ABYSS 1

322 98 9
                                    

jyriz pov

Sabi nila, kapag daw itim o pinagbabawal na mahika ang ima-manipula mo eh, napangit daw ang iyong mukha dahilan sa hindi mo kayang kontrolin ang dilim. Naka-upo ako ngayon sa antayan ng pagpasok sa opisina ng prinsipal, wala akong pinatay o sinaktan, pero ayon sa adbayser kong si Sir James Miamonte eh, mas maigi raw na ilipat ako ng seksyon dahilan sa pangyayari noong Sabado.

Ang mga estudyante na nasa edad bente pataas ay tuwing Sabado't-Linggo ang pasok, habang ang mga estudyante simula edad lima hanggang labing siyam Lunes hanggang Biyernes ang pasok. Ganito ang batas sa Aegis Academy at dahil isa rin ang prinsipal ng paaralan na biktima ng kasakitan na kumakalat pa rin sa buong mundo ganito ang kanyang batas.

May mga tumabi sa akin na tatlo pang babae, at isa sa kanila ay umiiyak na. Sino ba naman ang hindi mapapa-iyak? Lalo pa't alam mo na kung saan ka ililipat na seksyon. Kung dati tuwang-tuwa ang mga estudyante kapag lilipat sa mataas na seksyon, kesho raw looking genius ang tingin sa kanila kapag nasa mataas silang seksyon.

Pero hindi ngayon...mayroong isang seksyon na mataas sa lahat ng new adults na edad, at ayon sa mga chismis, hater ang seksyon na ito sa mga babae. Isang malaking bangungot ang mapapunta sa seksyon na iyon dahil may iba na kapag inilipat sa seksyon na iyon ay hindi na nakikita pa, at wala ng balita ang kanilang mga magulang sa kanila.


"Hindi naman ako pinakinggan ni Ma'am Maria impakta siya, kesho paborito lang niya si Pamela sa akin na niya ibinaling ang lahat ng sisi!" hiyaw ng babae na nasa dulong upuan.


Pareha yata kami ng katayuan. Iyon nga lang transferee si Patricia ayos naman siya, maganda, mabait, friendly, seksi, matalino, paborito ni Sir James, crush ang best friend kong si Predrick ng transferee. Akala ko ang bad side ni Patricia is matampuhin lang kaso, lumabas ang kulay niya...kaya it was her fault na naririto ako ngayon sa pila patungo sa kamatayan ko.

Ako na ang nawalan, ako pa ang may kasalanan. How could she do that? Attention seeker? Or talagang gusto lang niya akong mawala sa seksyon na iyon?


"No! Hindi ako magpapakain sa seksyon na iyon!" agad hinarap niya ang katabi niyang kaibigan at naiyak pa rin ang babae.

"Zhaira kumalma ka muna." Utos ng kaibigan niya.

"No! Ayako! Kasalanan ito ni Pamela, pero bakit ako ang nasalo ng consequences! Mamatay na ang Maria na iyon! Impakta siya akala niya makakaligtas siya sa mga pinaggagagawa niya!"

"Zhai stay down baka mapagalitan tayo niyan eh,"

"Siguro kakampi ka rin ni Ma'am Maria ha, Ella, tell me! Tell me, hindi ka sa akin naniniwala rin!" hiyaw niya muli.


May isang lalaking matangkad pa sa akin ang tumabi sa kaliwang bahagi ko, at halos ang kanang kamay niya ay nasa third-degree-burn. Gaano kasakit ang nararamdaman niya sa kanyang natamo? Paniguradong masakit iyon. Hindi ako nagdalawang isip na kapitan ang kanang kamay niya.


"Hoy," mahinang suway niya.


Pag-angat ng kamay ko, nawala na ang sunog sa kanyang kanang kamay. Hinigit na niya ang kanyang kamay na pagtingin ko nakatingin siya sa akin pabalik.


"Susunod! Oh- bakit naririto ka Gerald?" tanong ng sekretarya ng prinsipal.


Medyo nagutla ako. Maigi at hinigit na ng katabi ang kanyang kamay niya, bago pa makita kaming dalawa. At Gerald pala ang kanyang ngalan.

Tumayo na si Gerald at ibinulsa ang kanang kamay niya.


"Sabi ng seksyon WhiteSky sinunog ko raw ang presidente nila," tugon niya sa sekretarya at kumunot ang noo at saka sapilitang ilabas ang kanang kamay niya.

"Wala namang bakas ng mahika ah?" takang tanong ng sekretarya at binitawan ang kamay ni Gerald.

"Ewan iyon ang sabi eh," aniya.

"Sige na puwede ka ng bumalik sa klase mo at sasabihan ko na lang ang seksyon," at saka siya tumingin sa amin, "Miss Casella?" agad akong tumayo at sumunod sa kanya.

"Hoy," tawag ni Gerald at saka itinaas ng mabilisan ang kanyang kamay at, "Salamat," saad niya at saka ako sumunod sa sekretarya.


Naroroon ang adbayser kong si Sir James pero maigi, at wala si Patricia baka lalo lang mag-init ang ulo ko. Masama ang tingin sa akin ng dati kong adbayser habang nasa harapan namin ang sekretarya, at ang prinsipal ng akademya halos dama ko ang awra ng guro kong gusto akong saktan.


"Aaralin ko pa ang reklamo sa kanya James," saad ng prinsipal.

"Pinatay niya ang isa sa estudyante ko!" hiyaw ng guro ko.

"Sabi mo nga James, pero dapat hindi tayo basta-basta tumatalon sa conclusion na siya nga ang pumatay, ayon dito sa reklamo mo na ikaw mismo at ilang estudyante mo ang nakakita ng pangyayari. Kailangan pa natin na kausapin ang mga nakakita ngunit, hindi mo muna sila hahawakan ngayon." Paliwanag ng prinsipal.

"Ako muna ang ha-handle sa mga estudyante mo Sir James," saad ng sekretarya ng prinsipal.

"Habang i-imbestigahan pa eh, ikaw muna sa MadWhite magturo ha?"

"Sige, Sir Prinsipal," tugon ng guro ko.

"At saiyo naman Miss Casella, doon ka pa rin sa Bloodstone lilipat para na rin sa iyong kapakanan. Baka kung ano pa ang mangyari saiyo sa dati mong seksyon kaya hindi ka babalik doon maliwanag ba?"

"Opo Sir,"


As if mayroon pa akong magagawa, at mukhang pumalpak ang gusto ng titser ko na mangyari sa akin, kaso sa huli ay doon pa rin ako pupunta sa seksyon Bloodstone. Ang seksyon na halos isinumpa, bampira, at zombie ang magkakaklase. Hindi raw nalabas ang mga ito kaya walang may tanda ng kanilang itsura na ayon pa sa chismis eh, papalit-palit na rin ang adbayser ng seksyon na ito dahil katulad ng mga babae, hindi na rin nakikita ang katawan. Paglabas namin ni Sir James...


"Mamatay ka na."


Hindi ko alam kung sisisihin ko ang sarili ko na naging kaibigan ko pa si Predrick o dapat ang eksistensya ko?

Ang dati kong seksyon ay PurpleStar, at sa akademyang ito kung sino ang mga kaklase mo sa seksyon ay sila rin ang kasama mo sa dormitoryo. Dahil ililipat na ako ng seksyon malamang kukunin ko na rin ang gamit ko, medyo malayo ang dormitoryo sa mismong pinagkla-klasehan ng mga estudyante.

Nakarating ako sa dorm ng dating seksyon ko, at sinimulan mag-impake. Mayroon naman akong bag na malaki, at de-hila pa ito, ilang undergarments, damit, shorts pati ang mga nabili kong libro mula sa silid-aklatan ay inilagay ko na rin. Hindi ko lang aakalain na mayroong bato sa labas bag ko de-hila...kung sino man ang naglagay eh, hindi nakakatuwa para siyang batang nagpapapansin ng atensyon.

Pagka-alis ko ng bato mula sa bag ko eh, at saka ako lumabas ng dormitoryo namin. Tanging pack-bag at saka de-hila ang dala-dala ko. May isang problema lang...hindi ko alam kung saan ang dormitoryo ng mga taga Bloodstone.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon