SWOTMB #36

4K 130 33
                                    

Warning: NAKAKANGINIG 🔫😈

February is 💔💔💔
🔫🔎🚺➡️🚻🔙⚠️🔫

"Never explain yourself to anyone. Because the person who likes you doesn't need it. And the person who dislike you won't believe it." - www.awesomequotes4u.com

•••••••••

After a bit, I finally stop. And I am now feeling dizzy, So I gracefully went to the Comfort room to freshen up myself a little.

"F•ck, that whiskey!" Sadyang mabagal lang pala ang epekto ng alak sa akin. Tsk!

Sa tulong ng kunti pang katinuan, narating ko ang palikuarn ng club. Tulad ng dati ay ganoon pa rin ang itsura nito. Walang pinagbago. Hindi masyadong naririnig ang ingay sa club at saktong wala akong nakasabayan sa loob. Deja vu!

Humarap ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili, wala namang pinagbago, uhmmm. Maliban sa mga kakaunting pawis sa mukha at namunulang mata dahil sa alak ay wala nang iba.

Naghilamos ako para matanggal ang make up sa mukha ko. Ngunit hindi ko na mapagtatakpan pa ang pamumula ng aking mga mata.

Mapusyaw man ang kulay pula sa mata ko, ngunit ang dugo ang pumapasok sa isip ko!

Maybe, its time!

Pero paano si Van?

Van?

Napapikit ako nang maalala ko siya. Hindi! Napailing ako. Huwag mo siyang isipin, Nami. Mas mahalaga ang pamilya mo, sila ang isipin mo!

Pero paano kung bumalik na siya sa bahay?

Hayyysss! Stop it Nami.

Huwag mo siyang isipin. Huwag! Huwag! Huwag! Huw-

"kyaaahhhh! Did you see him, Myla? Oh my geee! He's so gwapo talaga. And know what? Kinausap niya ako. OMG talaga."

Nawala ang mga bagay-bagay na tumatakbo sa isip ko nang biglaan ang pagpasok ng dalawang babae sa comfort room. Lalo pa't nakaka-distract ang napakatinis nitong pagtitili.

"You don't have to tell me that, jackie. Oh my bii, I am with you all the time, duh!" Sarkastiko namang turan ng kasama na tinawag na Myla.

"You're so nakakaasar talaga, bii. Pero ang gwapo talaga ni Glenn di ba?" Pangungulit naman nitong Jackie.

""Yeah yeAh, whatever!" Asar na sagot nitong Myla.

Pero sino nga bang Glenn yan? Ang asawa ko ba? Tsk! Baka iba?

Nangunot ang aking mga noo. At ano namang gagawin noon pala dito? Niyaya nina Riel at Denver? Tsk!

Tsk! Tama na nga yang pag-iisip mo diyan sa asawa mo, Nami.

Sa halip na makinig sa walang katuturang bagay , mas makakabuti pa kung aalis na ako rito.

Tulad ng pagpasok ko kanina, sa likuran ako dumaan. Patingin-tingin ulit sa akin ang mga tauhang busy sa mga kanya-kanyang gawain sa kusina.

Pagkarating ko sa gilid ng club malapit sa entrance ay napatigil ako nang makita ko si Eyashie. Kakababa lang nito sa kanyang kotse, maganda ang ngiti, hapit na hapit ang napakaikling damit na suot at pulang-pula ang kulay nito.

Pasimple akong lumapit sa likuran ng sasakyan niya. Hindi niya iyon napansin! Ikinatutuwa ko iyon.

Nang mag-umpisa na siyang maglakad papasok sa Zapfino club ay nilugay ko ang buhok KO. at dahil sa pag-kakabraid ko dito ay naging kulot ang mga hibla nito. Pumasok ulit ako sa club at hinanap ng aking mga mata ang kinaroroonan ng babaeng iyon. Hinding-hindi siya makakaligtas sa akin!

SWOTMB I: Stranger Wife of The Mafia Boss ®©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon