•:•:•:•:•:•:•:•
Braveness is a product of love!
•:•:•:•:•NAOMI REIKA's
Nakasimangot kong tinititigan si Helena habang nakangiti ito sa akin ng may pag-aalinlangan. Sinamaan ko siya ng tingin nang makita ko pa ang hawak niyang black morocco folder.
"What did you do, Helena?" Seryoso ngunit kalmado kong tanong sa kanya. Namewang ako at inagaw ko ang hawak niya. Lahat ng laman ng folder ay tungkol sa akin, all of it are legit.
"H-hindi ko naman k-kasalanan, Ate, eh!" Pagtatanggol niya sa sarili.
"Tss! Hindi mo sinunod ang utos ko!" Pagalit kong sabi bago ko sinulyapan ang bangin. May makapal na itim na usok doon, nanggagaling ito sa ibaba.
"Sinunod ko po kaya. Ayan na nga oh, hawak mo na ang mga ebidensiya niya!" Aba't! Nagtaray pa ang batang ito. Demonyita nga talaga! "Iyong pagkahulog niya? Hindi ko iyon kasalanan yun, ah!"
"He's surely dead by now."
"Uhuh! Sa lalim nito, Ate? Wala talagang mabubuhay sa sino mang mahuhulog dito!" Sagot niya. Sabay naming binalingan ang bangin. Malakas na apoy ang nakita namin roon na nagmumula sa isang kotse. "Sori, ah! Hindi ka kasi magaling sa kurbahan eh!"
"Helena!" Suway ko. Ang batang ito talaga!
"Ano bang nangyari at nauwi sa ganyan?" Tanong ko na lang. Hinanap kasi niya ako kanina matapos niyang gawin ang pinag-uutos ko at ibalita sa akin ang nangyari.
"Di ba nga, Ate, sabi mo kunin ko ang mga lahat ng mapagpapatunay na isa kang Adlerstein kay Kuya Gringo. Eh, nag-ninja moves ako sa bahay niya pero nung paalis na ako ay bigla akong tinahulan nung aso niya at nagsalita iyong salbahe niyang parrot! Sabihin ba namang pangit daw ako na magnanakaw tapos ayon nakita na ---"
"Just get straight to the point!"
"Iyon na nga, Ate! Nakita niya ako, kaya ayon tumakbo na ako." Kuwento niya na may aksiyon pa. Hayyy...
Napatampal ako sa aking noo sa inaakto niya. Napakasakit pa rin talaga sa ulo ang pamilya ko! Wala na talagang pag-asa na magbago pa sila!
"Hinabol pa ako hanggang sa makarating na nga kami dito sa bundok! Eh, hindi pala siya magaling dito sa kurbahan, ayan nahulog na ang kotse niya!" Pag-eesplika niya.
"Tss! Oh!" Pahampas kong balik sa kanya ang hawak kong folder. "Sunugin mo. Umuwi ka na at burahin mo lahat ng footage mo. Maghanda kayo! Hindi matatahimik si Trina kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari." Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako pabalik sa motor niyang dala namin.
"Eh! Hindi naman niya malalaman na may kinalaman ako dito!" Habol niya. Sinundan niya ako sa sasakyan.
"Tss! Bahala ka. By the way, hawak ninyo si Denver Crimean? Paano niyo siya nakuha? Inubos ninyo ang mga tauhan niya." Sunod-sunod na Tanong ko sa kaniya. Iniiwas niya ang tingin sa akin. Kahit na madilim dito sa kinalalagyan namin ay nakita ko ang pagkabalisa sa kanya. "Helena Torrel, look at me!"
"Tss! Kasi naman..."
"Sino ang kinidnap niya?" Pag-iiba ko na lang ng aking tanong. Mukha pa namang ayaw niyang sagutin ako.