Nimbus 28

51 1 0
                                    


Chapter 28
DONE

Sojin went to work the next morning, preparing me a hot coffee and delicious breakfast. I waited for him to ask me, to confront me, or to interrogate me about it but he didn't. He didn't ask a thing, like he always do. And it's scaring me.

I know that he's just waiting for me to open voluntarily to him. Pero hinding-hindi ko masasabi sa kanya ang lahat kung hindi ko malalaman ang totoong nangyari sa gabing iyon. He doesn't deserve the half-truth. It will destroy him so much. And it will destroy me too.

Ayos lang na ako ang magkakaganito. Kakayanin ko mag-isa. Hindi ko kakayanin, kapag masali pa siya.

Tomorrow, I will be meeting his relatives. Finally. Dapat noong nakaraang linggo pa kagaya ng plano ko but I was so upset that day that it took days for me to recover. So I decided to move it. I still don't have the courage, but I will make up. I will do this for Sojin.

"Kain ka pa..." Itinulak ni Sojin sa akin ang kanina ko pang kinakain na pizza. "You're craving so much for pizza today. O-order pa ba ako?"

Ngumunguya pa ako at punong-puno pa ang bibig ng pizza. "Yes, please..."

He chuckled at my bloated face. "What a cutie." Pinisil niya ang ilong ko. "Okay, baby. O-order na ako. I know you always crave a lot of foods when it's your period week."

Natigil ako sa pagnguya at parang mabibilaukan. It should be my menstrual period this week. Last day was supposed to be my first day. But... I still don't have. Hindi pa ako dinatnan.

Impossible. I rarely have hormonal imbalance. Laging nasusunod sa kalendaryo ang mga dalaw ko. Sojin knows it. He had me monitored. He thought I am having my period this week... but I'm not. Nakalimutan ko ring linggo ko ngayon.

Hindi ako dinatnan?

Parang bulkang biglang sumabog ang didbib ko. Hindi ko na malunok ang pagkain at pakiramdam ko, gusto ko na lang idura lahat. Unti-unti, naramdaman ang panginginig ng buong katawan ko.

I stopped eating. Nag-order pa ng ilang box si Sojin pero hindi ko na magalaw. Natulala na lang ako at nanlalamig na sa mga naisip.

"O? Busog ka na?" he chuckled. "Anong pinagkaiba ng pizza na ilang araw ng nasa ref at pizza na ka-oorder lang at bakit mas gusto mo 'yong bahaw?"

He laughed when I didn't answer. He reached for my lips and was about to kiss me but I moved my face away. Tumawa siya ulit sa pag-ilag ko, inakala na naiinis ako.

"Pikon naman ng baby ko." pinanggigilan niya ang pisngi ko.

Hindi ko na talaga kayang kumain. At kahit sa gabi, hindi ko na kayang matulog. Tears started forming in my eyes as I held on to my stomach. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Sojin, kakatapos lang maligo.

He smiled and went to me. Marahan niyang hinawakan ang baba ko at inilapit sa kanya para sa isang matamis at mainit na halik. Pumikit ako nang mariin. He titled his head and kissed me once again, now delving deeper. Bago pa man tuluyang lumalim 'yon ay umiwas na ako at lumayo sa kaniya.

Lips still parted and red, he looked at me in absurd. Tumayo ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Sa kabilang kwarto ako matulog." I whimpered.

"Bakit?" marahang tanong niya.

"Gusto kong... matulog mag-isa."

He licked his lower lip and stood up. Nagulat ako nang hindi na siya nagtanong at tumango lang. He kissed my nose gently.

"Your mood really swings when it's your period week, huh?" He smiled. "Dito ka. Ako sa kabila. Sleep tight, my love. Katok ka lang pag may kailangan ka."

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon