STRANGER WIFE OF THE MAFIA BOSS
-TWENTY~TWO-
'LOSING HER FEAR'
HELENA's POV
nakakainis!
Nakakainis talaga!
Padabog akong lumabas sa kotse ni Ate Trea at pumasok na ako kaagad sa apartment. Naabutan ko silang lahat sa sala na nanunuod pero dumeretso ako sa hagdanan.
"Elen, bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Dad nung mapansin akong paakyat na. Tumigil ako sa pag-akyat saka tumingin sa kanila.
Sakto namang papasok si Ate Trea, galit pa rin ang ekspresyon na makikita mo sa kanya.
"Elen tinatanong kita?" basag ni Dad sa katahimikan namin.
"wala kayong pakialam." I mumbled gloomily and continue stepping to the stairs. But I stopped after hearing what Ate Trea says.
"alam mo namang delikado para sayo ang mag-isa sa labas di ba? Pero anong ginagawa mo?" she grumbled.
"wala kayong alam." I said and continue walking.
"huwag mo kaming talikuran, Hel." -Kuya Gister
"alam mo naman ang sobrang pag-iingat namin sa'yo di ba anak?"
dafak! Yun nga eh, nakakapeste lang. Inaalala pa rin nila ang tungkol sa panaginip ko.
"ano ba ang gusto ninyong klase ng pag-iingat? Ikulong ako? Pasamahan sa iba? Ano?" ibinaling ko na ang tingin ko sa kanila.
"iniisip niyo pa rin ang mga napanaginipan ko? Bakit? Naniniwala kayo sa pesteng panaginip na yan? That was just a dream, so why you all expect that when Im dreaming there's something not good will happen? Di niyo ba inisip kung baka coincidence lang yun?" sumbat ko sa kanila.
"then how will you explain your dream before Nami came home. I heard your conversation with Yurika, you dreamt of her right? Napanaginipan mong bigla na lang siyang naglaho di ba? Paano mo~"
"ENOUGH! Wala kayong alam!" hindi ko na kaya. Ayaw ko nang marinig pang lahat yun. Hindi ko kakayanin.
Naiiyak ko silang tinalikuran.
"Elen. . ." mahinang tawag sa akin ni Dad pero nagtuloy-tuloy lang ako.
Ako si Helena Adlerstein Torrel, ang napili ng prinsesa na susunod sa kanyang trono. Akala ng lahat, malakas ako at walang kinakatakutan. Pero di nila alam na napakahina ko at mismong sarili ko rin ang kinakatakutan ko.