SWOTMB I:fourty-nine

3.6K 100 9
                                    





NAOMI REIKA's

Nang magmulat ulit ako ay nakita kong alas tres na ng madaling araw. Nang bumaling ako sa tabi ko ay wala roon si Van. Pinilit kong umupo at hinagilap siya sa kinaroroonan niya kanina. At nandoon pa rin siya sa sahig na nakaupo at nakasandal sa kama. Busy sa pag-i-internet sa kanyang laptop. May note pad pa sa kanyang tabi.

"Bat andiyan ka pa rin? Di ba sinabi kong lumipat ka sa table?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tinulak ko ang pagmumukha niya. Naasar ako!

"Nagugutom ka ba, Love? May gusto ka bang kainin?" Tanong niya habang inilalapag ang mga gamit sa sahig. Tumabi siya sa akin sa kama at niyakap ako. "Carbonara or . . . Me?" Urrrgh!

"Doon ka na nga! Matutulog pa ako, huwag kang mang-istorbo kung ayaw mo pang matulog."

"Yes love! Matulog ka na, maaga tayo mamaya sa doctor." Paalala pa niya. Ano ba yan!

"I'm fine okay. Hindi na natin kailangang pumunta pa doon. Natingnan na naman ako ng doctor kahapon!" Naiinis na reklamo ko sa kanya. Kasi naman, doctor na naman!

"Hindi naman ikaw ang iche-check, love! Iyong baby natin." Urrgh. My heart's thumping!

Dugdugdugdug! Deym! Why does "baby natin" sounds so good to hear? Urrgh!

Pero kahit na! Sa ayaw kong pumunta ng ospital!

"Doon ka na nga! Mautulog pa ako. Tiyaka! Ang pangit mo! Lumayo ka dahil naiinis ako sa pagmumukha mo." Namumulang tulak ko sa kanya palayo.

"Love!" May pagtatampo niyang suway sa pinagsasabi ko. Ayaw pa niyang lumayo. Matatadyakan ko na naman siya neto, eh!

Siguro nga siya ang pinaglilihian ko. Pinag-iinitan ko siya eh! Sana naman hindi niya maging kamukha ang baby. Kapag nangyari iyon, ipapatapon ko siya sa AR underground! "Alis na diyan!" Panunulak ko pa sa kanya. Napapailing nman siyang tumayo at binalikan ang mga gamit at inayos sa table. Bumalik at tumabi lang din siya sa akin matapos. "Tsh! Tumabi ka pa!" Sabay tulak ko nanaman  sa kanya palayo sa akin.

"Huwag ka nang maingay, pinupuyat mo si baby." Suway niya pa saka hinimas ang maliit at hindi pa halatang baby bump sa tiyan ko. Sabi namna ni Grandpa Lau, dalawang buwan pa lang naman ang buhay na nasa loob ko. "Diyan ka na lang muna, baby, huh! Huwag mong pahirapan si Mommy. Paglabas mo na lang!" Nahampas ko naman siya nang wala sa oras. Puro kalukuhan! Tsh.

Natigil naman siya sa pangungulit nang mag-ring ang telepono sa side table. Nasa gawi ko iyon kaya ako na ang sumagot... Errr, kumuha pala. Hindi ako nagsalita.

"Anak! Naomi!" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang nasa kabilang linya. "Nami!" May kalungkutang tawag pa niya. Napa-upo ako nang wala sa oras.

"M-mom! M-mommy!" Nakakabigla ang pagtawag niya. Sinulyapan ko si Van and he's just looking at me while hugging my waist. "H-how did you know?"

"Ako nga!" At tumawa pa siya na parang nagbibiro. "Im not the one should explain! You have a lot of explaining to do, my daughter." Sabi na niya ng may otoridad. I know ma!

"I know, mommy. Bakit sa ganitong oras kayo tumawag?" Sabi ko. Nakakapagtaka! Ayaw na ayaw niyang tumatawag sa mga ganitong oras.

SWOTMB I: Stranger Wife of The Mafia Boss ®©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon