Bagong araw. Bagong araw na naman ang kakaharapin namin. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay ramdam ko na ang pamimigat ng aking katawan. Tinatamad na bumangon, o kahit ang kunting paggalaw man lang ay ayaw kong gawin. Kung ano ang posisyon ko pagkagising ay iyon na yun."Love," iginiya ko ang mga paningin ko sa asawa ko. Papasok siya sa kuwarto at dala-dala ang tray ng pagkain. Hindi ko siya kinibo at sinundan lang ng mga paningin ko ang mga galaw niya.
Bakit mo ginawa iyon, Van?...
Tumabi ito sa akin sa kama at inayos ang pagkakahiga ko na may kunting pag-angal. Tinabig ko siya palayo at naiinis na lang na nagtalukbong ng kumot. "Bangon ka na, please! Kain ka na para makainom ka ng vitamins at milk mo." Naglalambing sambit niya. Hinawi niya ang kumot saka ako tinabihan sa paghiga. "Alam kong naiinis ka na naman sa akin..." Sabay himad niya sa munting umbok sa tiyan ko.
Tinabig ko iyon palayo sa akin saka ko siya galit na nasipa sa paa. Umangal siya sa ginawa ko, "naligo ka na ba, huh?"
Nanlalaki ang mga mata niyang umalis sa kama, "kakaligo ko lang Love! Kagabi mo pa pinupuna ang amoy ko, mabango naman!" Asik niya.
"Mabaho! Mabantot!" Nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot at tamad na tamad uling humiga sa kama.
Naririnig ko pa ang mga angal niya patungkol sa kanyang amoy. Kabaliktaran naman daw ang naaamoy niya sa naaamoy ko! Heller! Nakalimutan na ata ng asawa na buntis siya!
Pumasok na lang siya sa banyo matapos sabihin lahat ng reklamo niya, dala-dala pa ang towel niyang cartoon character ang print! Nang masilip kong sarado na talaga ang pinto ay nagmadali akong bumangon at kumuha ako ng dalawang dagger sa drawer saka lumabas ng kuwarto, kahit kinatamaran ko ang paglalakad ngayon.
Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Riel na may tinitignang malaking blue print na nakapatong sa malaking mesa sa sala. Nandoon lang ang atensiyon niya kaya dahan-dahan akong naglakad palabas sa likod ng bahay. Pinakiramdaman ko rin kung nasa malapit lang si Trina, but luckily, narinig ko siyang busy sa kusina.
Minadali ko ang pagtungo sa kakahuyan, kung saan ko nakita sila Daddy. Ngunit, wala sila. Nagpatuloy pa ako papasok sa kakahuyan hanggang sa makarating ako sa ibaba na nang kakahuyan sa may gilid ng isang liblib na kalsada.
Sa layo nitong narating ko, alam kong natataranta na sila ngayon sa bahay. Pero bahala sila doon! I need to do this on my own, kahit na tinatamad ako ngayon ay gagawin ko ito.
Kung ganoon lang sana sabihin sa asawa ko na isa akong Adlerstein ay mas less hassle sana. Ngunit, hindi basta ganoon na lang iyon, lalo pa't may sama ako ng loob sa kanya dahil sa pagpapasabog niya sa Matrix Auction. Hindi ko pa siya kayang kausapin tungkol doon, dahil hindi ko pa kayang isipin ang sinapit ng kapatid at iba ko pang kapamilya.
Napatingin ako sa kalsada at para iyong daan na napag-iwanan na. Medyo bako-bako na ang ispaltadong kalsada at malago ang mga ligaw na damo sa gilid. At sa kinaroroonan niya ay medyo tago dahil sa isang sanga ng mangga na nakatumba na umabot pa sa lupa.
Luminga-linga pa ako at nakiramdam sa paligid ko. Mapayapa! Pero iyon ang mas nakakaba. Mas payapa, mas maraming panganib!
Paranoid!
Napasinghal ako sa sarili dahil sa isang tinig na lumabas mula sa isipan ko!
Napatingin ako sa pinanggalingan ko at narinig ko ang boses ni Van mula sa kakahuyan, tinatawag ako. Patay!
Sana pala itinakas ko na lang ang isang sasakyan sa garahe! Tan ga din eh... Tsk!
Isang mabilisang pagmamasid pa ang ginawa ko bago ako tumakbo palayo. Kinapa ko ang dalawang dagger na dala ko, just in case of. And, kahit na hindi ako sure kung sa main road ang tungo ko ay nagmadali pa rin ako para hindi ako maabutan ng asawa ko.