SWOTMB I: fourty-six

3K 85 0
                                    


•:•:•:•:•:•:•:•
Nothing is impossible
to a willing heart!
•:•:•:•:•





NAOMI REIKA's

"Hinding-hindi kayo magiging masaya! Hindi.... Papatayin ko ang batang ito!" Sigaw ng isang babaeng walang mukha sa harapan ko.

Binuhat niya sa paa ang sanggol at ibinitin patiwarik. Iyak ng iyak ang bata at nasasaktan ako ng labis sa ginagawa niya. Napapaiyak ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko para sa batang walang awa niyang pinapatuwarik.

"H-huwag! Huwag mong idamay ang b-bata! M-maawa ka sa kanya! H-huwag mong saktan ang a-anak kooo!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Kahit gustuhun ko mang lumaban ay hindi ko magawa sapagkat nakakadena ako sa isang dingding. Pilit akong kumakawala pero parang walang nangyayari!

Tumingin ako sa batang namunutla na sa kakaiyak! "A-anak ko!"

Wala akong ibang iniisip kundi ang bata. Gustong-gusto ko na siyang kalungin at patahanin. Nasasaktan na ako sa lakas ng kanyang pagtangis. Napakasakit na marinig iyon. Nang napako sa akin ang tingin ng bata ay pilit niyang inaabot ang kamay sa akin. Pilit ko rin siyang inaabot ngunit hindi maaari sapagkat malayo siya sa akin.

"Magpaalam ka na sa pinakamamahal mong anak, Reika!"

Tumatawa pang sigaw niya sa akin. Nang akma na niyang babarilin ang bata ay doon ko naaninag ang kanyang mukha. "E-eyashie!"

"N-no. Nooooooooo. Not my soooon!" Pilit na akong kumakawala sa pagkakatali ko. Sa pag-iyak ng bata ay siyang pinakasakit na damdamin ang naramdaman ko. Napapikit ako sa wala akong magawa para iligtas siya.

Nakarinig ako ng putok ng baril. Katahimikan ang nanaig sa paligid.

'He's gone!'

Tahimik akong napapaiyak sa isipang wala na siya!

Ilang sandali pa ang pananaig ng sobrang katahimikan hanggang sa isang masayang halakhak ng bata ang narinig ko. Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita ang asawa ko na kalong ang bata. Tumatawa ito habang nilalaro niya ang anak namin. Napakagandang tanawin!

Tumingin sa akin ang bata, ganoon rin si Van. Masaya siya. Ramdam ko iyon! Nawala na iyong sakit na dulot ng pag-iyak ng bata.

"Ligtas na ang baby natin, love! Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal ka namin!"

Ngunit ganoon na lang ako nabahala nang biglang maglakad palayo ang asawa ko na buhat ang anak ko.

"W-wait... Wait for me!" Habol ko sa kanila. Pero hindi ko na sila naabutan. Lumingon ako sa pinanggalingan namin. Madilim!

T-teka! H-hindi ba't nakagapos ako kanina? A-anong nangyari?

Pinagmasdan ko ang mga kamay ko at marami itong sugat at may tumutulo pang dugo. Naramdaman ko ang biglabg pagkulo ng aking sikmura na para akong nasusuka!

Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ko nang malaman kobg nasa sementeryo ako ng mga Adlerstein! Nakikita ko roon ang mga nag-iiyakan kong mga kapamilya. Nilapitan ko sila! Nakita ko si Helena na nakabistida ng puti ngunit nakatalikod siya sa akin. Alam kong siya iyon sa tindig pa lang niya.

SWOTMB I: Stranger Wife of The Mafia Boss ®©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon