napahilamos siya ng mukha.

Ilang sandali lang ay nakita kong sumilip ni Daria sa pinto bago tuluyang lumapit sa amin. Natigilan ako at pinagmasdan siyang naglakad. Is there a problem?

"Wala pa ba?" malamig niyang tanong, tinutukoy ang hapunan.

She was bringing Blite with her. Tumalikod agad ako at nagsimula ng maghanda. Naramdaman kong nilapitan siya ni Sojin.

"Hello, Blite!" Sojin greeted the dog that Daria's carrying. "Cute cute naman ng baby ko! Parang 'yong isa diyan!"

Kumunot ang noo ko.

"Gusto mo bang lumabas ngayong gabi?" narinig kong tanong ni Sojin kay Daria.

"Bakit? Lalabas tayo?"

"Oo. Marami ba ang assignments mo?"

"Hindi naman. Sige, lumabas tayo!"

"Sige."

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Sojin at biglang paghawak niya sa beywang ko. Napaigtad ako at gulat na napalingon sa kaniya.

"Huwag ka ng maluto, babe. Labas tayo."

Nilingon ko si Daria at nahuli ang titig niya sa kamay ni Sojin sa beywang ko. Umiling ako at umatras.

"K-Kayo na lang..." nag-iwas ako ng tingin. "May gagawin pa kasi ako."

"Bakit kami lang? Ikaw nga ang gusto kong ilabas." bulong niya sa tenga ko.

Nanindig ang balahibo ko.

"I think Doreen still has to do her homeworks. She's really busy with her school." usal ni Daria, naglatag na ng palusot sa akin.

Nagkatinginan kami. Tumango ako at ngumiti kay Sojin.

"Pasyensiya na. Kayo na lang muna ng kapatid ko."

"Sama ka na..." may pagmamakaawa ang kanyang boses. "Please? O gawin na muna natin ang mga homeworks mo bago tayo lumabas?"

What?

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon