Nimbus 20

53 1 0
                                    


Chapter 20
ATASHA

Since I attended my sessions, I feel a lot better everyday. The last time I had a nightmare was the only time when Sojin woke me up. Nimbus clouds in the sky couldn't trigger it easily now too. Sojin's good voice that day replaced the dark pitches I had with that memory during nimbus days.

I am still constantly asking about Daria but I let her do whatever she wants now. She was still mad and wasn't talking to me. It's okay. If not seeing me will make her feel better, then I'll stay away from her sight. I will be still around her, but I will keep my physical presence away.

Nasa sofa ako at nakahiga ngayon, abala sa binabasang document. Samantalang nasa harap ko naman si Sojin, nakikipag-away sa aso na ayaw umalis sa tiyan ko.

"Alis, taba!" he shooed Blite away. "Ako diyan."

My poor Blite only barked. Sojin tried to lift him up.

"Ah, tumatalino ka na, ha. Tigas na ng ulo mo."

Blite barked and bite his hand when he tried to put him away from my stomach. Nagulat si Sojin sa inasta ng aso kaya bigla niyang pinanggigilan. Hinampas ko agad siya ng papel.

"Para kang tanga," sabi ko at binawi sa kanya si Blite. "Huwag mo ngang ganyanin. Nagpapahinga 'yong aso!"

"Gusto ko ring magpahinga, Doreen!" reklamo niya.

"Doon ka sa kwarto!"

"Ah, grabe, pinagpalit na agad ako!" suplado niyang satsat. "Bakit may special treatment ang asong 'yan? Akin na nga!"

Kinuha niya ulit si Blite at inilapag sa sahig saka siya mabilis na humiga sa akin, nakaharap, at ang dalawang kamay ay kaagad na pumulupot sa katawan ko. Ang ulo niya ay nasa aking dibdib. He then glared at the dog who's now barking at him.

"Huwag mo akong tahul-tahulan diyan, a! Diyan ka sa mat!" asik niya. "Nang-aagaw ka pa!"

Blite barked lowly until it was gone. Dumapa na lang ang kawawang aso sa mat at doon na tahimik na nagpahinga. Sinamaan ko tuloy ng tingin ang amo niyang kumportable ng nakahiga sa katawan ko.

He's so tall so he wasn't fit in the sofa. Nahuhulog ang dalawang paa niya sa dulo pero para pa ring siyang unggoy na nakayakap, ayaw umalis sa dibdib ko. He was smiling and very comfortable in his position. Umirap ako.

"Makahiga akala sobrang gaan, ah?"

"Bakit? Magbigat din naman 'yang si Blite! Ang laki-laki at ang taba-taba pa! Siya lang ba ang gusto mong pahigain?"

So mature. I rolled my eyes at him and looked at my documents again. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi nga lang ako makapagfocus dahil laging kung hindi niya ako pinanggigigilan, nanghahalik naman sa leeg ko!

I bit my lower lip and tried to ignore him. Ngayon ay nakahalik naman siya sa dibdib ko, nang-aasar! I slapped his arm. He laughed loudly.

"Parang baliw." I murmured.

"Gusto mo naman," he smirked and buried his face on my chest again. I groaned impatiently. Tumawa ulit siya.

Ilang sandali lang ay tumunog ang phone niya. He groaned and lazily answered the call.

"Hello?" he sounded tired.

"Samahan mo ako, magclub tayo." I heard a woman's voice on the phone.

"Ha?" Umahon ang ulo niya. "Sabog ka ba?"

"Bilis na! Samahan mo na lang ako!"

"Sabog ka nga." Sojin looked at me.

He must be talking to his friend Atasha. He already introduced Atasha to me at kahit hindi ko pa ito na-meet sa personal, nasaksihan ko kung gaano sila magbangayan dalawa. They beckered at each other like they've been together for a long time.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon