Chapter 7:For you to notice!

2.1K 50 0
                                    

Chapter 7: For you to notice!

 .........

.........

Hindi na talaga maintindihan ni Zero kung bakit galit siya ng hindi niya na abutan si Eon kanina at hindi ito nag paalam sa kanya at tinanghali pa ito ng makabalik.. Hinintay talaga niya ang pag balik nito sa loob ng kwarto.......

.........

 "where have you been?".. Naka pamaywang na nakatayo sa harap niya si Zero pagkadating niya.. hindi na siya nagulat dahil naramdaman niya ang presenya nito..

 "Uhmm..galing ako kina tita.. kinuha ko lang to at ito".. iwinawagayway pa niya sa harap nito ang bote na naglalaman ng blood tablet at ticket sa sine na binili lang niya kani –kanina lang para masimulan na niya ang panunuyo dito.. 

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang bote at sinipat ito bago ilagay sa mesa na katabi lang ng kama niya... "gumagamit ka rin pala nito"..

"Oo, nakalimutan ko lang dalhin".. naumid ata dila niya sa paglapit nito sa kanya pero tulad pa rin nang dati, wala man lang itong reaksyon..

 "at para san naman yan?".. ang dalang ticket naman ngayun ang na pag diskitahan nitong usisain

"Ah, ito..gusto mo bang manood ng sine?. Hindi ko pa kasi napanood ang Ghost in the Shell mabuti nalang at na extend iyun".. nakangiting pag anyaya niya dito..

na pakamot siya sa kanyang ulo nang hindi ito sumagot at nakakunot pa ang noong tiningnan lang siya nito.. "Ayaw mo ba?"..

"Ayaw ko sa maiingay at mataong lugar".. na pa labi sya saglit. Ang hirap pala nito. She smiled again. Marami akung back up plan. Plan A, B, C, D to Z hanggang sa umo-o ito. Akala nito! Hmmmp!

"Sayang naman!... pero kung ayaw mo sa maingay pwede naman tayong manood dito.. taarannn!".. ipinakita pa niya ang flash disk na hawak niya.. "naka-kopya ako nang Ghost in the Shell galing sa biniling penirata na DVD ni tita"...hindi makapaniwalang  napailing-iling nalang ito... sumablay ata diskarte ko.. pero sige pa rin ang pag ngiti niya..

"Bakit ka pa bumili ng tickets kung may kopya ka na"..

"Mas romantic kung sa sinihan at saka ayaw kung masabihan na kuripot ako"...

"Wala ako sa mood manood ngayun"..

Awww!.. "gusto mong mag picnic na lang tayo?"

Umiling ito..

"Ahmm! Dinner date?"

Umiling ulit ito..

"Mag video-K?".. syet! ano ba naman Eon, sablay mga plano niya..

"Hindi!".. na-iiritang sagot nito

"hindi rin?!,... gusto mo haranahin na lang kita?"..

Pinandilatan siya nito...

"Pero haharanahin naman kitang naka violin".. dagdag niya

Umiling ulit ito sa ikatlong pagkakataon.. kitang-kita sa mukha nito na naasar na talaga ito sa kanya..

"ayaw mo rin?!"..napaismid siya.. No!, di ako susuko..

"Chocolates?".. ipinakita pa niya ang  tatlong chocolates na galing sa bulsa ng cargo pants niya..

 hindi na ito umimik.. tuluyan na nga ba itong naasar?.

 "sorry!".. nag peace sign siya at nilakipan pa niya ng pamatay niyang ngiti, flashing her dimples both side of her lips..nanatiling  nakatutok lang sa kanya ang kulay lilac na mga mata nito..

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon