Nimbus 25

47 1 0
                                    


Chapter 25
HAPPENED

"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko at mabilis na bumangon.

Napakislot ako sa bigat at sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak. Napahawak ako sa ulo at halos pukpukin iyon. Namimigat at nananakit ang katawan ko na parang gusto kong umiyak. I felt so lost and gone astray. Hindi ko alam kung paano nangyaring nandito na ako, nagising na walang kahit isang saplot sa katawan... at katabi si Joross.

Where the fuck I am? Sino ang nagdala sa akin dito?

Dumilat ako at nakitang nakatayo na si Joross, nakangising nag-aayos ng sinturon ng kanyang pantalon. He looked at me and glanced at my body. He smirked more. Napayakap ako sa bedsheets, nanginginig at nanlalamig. He whistled devilishly.

"Grabe," aniya, hawak-hawak ang sinturon. "Ang sarap mo kahit mukha kang tuod kagabi."

My lips paled and I felt my insides shaking. Takot, kaba at pagkabalisa ang bumalot sa buong katawan ko.

Anong ibig niyang sabihin? May... nangyari ba sa amin?

Mas lalo akong namutla sa naisip. Nanginig ang mga kamay ko at lalong napakapit sa bedsheet.

"A-A-Anong ginawa mo sa akin?"

Humalakhak siya. "Anong nangyari sa atin? Iyan ang dapat na tanong mo."

"Anong ginawa mo sa aking gago ka!"

He laughed hysterically again. "Kailangan ko pa bang sabihin? Nakahubad ka. Nakahubad ako. Alam mo na 'yon. Sarap mo nga, e."

Nangilid ang mga luha ko, nanlalamig habang iniisip ang lahat. Walang pumapasok sa isip ko. Wala akong maalala. Anong nangyari sa amin? Anong nangyari kagabi? Ang huling naalala ko ay nag-uusap kami ni Daria pero pati ang iyon ay malabo na rin sa akin. I barely even remember how did I slept or passed out. I don't remember everything.

Anong nangyari sa akin kagabi? Paanong... nasa parehong kwarto kaming dalawa ni Joross ngayon?

Nangangantal, pinagmasdan ko si Joross na nakangisi habang nagbibihis. He looks so happy and very satisfied. My insides were churning in horror and fear now. Parang nandilim ang paningin ko sa lahat.

"Sabi ko naman sa'yo babalikan kita. Sarap mo," ngisi niya at tumawa bago lumabas ng kwarto, sumisipol at iniwan ako.

Nanginginig ako at nangapa sa kung saan, hinahanap ang cellphone ko. Sojin said last night that I should text if the party's done. Hindi ako nakapagtext kagabi kaya siguradong hinanap na niya ako ngayon!

Kinalikot ko ang phone ko, naiiyak at takot na takot. I read his messages and he was worried. Kaso pagkatapos ng huling mensahe niya, wala na siyang text ulit.

Sojin:
Kukunin kita bukas ng umaga. Tulog ka lang diyan, my love. Good night! Love you!

W-What? Anong kukunin bukas? He knew where I am? What the fuck is happening?!

Hinanap ko ang damit ko at nakitang nakahanger iyon sa pader. I wore it back, crying now as I put all of my underwears that I found in the floor. Lumabas ako ng kwarto at nagkandapa-dapa sa hagdan. Napapakapit ako sa pader bawat pagpitik ng sakit sa aking ulo, naluluha. The house was familiar to me as I ran. Napagtanto ko lang kung kaninong bahay nang tuluyan akong makalabas.

It was Daria friend's house —Laise. Iyong kaibigang tinutuluyan niya ngayon.

I ran outside, wiping my tears away. Sa labas ay nakita ko si Sojin na papasok sa gate kaya nagkasalubong kami. Nagulat siya nang makita ako pero kalaunan, masayang ngumiti.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon