"Trust him with all your heart and do not lean on your own understanding."
-Proverbs 3:5
•••HEL's POV
It's morning already when I woke up at pilit na sumisilip ang araw sa bintana na may makakapal na kurtina. Pupungas-pungas akong bumangon at tinungo ang kinaroroonan ng bintana. Hinawi ko rin ang makapal na tela na nagtatakip rito.
Ang malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na jelocy ng bintana ang bumungad sa akin. Hayyy... Isang araw na naman ang nadagdag sa buhay ko.
Isang araw na naman ng pakikipagsapalaran. Dumako ang mga tingin ko sa aking mga kamay at naalala ko ang pinagawa sa akin ni Ate Nami sa mga lalaking nakalaban namin sa eskinita. Hindi naman iyon ang una na kumitil ako, maraming beses na, ngunit sa kaalaman ng pamilya namin ay hindi ko pa nagagawa ang bagay na iyon. Pero, iyon ang una na baril ang ginamit ko sa pagwawakas ng buhay, palaging close combat kasi ang ginagawa ko at kakampi ko ang katana ko na bigay pa sa akin ni Master.
Marami pang bagay ang tumatakbo sa isip ko pero natigil ito nang marinig ko ang tunog ng sasakyang ginamit namin ni Ate Nami kagabi. Lumabas siya?
Dagli-dagli akong tumakbo palabas ng attic at bumaba sa sala. Naabutan ko siyang isinasara ang pintuan at nagimbal ako sa nakita kong kalagayan niya,
"Oh my gash! Ate! What happened?" Nataranta ako. Hindi ko alam kong saang bahagi ng katawan niya ako titingin ngunit nang dumako ang tingin ko sa kanyang mukha, inirapan niya ako!
What da?
Iirapan lang ako?
"ATE! WHAT THE H•ELL HAPPENED? The F, your arm is bleeding." Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Shut up, inferno!" Malumanay na sagot niya na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko sa kamay. S_hit,
Bakit ba kasi baligtad ang epekto ni Ate sa mga tao. Mas nakakatakot siya kapag nagiging malumanay siya eh. Tsk!
Pinanood ko na lang siya kung paano niya nilinis ang kanyang kanay na patuloy sa pagdugo. Ano ba kasing nangyari?
"Saan ka ba nagpunta ate? Iniwan mo pala akong mag-isa rito kanina." Sunod ko sa kanya sa sentro ng sala at umupo sa pang-isahang sofa sa harap niya.
"Shut up, inferno."
Sabi ko nga titigil na ako. Ini-zip ko na lang ang mga labi ko nang titigan niya ako ng parang wala lang.
Urrrghh, kaya pala mas gusto nila sa Residence na palaging parang dragon si Ate eh. Mas nakakatakot siya kapag ganito ang inaakto niya, nagtatayuan mga balahibo ko sa katawan.
Pa-relax-relax na lang akong umupo sa sofa at pinapanood ang anumang ginagawa ni Ate sa harap ko.
Nang malinis na niya ang sugat niya sa kamay ay napansin kong galing iyong sugat sa isang matulis na bagay. Mga one and a half inches iyon.
"DAGGER!" Bigla kong naibulalas sa harapan niya, at doon naman natigil si Ate sa akma niyang pagtatahi sa sugat niya. Sinamaan niya ako ng tingin.
Napalunok ako, "sino gumawa niyan sayo, Ate?" Tanong ko.
"A douche." Simple niyang sagot.
"A douche, who's he?"
"No one. He's nothing! Just ignore it." Walang kabubay-buhay na tugon nito sa taning ko.
A-ate? W-what's happening to you? At bakit wala pala siya sa asawa niya? Bakit hindi niya kasama ang kuya ni Je? Bakit siya nandito? Ang daming tanong, ngunit ano nga ba ang mas nararapat na itanong sa kanya ngayon?