Nimbus 17

52 1 0
                                    


Chapter 17
GUSTO

Pinagmasdan lang ako ni Sojin buong gabi. He was not speaking, nor asking anything. He remained silent and watched me peacefully the whole time. I didn't ask him about what is he planning, too. I don't have strength to ask.

Pumasok ako sa kwarto at sinubukang matulog pero binangungot lang ulit ako. I woke up catching my breath again, dying of pulling my sensation back to earth. Hindi na ulit ako nakatulog. Sumapit ang umaga na lutang ako at parang nananaginip pa rin.

Nag-ayos ako na isa lang ang nasa isip, ireport agad sa pulis ang nangyari. Kaso nag-alinlangan agad akong gawin iyon nang makita si Sojin sa kusina, naghahanda ng pagkain.

I don't want him to know everything.

Pinagmasdan niya akong lumapit sa hapag at hindi na inalis ang tingin pa. He stopped preparing milk so he could watch me. Binalingan ko siya.

"Hindi ka puwede rito sa bahay." pantataboy ko sa kanya kahit pa... natatakot na akong mag-isa simula kagabi.

Tinapos niya ang pagtitimpla at lumapit sa akin. Inilagay niya sa harap ko ang gatas.

"Bakit hindi?"

"Anong bakit hindi? Hindi mo 'to bahay."

He titled his head, angling it more ro me. "Paano kung ayaw kong umalis?"

"Kailangan mong umalis." sabi ko. "Ayaw kong nandito ka."

"Hindi mo muna ako mapapasunod ngayon," aniyang ikinatigil ko. "I'll stay here even if you don't like it."

I gritted my teeth and looked at him. Hindi man lang siya natinag at hinamon pa ako ng tingin. Bumuntong-hininga ako at tumahimik ng ilang sandali.

"How was my sister?" I asked him after a while. "You stopped texting me so I don't have much idea how was she doing."

"She's fine." he uttered simply.

"Fine?" my eyes narrowed at him. "Palagi kayong may communication tapos fine lang?"

"We're not communicating anymore."

"Ano?"

He sighed and gave his attention to me. "Simula noong araw na iyon, hindi ko na sinasagot ang mga tawag niya."

"Bakit? Sa'yo lang siya nagsasabi ng mga ginagawa niya—"

"She was not updating so I don't have anything to text you. Tss." pagsusungit niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Let's not talk about your sister." he said softly. "How are you here?"

"Anong hindi siya nag-uupdate? Kaya ka nga nandito para sabihing may camping siya—"

"Psh, alam mo ikaw, kung hindi ka lang maganda..." aniya. Kinunutan ko siya ng noo. "Ngayon lang siya nag-update at sinabing aalis siya ng ilang araw para sumama sa camping nilang magkaibigan. Noon, hindi!"

"Anong hindi—"

"Nagsasabi lang lagi kung gaano niya ako kagusto! Pucha, kitang ayaw ko ng pag-usapan!" pagmamaktol niya.

My lips parted. "E sinabi mo kasi sana agad! Tinatanong ka nang maayos!"

"Ano? Aawayin mo ba talaga ako? Sa harap ng tinimpla kong gatas para sa'yo?"

"Hindi ako naggagatas!"

"Ano bang gusto mo?" marahan niyang tanong. "Ipaghahain kita nang mabawasan init ng ulo mo sa akin. Order ka lang, master."

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon