Nimbus 6

70 1 0
                                    


Chapter 6
VIOLATION

Hindi ko na ulit nakita si Farrick noong umalis ako sa apartment ni Nylesor. Mabuti na lang. Thinking that he's actually the man in the next apartment still horrifies me.

Ganoon... ba talaga siya? I mean... napapasigaw niya nang ganoon ang mga babae?

Paano? At saka palagi niya ba 'yong ginagawa?

Thinking about it again sends me goosebumps. Damn it! I should really stop being distracted about it.

"Doreen..."

I lost my thoughts when I noticed that I'm already at the house and Daria's already calling me. Doon ko lang din napansing hindi siya nag-iisa. She was with Joross in the living room. Mukha pa silang galing sa paglalampungan dahil nakita kong mabilis na inayos ni Daria ang damit niya.

Joross smirked at me after I caught him fixing his open buttons.

"What are you doing here?" I coldly asked him. I really don't want to see his face. It disgusted me so much.

"Uhm, binisita ang nililigawan ko?" ngising-ngisi siya.

I gritted my teeth.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat nasa shop ka ngayon?" tanong pabalik ni Daria sa akin.

"I'll get my things for school para hindi na ako pupunta rito mamaya," I said seriously.

Dumiretso ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Nang makababa ulit ako sa sala ay nasa kusina na si Daria habang naiwan naman si Joross sa living room.

Nang makita niya ako'y mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Matalim ko siyang tiningnan.

"Binabalaan kita." malamig kong sabi at hindi na hinintay ang sagot niya. "Daria, aalis na ako!"

I didn't hear any response. Ngumisi lang sa akin si Joross. Tinalikuran ko na siya at dire-diretso ng lumabas ng bahay.

The next days, nothing's really productive. I just did the usual routine in my life, go to school, checking Daria at the bars, going to computer shop, work and study.

Sobrang naging busy na rin ako sa papalapit na thesis defense namin. I was confident but worried.

I can't just fail. Never.

Nakahinto na ako ng tatlong taon para mabuhay kami ni Daria. Ayokong mahinto pa ulit. I wanna graduate so bad. I wanna have work and be financially stable.

And surviving college is the only way.

"What the hell is this again, Daria..." I cursed beneath my breath.

Kakatext lang adviser niya sa akin. She's suspended again now dahil may nakarambulan daw siya. Kakasuspend lang, suspended na naman ulit!

Sasabog na yata ang ulo ko. This is already the third time. Only one last violation, the school will kick her out. Hindi ko na alam. She's been kicked out by three schools already.

Sana naman hindi pa siya maki-kick out ngayon. I can't spend another money for her transfer again.

Sapo-sapo ko ang noo ko at napatulala na lang sa mesa. Naliliyo na ako katititig sa laptop habang nasa Caffè. I can't study home. Inaantok ako ng sobra at ayokong makatulog doon.

Pitch of the Nimbus (Cloud Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon