A/N 😊: sensia na po sa matagal na paghihintay. At ngayon ay bakasyon na namin! Na hindi ko naman masasabing bakasyon kasi maghahanda naman ako for my OJT! 😵😵 ,kaya heto na lang muna!may sunod na UD agad pag di ako busy.
Marami pong takatenggang chapters ang SWOTMB pero kasi kulang-kulang lang siya, hindi ko naman po matapos-tapos kasi busy. ☺️✌️•••••••••••••••••••••••••••••••••
"Magpaparamdam tapos biglang nawawala. Paasa talaga". -Bob Ong Quotes
*********************************
NAMI's POV
I missed you!
Tsk! Kalukuhan. Kung nami-miss niya talaga ako, hindi na niya ako iniwan kanina. Sana hindi na siya umalis pa! Nakakainis.
Tinignan ko ng masama ang butler na nasa harapan ko. Walang kwenta, akala ko pa naman alam niya lahat ng nangyayari sa amo niya.
"Kung anu-anong sinasabi mo! Diyan ka na nga, at kung dadating man yang amo mo, huwag na huwag mong papapuntahin sa kuwarto KO." Pag-e-emphasize ko pa sa 'KO' para intense at ma-sense niyang inis ako.
Dali-dali akong umalis at nagtungo sa kuwarto. Pabagsak kong sinara ang pinto saka iyon nilock. Double lock!
Tumakbo ako papunta sa kama at tumalon padapa doon... "Urrrggghhh! Ano bang nangyayari sayo Van? Bakit palagi mo akong iniiwan?" Sigaw ko. Sinuntok-suntok ko pa yung unan.
Hindi ko na nagugustuhan ang pinag-gagawa niya. Ni hindi man lang niya kasi ipaalam sakin kung asaan siya o kung ano na pinaggagawa niya sa buhay.
Kaya Kapag hindi pa rin talaga siya magpaparamdam, gagawin ko na kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. At nang makabalik na ako sa pamilya ko, at maging maayos ulit ang takbo ng aming residence.
Tatapusin ko na lang agad ang deal namin ni Mr. Graeme para ibalik na niya ako sa pamilya ko at nang may magawa pa ako para maligtas sila.
At si Van? Ang aking asawa? Bahala na siya sa buhay niya! Tutal naman iniiwan niya lang naman ako ng basta-basta rito sa bahay niya. And in the first place, ayaw niya akong maging asawa. Sa kanya na iyon nanggaling, at wala lang siyang magawa dahil sa kanyang takot kay Mr. Graeme.
Tsk! Ang bitter ba? Hindi naman.
HELENA's POV
"Ano ba Je? Please naman oh, gusto ko lang naman makita si ate Na- ate Eika!" Naiinis na na sabi ko kay Jenus Lei. Ilang linggo ko na ba kasi siyang kinukulit? Two? Three? Haysss! I lost count.
Gustong-gusto ko na kasing makita si Ate Nami, ang dami kong gustong sabihin sa kanya at kailangan ko ang tulong niya. Ang kaso, hindi ko alam kong nasaan na siya. Kaya ito't kinukulit ko si Jenus kung saan dinala ng kuya niya ang Ate ko.
"Bakit ba gustong-gusto mo siyang makita?" Naiirita na rin niyang tanong sa akin. Bakit kasi hindi nalang niya sabihin!
"Eh, sa gusto ko siyang kamustahin. Tiyaka nami-miss ko na siya! Masama ba iyon? Kung sana sinabi mo na noong una pa lang na nagtanong ako, edi sana hindi ka naiirita sa kakatanong ko." Inis na turan ko sa kanya.
"Hays! Babe, hinding-hindi mo na makikita ulit si Ate Eika, ok! So kalimutan no na lang siya. At tyaka pa, paano mo siyang mamimiss eh, isang araw lang naman kayo nagkakilala, that's so impossible, Babe! Kalimuta-"