*•*•*•*•*
Small streams of Caring,
Become a pool of Love.
•+•+•NAOMI REIKA's
Mahigpit na kapit sa braso ng aking asawa ang aking ginawa nang papasok na kami sa conference room ng kanilang Mafia den. Hindi ko maintindihan ang sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Be calm, Love." Bulong pa nito sa akin. Naramdaman niya siguro ang tensiyon sa akin.
Tss! I am going to face Mr. Graeme again! I am not yet ready to see him.
"Please don't tell him what you know." Mahinang bulong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
I heaved for a relief, iba kasi ang effect sa akin ni Mr. Graeme. Hindi pa rin nawawala ang takot ko sa kanya tuwing alam kong makakaharap ko na ulit siya.
Sa loob ng conference ay naabutan namin ang anim na tao. Nakilala ko roon sina Mr. Graeme at Trina. Mayroon silang pinag-uusapan na hindi ko maintindihan dahil iba ang gamit na lenggwahe. At nang mapansin na nila kaming papasok ay natigil sila sa usapin saka nila kami nilingon. Lahat ng kanilang atensiyon ay nasa amin, ramdam na ramdam ko ang kakaiba nilang titig.
"Everyone, good evening!" Pormal na bati ni Van sa kanila. Bigla siyang nagseryoso at bago kami lumapit sa mahabang mesa ay hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Pinaupo niya ako malapit sa kanyang ama bago siya tumabi sa akin. "Spill!" Tila isang haring utos niya na parang alam na ng kanyang mga tauhan ang gusto niya.
Isang lalaki ang tumayo ng tuwid, sa kanyang tindig ay halata kong may halo siyang banyaga. "My son have committed a crime against the sacred rule. He took one of them, and in return they took him." Kalmado niyang pahayag sa lahat.
So, he's Denver's dad. hmmm...
Ano kayang batas ang nilabag ng lalaking iyon? Tss. Ngayon ko lang talaga pagsisisihan ang hindi ko pag-attend sa klase ko kay Tito Gray noon sa history. Wala tuloy ako maintindihan ngayon. What's the sacred rule? Eh!
Matapos magsalita ang Dad ni Denver ay may isa namang babae ang tumayo na may pagkakahawig kay Katrina. So I assumed, she is Trina's mother. "Not only Denver have done something, Master!" Medyo may pagka-sarcastic naman niyong sabi. "The mess got worst simula nang binura natin ang Matrix Auction!" Pagsusumbat niya.
Nanigas ako sa isiniwalat niya. Sila and dahilan...
Nawala si Yanyan dahil sa ginawa nila...
Nilingon ako ng aking asawa dahil sa natamdaman niya ang paninigas ko. Naghahabol na rin ako ng aking hininga. Nagtitimpi sa nararamdamang pagwawala...
"Are you alright?" Nakangunot niyang tanong sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at doon ko naman nakita si Mr. Graeme. Nakita ko ang pagkakabalisa niya. I glared at him.
This is all because of you... I lip synched in the air. Napamulagat siya nang maintindihan niya ang ikinilos ko. You'll gonna pay for it...
"There's lot of mistake in my works, I think I need to wipe them out. As. Soon. As. Possible." Malakas at kalmado kong singit sa usapan nila. Ang tono kong ito na palaging ipinagbabawala noon sa akin ni Van at ang tonong ginagamit ko na ikinakatakot ng pamilya ko. At nagyong kaharap ko si Mr. Graeme habang nagsasalita ay nakita ko ang takot sa kanya.