*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•
"Always believe that something wonderful is about to happen." - Bob Ong Qoutes
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*HELENA's POINT OF VIEW
"NASAAN ang case ng katana mo, Hel?" Biglang tanong ni Ate Nami.
"Nalaglag ko kaninang may humila sa akin, bago ako makaakyat sa pader, ate..." Pagpapaliwanag ko sa nangyari kanina. "A-ate, pahinga muna tayo. Sumasakit na iyong paa at tiyan ko."
Tumigil naman kami at umupo sa isang malaking ugat ng puno.
"Naka-kain ka ba kanina?" Tanong niya ulit sa akin, nakita kong humawak siya sa tiyan niya. Nagugutom na siguro siya.
Hayy! "Hindi ko natapos yung kinakain ko,"
"Ako rin" ha? Siya rin? "Bigla kasing dumating si V-van eh, pinipilit na akong umuwi na!"
"Eh?" Bakit nga ba hindi siya sumama? "Nag-away ba kayo?" Naku-curious ako sa lagay ng relasyon nila.
"Hindi... P-pero... Hayy... Tumayo ka na diyan, kailangan nating makalabas dito bago pa man magdilim."
Kita mo ito? Mambibitin ng kwento tapos iiwan din ako.
Napadpad kasi kami sa kakahuyan, nasundan kasi kami kanina kaya dito kami napasok ni Ate Nami para iligaw sila... Pero ang problema, kami ang naligaw. Tsk!
"Ate." Twag-bulong ko sa kanya. Pareho kaming natigil sa paglalakad. "May parating." Sabi ko saka pinakiramdaman ang paligid namin. Matapos ay tinuro ko ang daang tinatahak namin. "Dalawa."
"You sure?"
"mmm.." Tatango-tango ako sa kanya.
"Sa taas!" Tinulak niya ako papunta sa isang malaking puno at siya naman sa isa pang puno. Mabilis kaming umakyat at nagmanman sa ibaba.
"Ateee...." Tawag ko sa kanya saka ko tinuro ang dalawang lalaking armado sa di kalayuan. Pero napapa-iling si Ate na parang disappointed pa. Ha?
Inilahad niya sa akin ang apat niyang daliri bago niya itinuro sa ibaba na malapit sa amin. Tumingin ako roon at may nakita pa akong dalawang armadong lalaki.
Kaya naman sinimangutan ko siya. Nginisian naman niya ako. Asar! Apat pala sila. Tss!
Tumingin ako sa ibaba at saktong sa ibaba pa namin sila tumigil at nagpalinga-linga sa paligid. Pinanood lang namin sila hanggang sa nagsama-sama na silang apat sa ibaba namin.
"Ano? May nakita ba kayo?" Tanong ng pinakamalaki sa kanila. Malaki ang katawan at punakamatangkad. Siya rin ang may Pinakamalaking dala na baril. Urrgh...
Sabay-sabay namang sumagot ang mga kasama niya ng 'wala'.
"Tignan ninyong mabuti, imposibleng wala!" Utos ulit nung pinakamalaki sa kanila.
Ano bang hinahanap ng mga ito?
o.o)b ... Halla! Baka kami ni Ate Nami ang hinahanap?
Tumingin ako kay Ate at napasimangot ako nang prente lang siyang naka-upo sa sanga ng puno at walang ingay na pinapa-sway pa ang mga paa habang pinupunasan ang katana ko gamit ang kaliwang kamay niya, na dahilan upang mabahidan ng dugo ito.
Amazing! J-just amazing!!! Tss.
I did not expect na hahawak pa siya ng ganyang bagay na hindi man lang nanginginig. Bihasa naman siya sa paggamit ng lahat ng weapon pero takot siya noong humahawak ng mga ganyan eh. Tingnan mo nga naman, oh! Tss, tss, tss.