Chapter 12

1.9K 53 5
                                    

Chapter 12:

Napakatahimik ng lugar pero hindi parin sapat para maibsan ang takot at kabang nararamdaman niya ngayun. Apat silang naatasan para hanapin ang lugar na pinagtataguan ni Villasis. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang magagawa. An image of his laūughing wife and son was far more important. He scanned the horizon once again. Everything's quiet. Ilang milya na lang ang layo para marating nila ang pinagtataguan ni Villasis. Hindi lang iilang ulit silang na iligaw ng mga espiya para proteksyonan lang ang pamilyang iyun. Mabuti't may pagka bupol itong si Villasis at tinakasan nito ang taga-bantay. Mas na pa bilis nito ang trabaho nila. Bakit ba nag papakahirap sila para lang sa walang kwentang bampirang iyun? Sinenyasan niya ang isa sa kasamahan niya. Hudyat iyun para sumalakay.

Napahinto siya bigla.

The wind shifted. He jerked his head up towards the east.

He closed his eyes. He heard it even in great distance - the faint rustling and shifing of bodies. Damn, his ability!

His comrades did the same, they held themselves perfectly still. Blending against the shadows, blending against the wind. Concealing their presence and scent.

Alam niya na ang dalawang espiya ang paparating. Alam din niya ang kakayahan ng dalawa. Nasa daliri lang ang bilang ng mga bampirang nakakatakas sa maraming dekadang nakalipas kaya silang apat ang napili at napag-atasan para sa misyong ito. Malaki ang tsansa nilang makuha ang misyon. Hindi sila mag papatalo para sa kasamahan at para na rin sa asawa't anak na naghihintay sa pag uwi niya.

Then again the wind stirred.

Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan, two dark blue pools staring at him na para bang nakikita siya nito. Which is impossible. His hackles rised. Gusto man niyang ibaling ang tingin sa ibang direksyon ay di niya magawa. Patuloy parin itong nakatingin sa kanyang mga mata na para bang may hinahanap. He felt a tinged of warm bubbling inside him and that instant he swear he saw his wife hugging his son - tears running down in her beautiful face. Somehow he felt her pained. His chest tightened. Na nawala rin bigla kasabay ng pag-alis ng espiya. Desimuladong nakatunghay siya pabalik sa pinag tataguang bahay ni Villasis.

Na dismaya siya ng makita niya ang paglabas ni Villasis na akay-akay ng isang espiya at ang biglaang pag sulpot ng isa pang espiya - ang espiyang kaharap niya kani-kanina lang. May sinabi ang ito sa dalawa. Kitang-kita niya buhat sa kanyang pinagtataguan ang takot sa mga mata ni Villasis. Habang ang isa naman ay nakatingin sa gawi ng mga kasamahan niya. Paanong? Pero hindi! Wala siyang dapat ika-bahala. Nasisiguro niyang hindi pa nito alam ang saktong lokasyon nila. Muling pumasok ang dalawa sa loob habang ang huli ay naiwan sa labas. Hindi niya alam kung bakit pero parang may mali. Kinakabahan siya na di niya mawari. Ipinilig niya ang kanyang ulo. He have to do this for his family. Nag bigay siya ng go signal sa mga kasamahan niya. Ito na ang oras para umatake.

Mabilis na kumilos ang kambal na kasamahan niya habang ang isa ay nag paiwan para linlangin ang kalaban para sa mata ng espiya ay wala itong maririnig at makikita kundi puno at lupa lang. Papalapit na ang mga kasamahan niya ng mag angat ng ulo ang espiyang naka-bantay, litaw na litaw ang mala demonyong pag silay ng mga mata nito kasabay ang pag hagis nito ng dalawang kutsilyo sa ere. Baliwala lang dito ang ginawa ni Jay na Illusion technique. Mabuti't na ilagan ng dalawa ang unang pag atake at ang sunod-sunod na pag papa-ulan nang kunai ng kalaban ganun din ang sa huli bawat ataking ibinibigay ng dalawa ay mabilis din nitong na iiligan. Masyado itong mabilis patunay ang ginagawa nitong pag iwas sa mag kasabay na ataki ng kambal. He deflected the attack so easily. Ang kakambal na sina Finn at Pinn ang maituturing niyang pinaka-mabilis kung hindi lamang niya nakita ang katunggali nito ngayun.

Everything happens in a blur..

Tumilapon sa ere ang espiya bagama't maayos itong nakatungtong sa lupa ay di nito ma itatago ang malalim na pag hinga tanda na pagod na ito at sa kasamaang palad ganun din ang kambal na sina Finn at Pinn.

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon