SWOTMB I - 🎗#52👏🏻👏🏻😊#290-teen 😁 thanks 😃
NAOMI's POV
Madaling araw nang magising ako dahil sa kunting kaluskos. Pinakiramdaman ko iyon at nagmumula iyon sa terasa ng kuwarto. Tinignan ko ang katabi ko na si Van. Malalim ang tulog niya dahil sa sobrang pagod. Kaya siguro hindi na maramdaman ang kaluskos sa labas.
Kinapa ko ang isang baril na alam kong nasa ilalim ng kanyang unan. Ang Gold na baril ang naroroon. Kinuha ko iyon at dahan-dahan kong tinungo ang bahagi kung nasaan ang terasa. Dalawang bulto ang naaninagan ko mula roon. Ngunit bakit hindi ko maramdaman ang panganib na dala nila?
"Nami?" Mahinang tawag ng isa na nasa labas. Napatayo ako ng matuwid.
Dad.
Maingat kong hinawi ang makapal na kurtina at doon nakita ko nga si Daddy na kasama ni Tito Gray.
Tito Gray?
Wait... H-he's alive?
"H-how?" I asked confusedly while looking at him.
Pero saglit lang iyon dahil kinatok ni Dad ang slidibg door na nagsisilbing harang namin ngayon. Maingat ko iyong binuksan.
"Dad." I whispered. And he hugged me tight. Ngunit saglit lamang iyon at humiwalay din siya agad. At bahagya pang tiningnan ang tiyan ko.
"Hindi kami magtatagal, anak, pinapasabi Lang ni Master na mas makakabuti ngang dalhin ka muna ng asawa mo sa Illian City. At kami na ang bahala sa mga kalaban ng Graeme. Ang kailangan mo lang gawin ay alagaan ang sarili mo at ang magiging apo ko." And after he told me that, Tito Gray patted my shoulder bago siya tumalon pababa. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tahimik itong lumapag sa lupa at maingat na tumakbo papuntang kagubatan.
"Dad. Ho-" but then, he cut me off.
"We'll have a talk after all of these. I need to go, princess!" And he kissed my forehead and jumped off like what Tito Gray did.
"I'm confused, Dad!" Mahinang usal ko habang nakatingin pa rin sa likuran niya habang tumatakbo palayo. "Tito Gray's alive!" So, hindi lang ba ako namamalikmata kahapon nang makita ko si Yanyan na nakatingin sa akin? "But h-how?"
You are in line of assassins.
I stilled nang biglang nag-pop out iyan sa isipan ko. Deym!
Take care of your child, instead!
Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko nang muli ay may boses akong narinig sa isipan ko. I smiled,
you'll gonna be my priority, baby. We'll gonna deal with them after..
"Why are you here?" Dagli akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Van. May hawak siyang red shawl at ibinalabal sa likuran ko paharap. "Malamig dito, at delikado." Nakasimangot pang dagdag niya. Inakay na niya ako papasok, siya na rin ang nagsara ng pinto at kurtina.
"Kanina ka pa ba sa likuran ko? Bakit hindi kita naramdaman?" Nagtataka kong tanong. I really did not feel him.
"Kagigising ko lang, hindi kita maramdaman sa tabi ko eh." At ngumisi pa ang lalaking ito. Napasimangot tuloy ako. "Ano ba ang iniisip mo at hindi mo man Lang naramdamang nasa likuran mo ako, Love? At bakit ka nasa labas?" Pang-uusisa niya bago tumabi sa akin sa kama.